Blaze Aurelios Blood Agad na naagaw ng pansin ko ang pag tunog ng aking cellphone, kinuha ko ito sa aking bulsa at nakitang email ito mula kay Raven. Napangisi ako ng makita na kumpleto na ang aming kakailanganin sa pag punta sa Densan. “Dito ka muna,” sabi ko kay Allison na ngayon ay buhat buhat pa rin si Haruki. Mabilis akong nawala at nag teleport sa aking silid, pumasok ako sa bilog kung saan naroroon ang isang kwintas, kwintas na nanggaling pa sa matatandang ninuno ng mga mangkukulam, ipinasadya ko ito para sana kay Alliya upang walang makaalam na siya ay normal na tao, at ngayon ay ipapagamit ko ito kay Allison, dahil ngayon ay papasok kami… Papasok kami sa unibersidad ng mga bampira. Mabilis akong nag teleport pabalik sa silid kung saan naroroon sila Allison. “Saan ka gal

