Allison Cassadra Dawson Habang hila hila ako ni Aurelios ay nanatili lang akong nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin ng mahigpit, luckily hindi naman ito masakit sa parte ko. Dinala ako ni Aurelios sa isang silid, inilibot ko ang aking paningin dito. “Diyan ka lang, hahanap ako gamot,” sabi sa akin ni Aurelios ngunit bago pa man siya makaalis para mag hanap ng gamot ay hinila ko na agad ang kanyang kamay. “Bakit?” tanong niya sa akin. “Hindi masama ang pakiramdam ko, tara na bumalik na tayo dahil siguradong hinahanap na tayo ni Haruki,” nakangiti at mahinhin na sabi ko sa kanya. “Sigurado ka?” naniniguradong tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango, huminga siya ng malalim bago muling hinawakan ang kamay ko. “Tara, bumalik na tayo,” sabi niya at nag lakad na

