bc

The Twitchers l [ OUTBREAK ZONE ]

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
system
brave
bxg
scary
apocalypse
high-tech world
war
like
intro-logo
Blurb

“In a world ruled by the undead, you are my only reason to stay alive.” — Ethan Lyzander Pierce.

Akala ng lahat, ang katapusan ng mundo ay parang sa mga lumang pelikula lang—mababagal ang mga patay, madaling takasan, at kayang daanin sa simpleng diskarte.

But they were all wrong.

When the outbreak hit, everything collapsed in a blink of an eye. Nang magkaroon ng malubhang biological leak sa mga high-security laboratoryo ng Sector 7, agad na nagdeklara ng total lockdown ang militar.

Ang dating maunlad na lugar ay naging isang ganap na Land of the Dead—isang malupit at walang batas na perimeter na tinawag nilang Outbreak Zone.Sa loob ng impiyernong ito, ang buong teritoryo ay pinamamahayanan na ng "The Twitchers"—mga agresibong zombie na kumikisay ang buong katawan at nagliliwanag ang mga pulang ugat sa mata dahil sa virus.

Isang kalmot o kagat lang, tapos ang buhay mo.

Si Savannah Coleen Vance ay sinusubukang mabuhay nang mag-isa matapos siyang iwanan ng kaniyang grupo para mamatay.

Sa mundong ito kung saan ang pagtitiwala ay katumbas ng kamatayan, hindi niya akalain na sa gitna ng isang madugong bakbakan laban sa mga kawan ng zombie ay ililigtas niya ang buhay ng pinakamapanganib na lalaki sa loob ng zone—si Ethan Lyzander Pierce.

Ethan is a cold, heartless, at tactical survivor na marunong makipaglaro sa mga patakaran ng apocalypse.Kasama ang kaniyang sariling grupo, hindi siya nagkakawanggawa at lalong hindi siya nagrerescue ng kapwa.

Pero nang magtagpo ang kanilang landas, ginawa niyang malaking exception si Savannah.

Together, they must fight to survive laban sa mga Twitchers at sa mga rogue survivor groups na handang pumatay para sa pagkain at armas.

Pero habang unti-unting nag-eevolve ang mga zombie at naghahanda ang militar na tuluyang bombahin ang buong lugar, matutuklasan nina Ethan at Savannah na may mas madidilim na sikretong nakabaon sa mismong puso ng Outbreak Zone.

Sa isang lupain kung saan ang bukas ay isang luxury, maaari ka bang umibig kung ang bawat t***k ng puso mo ay pwede nang maging huli?

***

This is the first book of the "THE TWITCHERS : The Outbreak Zone

Written by : Shaue Yan Lei ✍️

Manatiling nakasubaybay sa buong takbo ng kwento na nahahati sa apat na magkakahiwalay na book:

Book 2 : DAYBREAK OF THE DEAD

Book 3 : PATIENT ZERO

Book 4 : THE FINAL CHAPTER

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Savannah Coleen Vance's POV Kung may isang bagay akong natutunan sa loob ng Outbreak Zone, iyon ay ang katotohanang walang puwang ang emosyon sa mundong pinaghaharian na ng mga patay. Ang bawat t***k ng puso, pwedeng maging mitsa ng kamatayan mo. Ang bawat maling pagtitiwala, pwedeng maging dahilan para maging hapunan ka ng mga Twitchers. But look at me now Heto ako, nakasandal sa malamig at maruming pader ng isang abandonadong grocery store, habang pilit na pinapakalma ang mabilis na paghinga ko. Hindi dahil sa mga zombies na kanina lang ay halos makakain na sa amin, kundi dahil sa dalawang taong nakatayo ilang metro lang ang layo sa akin. Si Ethan Lyzander Pierce. Siya ang nakatayo roon, suot ang kaniyang pamilyar na combat armor na may mga bakas ng natuyong dugo at alikabok, hawak pa rin ang kaniyang Submachine Gun na tila anumang oras ay handang magpakawala ng bala. Si Ethan ang lalaking nakilala ko sa pinakamadugong paraan.Ang lalaking akala ng lahat ay walang pakiramdam dahil sa lamig ng kaniyang mga mata at sa pagiging brutal kapag pumatay ng mga patay. Si Ethan, na ilang beses ko nang nakasama sa mga life-and-death situations, ay kasalukuyang seryosong nakikinig sa babaeng nakadikit sa kaniya. Si Alexa Hindi ko alam kung saan ba hinugot ng babaeng 'to ang lakas ng loob niya para magsuot pa ng magagarang damit na tila a-attend sa isang marangyang salu-salo, na may kumikinang pa na maliit na kuwintas sa leeg nito kahit nasa gitna na kami ng apocalypse. Ang mas hindi ko alam—at ang mas nagpapagulo sa utak ko araw-gabi—ay kung ano ba talaga siya sa buhay ni Ethan. Panoorin ko ba naman silang dalawa ngayon.Si Alexa, halos isubsob na ang dibdib niya sa braso ni Ethan habang nagrereklamo tungkol sa sugat niya sa daliri. Isang gasgas lang 'yon. Habang ako? Nakatayo ako rito na hapit ang suot kong sando at maikling denim shorts, na puno na ng mantsa ng putik at dugo ng mga Twitcher. May malaking pasa ako sa tagiliran dahil sa pag-ilag ko sa isang nag-evolve na zombie kanina, at ang malaki kong wooden bow ay nakasabit pa rin sa aking balikat, mabigat at nagpapaalala sa akin ng bawat palasong bumaon sa bungo ng mga kalaban. Pero kay Alexa pa rin nakatuon ang pansin niya. "Ethan, it hurts so bad. Akala ko ba we’re going to stay sa mas ligtas na sector? Bakit kailangan pa nating dumaan dito?" marangyang boses ni Alexa, sapat na para marinig ko mula sa pwesto ko. Gumawa pa siya ng aksyon na parang maiiyak, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa laylayan ng leather jacket ni Ethan. Tinitigan ko si Ethan, naghihintay ng pamilyar na iritasyon sa mukha niya.Si Ethan ang tipong pumapatay ng kapwa survivor kapag nagiging pabigat at taksil sa grupo. He is a cold, tactical monster. Or so I thought.pero sa halip na itulak si Alexa palayo, nanatili lang siyang nakatayo roon.Tiningnan niya lang ang daliri ng babae, ang mukha niya ay walang emosyon, pero hindi niya rin ito pinapaalis sa tabi niya. Ano ba talaga sila? Masyado ba akong umasa? Iyon ang tanong na halos lumalamon sa sistema ko linggo na ang nakakalipas. Simula nang dumating si Alexa sa kampo, nagbago ang dinamika ng lahat. Hindi kami magsyota ni Ethan. Walang "kami." Niligtas ko ang buhay niya, niligtas niya ang buhay ko. Naging magkakampi kami sa impiyernong ito kung saan bawal ang mag-isa. May mga gabi na sa ilalim ng malamig at madilim na langit, habang binabantayan namin ang perimeter laban sa mga Twitchers, nararamdaman ko ang kakaibang titig niya. Ang mga hawak niya na nagtatagal kapag inaabutan niya ako ng bagong set ng palaso o kapag pinupunasan niya ang putik sa mukha ko. Ang mga salita niyang pinaparamdam sa akin na ginagawa niya akong exception sa lahat ng patakaran niya. Akala ko, may patutunguhan ang lahat ng 'yon. Akala ko, sa gitna ng Outbreak Zone, nakahanap ako ng taong pwede kong sandalan. Pero ngayon? Nang dumating ang babaeng 'to mula sa nakaraan niya, o kung saan mang sulok ng impiyernong ito, bigla akong naging hangin. Hindi ko alam kung girlfriend niya ba si Alexa bago pa magka-outbreak sa Sector 7, o kung may mas malalim silang pinagsamahan na hindi ko kayang pantayan. At ang pinakamasakit? Hindi ko magawang magtanong. Kasi sino nga ba ako? Isang survivor lang na nakasama niya sa daan para lumaban. "Savannah." Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Ethan. Hindi ko napansin na naglalakad na pala siya patungo sa direksyon ko, habang si Alexa naman ay nakasunod pa rin sa kaniya na parang linta, nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin nang may panghahamak. Inayos ko ang hawak ko sa aking malaking pana, pilit na ibinabalik ang matigas kong ekspresyon. "Ano 'yon?" malamig kong tanong, pinipigilan ang sarili kong tingnan ang kamay ni Alexa na nakahawak pa rin sa siko ni Ethan. Tumigil si Ethan sa harap ko. Ang kaniyang mga mata ay tila sinusuri ang buong mukha ko, hinahanap ang anumang senyales ng selos o kahinaan sa akin. "We need to move in five minutes. Nag-iiba ang tunog ng mga Twitchers sa labas. Medyo nagiging agresibo sila, mukhang papalapit na ang kawan dito," seryoso niyang saad gamit ang baritono at authoritative na boses niya. "Okay. I'm ready," sagot ko agad, sabay talikod sa kaniya para i-check ang mga natitira kong palaso sa aking likuran. Ayokong makita ang mukha niya. Ayokong makita kung paano siya nagiging protective kay Alexa habang ako ay hinahayaan niyang lumaban sa unahan na parang walang katapusan. "Savannah, wait," tawag niya ulit, may kaunting diin sa boses niya. Naramdaman ko ang paghakbang niya papalapit, at sa isang sandali, akala ko ay hahawakan niya ang balikat ko para tanungin kung maayos lang ba ako.pero bago pa man niya magawa 'yon, sumingit na si Alexa sa pagitan namin. "Ethan, babe, let's go na.Kung ready na siya, 'di ba dapat mauna na tayo sa sasakyan? Ang baho-baho na rito, at natatakot ako sa mga ingay sa labas," reklamo ni Alexa, sabay hila sa braso ni Ethan palayo sa akin. Babe. Ang salitang 'yon ay parang isang palaso na bumaon diretso sa dibdib ko. Mas masakit pa sa kalmot o kagat ng mga Twitchers sa labas. Tumingin sa akin si Ethan, parang may gusto siyang sabihin, pero nanatili lang akong nakatalikod. Hinarap ko ang pader, habang ang mga kamao ko ay mahigpit na nakakuyom sa hawakan ng aking pana.Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ang setup na 'to. Ang kalabanin ang mga nag-eevolve na zombie habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa bawat segundong magkasama sila. Sa mundong ito, ang bukas ay isang luxury. At sa puntong ito, hindi ko na alam kung aabutin ko pa ang bukas na 'yon kung ang sarili kong mga emosyon ang unti-unting pumapatay sa akin habang nasa loob ng Outbreak Zone. Hindi pa man kami tuluyang nakakahakbang palabas ng abandonadong grocery store, bumasag na sa katahimikan ang malalakas na yapak ng iba pa naming kasamahang survivors. Sina Marco at Jace—ang dalawang itinalaga ni Ethan na magbantay sa likurang bahagi ng gusali—ay humahangos na pumasok sa main hall. Sira-sira ang kanilang mga t-shirt at basang-basa sila ng pawis, bakas sa mga mukha nila ang matinding takot na madalang mong makita sa mga beteranong lumalaban sa zone. "Ethan! We have a huge problem!" sigaw ni Marco habang hinihingal, halos mabitawan ang hawak niyang shotgun. "Hindi lang basta kawan ng Twitchers ang paparating. Ground zero 'to! May dalawang Goliaths na kasama ang kawan, at ginitgit na nila ang pwesto natin sa likod!" "What?!" Humiwalay bigla si Alexa kay Ethan, ang kaniyang mukhang kanina lang ay nagmamaktol ay biglang naging maputla. Ang maganda niyang kuwintas ay nanginginig sa leeg niya habang napapaatras siya. "No, no, no! Sabi niyo malinis ang sector na 'to! Ethan, gawin mo ang paraan mo!" Hindi siya pinansin ni Ethan. Sa isang iglap, bumalik ang malamig at nakakatakot na awra ng pinuno ng grupo. Ibinaba niya ang kaniyang dalawang baril, mabilis na kinasa ang mga ito, at tumingin sa labas ng basag na glass window ng store.Ang kaniyang boses ay naging matigas at seryoso nang mag-utos siya sa natitirang anim na survivors na kasama namin sa loob. "Jace, Marco, barikadahan niyo ang pinto sa likod gamit ang mga natitirang istante!Huwag kayong magpapaputok maliban kung nasa harap niyo na sila, we need to conserve ammunition!" utos ni Ethan, bago bumaling sa iba pa. "The rest of you, protect the supply bags. Kung mawawala ang mga gamot at pagkain na nakuha natin sa Sector 7, patay tayong lahat bago pa man tayo makalabas ng perimeter." "How about me, Ethan?! Saan ako pupwesto?!" hysterical na sigaw ni Alexa, sabay hila na naman sa braso ni Ethan. "I can't fight! You know that!,stay behind the counter, Alexa." Manatili kang nakadapa roon at huwag kang gagawa ng anumang ingay," sagot ni Ethan gamit ang boses na walang puwang para sa pag-angal. Habang nagkakagulo ang lahat, nanatili lang akong tahimik sa pwesto ko. Inihanda ko ang aking wooden bow, kumuha ng tatlong palaso mula sa lalagyan sa likod ko, at pumuwesto malapit sa bintana. Ang suot kong sando ay basa na rin ng pawis, at ang pasa sa aking tagiliran ay nagsisimula nang kumirot dahil sa lamig ng hangin, pero hindi ko iyon ininda. Mas sanay akong kumilos nang tahimik. Sa mundong ito, kapag nag-panic ka,maging kwento ka nalang. Naramdaman ko ang pagtabi ng isang malaking bulto sa akin.Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ito. Ang amoy ng pulbura,Combat Armor, at ang kakaibang presensya niya ay sapat na. "Savannah," mababa at seryosong boses ni Ethan. Saglit siyang tumingin sa aking maikling denim shorts at sa mga gasgas sa binti ko, bago tumitig diretso sa mga mata ko. "Kapag bumigay ang barikada sa harap, ikaw ang bahala sa mga Twitchers na susubukang umakyat sa ceiling pipes. Alam kong kaya mo silang unahan bago pa nila mapansin ang grupo." "I know my job, Ethan," sagot ko na hindi siya nililingon. Nakatitig lang ako sa labas, kung saan unti-unti nang natatakpan ng makapal na alikabok at papalapit na mga anino ang kalsada. "Iligtas mo na lang ang dapat mong iligtas. Kaya ko ang sarili ko." Naramdaman ko ang saglit na pagtigil niya.alam kong naramdaman niya ang lamig at ang pait sa boses ko.Gusto kong isipin na may pakialam siya, na nag-aalala siya sa akin bilang higit pa sa isang kasamahan sa pakikipaglaban. But this is not the time for illusions. BANG! Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong gusali nang tuluyang mawasak ng mga Twitchers ang barikada sa likod. Ang mga tunog ng kanilang pagkikisay, ang nakakangilong ungal, at ang nagliliwanag na pulang ugat sa kanilang mga mata ay sumilip mula sa dilim. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na putok ng baril mula kina Marco at Jace, hinaluan ng matitinis na tili ni Alexa na nagtatago sa ilalim ng counter. "They're inside! s**t, ang bibilis nila!" sigaw ng isa sa mga survivor habang pilit na binarabaril ang isang Twitcher na mabilis na gumagapang sa pader. "Fall back to the center!" sigaw ni Ethan, sabay paputok ng kaniyang dalawang hawak na baril nang sabay. Ang bawat bala niya ay eksaktong tumatama sa bungo ng mga nagwawalang zombies, tumpak, malamig, at walang mintis. Habang nagkakagulo, napansin ko ang isang Twitcher na nag-evolve na—mas malaki ang mga pulang ugat nito at mas mabilis ang bawat galaw nito habang nakasabit sa itaas ng ceiling pipes, diretso ang direksyon sa pwesto kung saan nagtatago si Alexa. Binitawan ko ang unang palaso. Fwip! Thwack! Tumusok ito nang eksakto sa mata ng zombie, dahilan para bumagsak ito bago pa man makalapit.Pero hindi pa doon natatapos.Mula sa basag na bintana sa harap ko, isang panibagong kawan ang biglang sumugod, at sa pagkakataong ito, diretso ang takbo nila sa akin at kay Ethan na kasalukuyang nagre-reload ng kaniyang mga armas. Sa gitna ng usok, putukan, at tili ng mga kasama naming survivors, nagtagpo ang mga mata namin ni Ethan. Sa puntong ito ng kalagitnaan ng ingkwentro, napapaligiran kami ng kamatayan, ngunit ang mas mabigat na laban ay ang hindi namin maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Fwip! Thwack! Binalot ng pamilyar na tunog ng aking pana ang maingay na paligid.Ang palasong pinakawalan ko ay mabilis na humati sa hangin bago marahas na bumaon diretso sa bungo ng nagwawalang Twitcher. Bumagsak ito nang nakadapa, ilang pulgada lang ang layo sa boots ko. Ramdam ko ang talsik ng itim at malapot na dugo nito sa aking binti, pero hindi ko man lang nagawang kumurap. "They're inside! ang bibilis nila!" sigaw muli ni Marco mula sa likuran. Nagpapanic na siya habang sunod-sunod na pumuputok ang kaniyang shotgun, pilit na itinutulak pabalik ang dagsa ng mga zombies na may nagniningning na pulang ugat sa mga mata. "Stand your ground!" ang umuungol at authoritative na boses ni Ethan ang nangingibabaw sa buong grocery store. PRRRRRRT! Sabay na nagbuga ng apoy ang hawak niyang baril. Ang bawat putok ay may kasamang bagsak ng katawan. He was moving like a machine—malamig, kalkulado, at walang kahit isang sayang na galaw habang pinoprotektahan ang mga supply bags na bitbit ng iba pang survivors. "Ethan! Tulungan mo ako rito! Oh my God, they're everywhere!" Ang matinis na tili ni Alexa ay pumailanlang mula sa ilalim ng sirang counter. Naka-upo siya roon, nakatakip ang mga kamay sa kaniyang tainga habang ang kaniyang katawan ay nanginginig sa takot. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong sumulyap si Ethan sa direksyon ni Alexa. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga sa ilalim ng madilim na gabi.Gusto niyang pumunta roon. Gusto niyang protektahan ang babaeng 'yon. At ako?Heto ako,nakikipagpatayan sa unahan para sa grupong ito. "Savannah, watch your left!" biglang sigaw ni Ethan. Bago pa man ako makalingon, isang agresibong Twitcher ang mabilis na gumapang mula sa gilid ng pader, handa nang sumugod sa akin gamit ang naglalakihang kuko nito. Dahil sa matinding kirot ng pasa sa aking tagiliran, medyo nabagalan ako sa pagkuha ng bagong palaso mula sa lalagyan sa likod ko. s**t. TRRRRRRTL! Isang malakas na putok ang dumanas sa tabi ng tainga ko.Ang utak ng Twitcher ay sumabog, at ang katawan nito ay nawalan ng buhay na bumagsak sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko si Ethan na nakatayo malapit sa akin, umuusok pa rin ang dulo ng kaniyang baril.Ang kaniyang mga malalim na mga mata ay nakatitig sa akin, puno ng emosyong hindi ko mapangalanan sa gitna ng apocalypse na ito. "Sabi ko sa 'yo, mag-ingat ka," mababa niyang saad, habang patuloy na nagre-reload ng bala nang hindi pinuputol ang titig sa akin. "Salamat," malamig kong sagot, pilit na ibinabalik ang aking badass at matatag na pader. "Pero kaya ko ang sarili ko, Ethan. Pumunta ka na roon sa counter, baka mamatay sa takot ang babe mo." Hindi ko napigilan ang sarili kong mabitawan ang huling salitang 'yon. Isang maliit na hiwa ng selos at sakit sa gitna ng mundong gumuguho. Nakita ko ang saglit na pagkagulat sa mukha ni Ethan, parang may gusto siyang ipaliwanag, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay narinig namin ang isang napakalakas na ungal mula sa labas. Isang Goliath.ang nag-evolve at higanteng bersyon ng mga Twitchers ay tuluyan nang bumasag sa glass window ng grocery store, nagpira-piraso ang mga bubog sa sahig habang ang dambuhalang nilalang na may naglalakihang pulang ugat sa buong katawan ay tumayo sa harap naming lahat. Ang dambuhalang nilalang na may naglalakihang pulang ugat sa buong katawan ay tumayo sa harap naming lahat.Ang bawat paghinga nito ay naglalabas ng usok, at ang kaniyang balat ay tila gawa sa pinagtagpi-tagping matitigas na laman ng mga namatay na. Sa laki niya, halos maabot na ng kaniyang ulo ang kisame ng grocery store. "Everyone, run!" sigaw ni Ethan, habang ang kaniyang boses ay mas naging alerto at mariin. Bago pa man makakilos ang iba pang survivors, bumuwal na ang Goliath patungo sa direksyon namin.Sa isang hampas ng dambuhala nitong kamay, nawasak ang mga natitirang istante ng grocery. Nagliparan ang mga lata at kalawang na bakal sa paligid. "Ethan!" tili ni Alexa mula sa ilalim ng counter, mas lalong nagpapanic habang niyayakap ang kaniyang sarili. "Savannah, get down!" mabilis na hila sa akin ni Ethan palayo nang sumugod ang Goliath sa pwesto ko. Nadama ko ang higpit ng hawak ng kaniyang kamay sa braso ko, bago kami sabay na gumulong sa maruming sahig upang iwasan ang marahas na pag-atake ng monster. Sa sobrang lapit namin, naamoy ko ang pamilyar na pabango sa Combat armor na suot nya na nahaluan ng amoy ng pulbura. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin habang nakadapa kami sa sahig, at sa isang segundo, nakita ko ang matinding takot sa kaniyang mga mata—hindi para sa sarili niya, kundi para sa akin. Ngunit mabilis siyang tumayo at hinarap ang Goliath. Sabay na nagpaputok si Ethan gamit ang kaniyang baril, diretso sa dibdib ng halimaw. RAT-TAT-TAT-TAT-TAT! Ang mga bala ay bumaon sa matigas na balat nito, ngunit tila lalo lang itong nagalit. Umungal ang Goliath ng napakalakas na boses na halos magpayanig sa buong gusali. Habang abala ang Goliath kay Ethan, mabilis akong tumayo kahit kumikirot ang pasa sa aking tagiliran.Inihanda ko ang aking malaking wooden bow at kumuha ng pinakamatalas kong palaso. Pilit kong pinakalma ang aking paghinga habang tinitarget ang nag-iisang kahinaan ng nilalang na iyon—ang nagniningning na pulang ugat sa gitna ng kaniyang leeg. Fwip! Thwack! Eksaktong bumaon ang aking palaso sa gitna ng ugat nito. Isang nakapanghihilakbot na ungal ang pinakawalan ng Goliath habang napapaluhod ito sa sakit. "Now, Ethan!" sigaw ko, ang boses ko ay umalingawngaw sa buong hall. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Ethan. Tumakbo siya patungo sa nakaluhod na Goliath, tinapakan ang isang sirang istante para makatalon nang mataas, at idinikit ang dulo ng kaniyang Submachine gun diretso sa ilalim ng panga ng halimaw. BOOM! Sumabog ang bungo ng Goliath, at ang dambuhalang katawan nito ay bumagsak nang walang buhay sa sahig, naglikha ng makapal na alikabok sa paligid. Hinihingal si Ethan habang dahan-dahang bumababa mula sa patay na monster, umuusok pa rin ang kaniyang baril. Tumingin siya sa akin, may maliit na ngiti ng paghanga sa kaniyang mga labi. Pero bago pa man kami makapagpalitan ng salita, mabilis na tumakbo si Alexa palabas ng counter at dire-diretsong sumubsob sa dibdib ni Ethan. Niyakap niya ito nang mahigpit, umiiyak at nanginginig. "Oh my God, Ethan! I thought we were going to die! Huwag mo na ulit akong iiwan doon, please!" hikbi ni Alexa, habang ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa likod ng leather jacket ni Ethan. Natigilan si Ethan. Tumingin siya sa akin habang yakap-yakap ni Alexa, ang kaniyang mga mata ay tila nagsusumamong huwag kong bigyan ng maling kahulugan ang nakikita ko. Pero huli na. Ibinaba ko ang aking pana at tinalikuran sila. Sinalubong ko sina Marco at Jace na kasalukuyang tinitipon ang mga natitirang survivors para sa pag-alis namin. Sa mundong ito kung saan ang bawat minuto ay isang laban para mabuhay, napagtanto ko na ang pinakamanganib na kalaban ay hindi ang mga Twitchers o ang mga Goliath—kundi ang sarili kong puso na unti-unting nadudurog sa loob ng Outbreak Zone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.2M
bc

The Silver Wolf

read
486.5K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.0M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
863.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.1M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.2M
bc

Unscentable

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook