Allison Cassandra Dawson “Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Sir Ethan. Tumango naman ako sa kanya at agad ng tumayo sa aking kinauupuan, total lumabas na rin naman si Aurelios ay dapat sumunod na ako sa kanya dahil wala naman na akong gagawing iba pa dito. “Mauna na ako sa labas, baka hinahanap na ako ni Haruki,” paalam ko sa kanila kahit alam kong sa mga oras na ito ay malamang ay mahimbing na ang tulog ni Haruki. Bigla naman bumalik sa ala ala ko yung naging usapan ni Ethan at Aurelios kanina. Flashbacks “So, what do you want to talk about?” seryosong tanong ni Aurelios habang hindi pa man nakakaupo ang lahat. “Bakit nagawa mong mag dala ng isang tao sa lugar na ito?” seryosong tanong ni Ethan, hindi ko maiwasang mapayuko na lang dahil baka galit ito sa akin.“Alam mong kapag

