bc

FIGHT FOR ME

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
drama
tragedy
serious
realistic earth
betrayal
secrets
multiple personality
lawyer
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Zenith Salvacion ay isang Lawyer at masasabing magaling na Lawyer dahil marami na itong naipanalong kaso. Passionate din ito sa kanyang trabaho na halos wala nang oras sa sarili. Pero kaya kayang ipinalo nang isang Attorney Zenith ang kaso ang lalaking mamahalin nya?

chap-preview
Free preview
FIGHT FOR ME
ZENITH “Oh ano nakita mona kung sino ang babae ko? Ngayon wala ka parin bang balak na pakawalan ako?” Hindi ko alam kung anong mararamdaman o kung ano ba dapat ang gawin ko sa mga nasaksihan at sinabi saakin ng mahal kung fiance na isang walang kwentang lalaki. “Ganon ganon nalang ba? ikaw na itong nanloko ikaw pa talaga ang may lakas ng loob para sabihin yan?” Pag uumpisa ko “Ang gwapo mo rin ano? At kung pipili ka naman sana ng babae iyong may ibubuga naman, yong kaselos selos. Hindi yong parang napulot molang sa basurahan” Dagdag ko Gusto ko talaga syang saktan sa mga nakita ko parang gusto ko nga syang patayin. Pinapanatili kolang kalmado ang aking sarili, edukada akong tao. Isa akong Abogado at isa sa mga katungkulan ko na hindi dapat ipag laban ang mga tarantado at manloloko. Masakit man, pero aapakan kolang ba ang ego ko para sa walang kwentang tao? Kahit 4 years pa kaming nagsama at ikakasal na sana, wala akong pake mas mahal ko ang ego ko keysa sa kanya “At kung makapag salita ka naman Harvey, para talagang habol na habol ako sayo no? Anong feeling mo” Hirit kopa namay halong pang i-insulto “Excuse me lang po....ma walang galang na, but will you please get out of my house!” Napa sigaw na ako sa sobrang galit Yeah, my house. Because it's mine, only mine. Wala syang share kahit sa expenses, bills, foods etc. Ah no, wait meron pala syang ambag kaso puro sama ng loob plus nalang natin yong katamaran. Ewan ko ba kung bakit ang tamad ng lalaking to eh hindi naman mayaman. Samantalang napaka sipag naman ng kanyang parents at mga kapatid “Are you sure?” Paniniguro nito. Pero di na ako umimik and it means yes, alam nya na yon Dahan dahan naman itong tumalikod para umalis na. But I have something to say, nakalimutan ko pala. “Harvey..” Tawag ko, lumingon naman agad ito, akala siguro ay pipigilan ko siya “Aalis kaba ng hindi dala ang mga gamit mo?” Tanong ko. Kita sa mukha nito ang pagka bigla Buo na ang desisyon ko, ano habang buhay nalang ba akong magpapatira ng palamunin at pabigat sa bahay ko? My god he's my fiance but he act like my child. Tapos may gana pang magdala ng babae, hindi na nahiya sa sarili “Are you really serious Zen? Come on I'm your boyfriend, no your fiance. Your soon to be husband. You can't do that to me” Pagmamakaawa nito, but I don't see any reasons to give him a chane again. “Para sabihin ko po sa'yo hindi ako tanga para pa tirahin kapa dito sa bahay ko!” Sigaw ko at agad ibinato sa kanya ang ibinigay nitong bracelate saakin noong first anniversary namin na first gift and last gift nya. “Oo bahay kolang dahil wala ka namang ambag. Ilang years kapo kasing palamunin ko lang, sayang nga ang pinag aral sayo ng mga magulang mo” Dugtong ko without hesitation, gustong gusto ko talagang sabihin yon noon pa and I think this is the right time Para siyang puputok sa galit sa mga sinabi ko, halatang halata dahil sa namumula nitong mukha habang nakakuyom ang dalawang kamao. Pero hindi naman ako natatakot I'm a Lawyer and there's cctv's in every part of my house. “Isa pa ang ibig kung sabihinh umalis ka sa bahay ko, ang ibig sabihin ko lumayas ka at wag ka ng babalik. Doon kana tumira sa babae mo. Pakibalik din ng singsing sayang eh, pwede pa 'yang ma-benta” Pahabol kopa para mas lalong mahiya sa sarili At effective nahiya naman kaya dali dali nitong kinuha ang kanyang mga gamit at agad na umalis. Well I don't care, na immune na siguro ako sa ginawa nito kaya medyo tanggap kona. Nga pala I was just kidding about don sa singsing hindi kona kinuha at wala naman talaga akong balak, sinabi kolang yon para maslalo syang maasar. * Months passed, I've realized na hindi ko naman na talaga sya mahal. Aaminin ko na miss ko sya no'ng mga nag daang araw but not to the point na umiyak ako. May Client pala ako ngayon, I need to be there right away urgent daw kasi “Are you Attorney Salvacion?” Tanong ng lalaking nakasuot ng black tuxedo at black shade may suot rin itong earbuds. Sa tingin ko bodyguard sya ng Client ko “Yes” Tipid na sagot ko Kaya agad ako nitong pinapasok sa isang room, na sa tingin ay opisina ng amo nya “Good morning” Bungad ko pagka pasok sa loob “Good morning din, Attorney Salvacion” Bati rin nito Agad naman ako nitong pinaupo at agad naming pinag usapan ang mga plano. Balak pala nitong mag sampa ng kaso laban sa ex nya, Attempted murder. narami pang details na sinabi pero ayoko ng isa isahin pa. Marami pa akong trabaho hindi lang ang kaso nya ang dapat kong focusan. * I'm so tired kakauwi kolang from work, ang dami kopang tatrabahoin kahit naandito na ako sa bahay. Tiningnan ko mona ang aking sarili sa salamin na nasa side ng aking kama. I looked so weary and haggard, napapabayaan kona ata ang aking sarili simula ng maging Abogado ako. Siguro kaya nag hanap ng iba si Harvey dahil wala na akong oras sa kanya. Ibang iba narin ang hitsura ko ngayon Humiga mona ako sa kama para makapag pahinga manlang. Ipipikit ko palang ang aking mga mata ng may biglang tumawag. Hinayaan ko mona ng mga ilang segundo bago ko sinagot. Wala naman akong ibang inaasahan na tatawag kundi ang mga Client lang “Good evening Attorney Salvacion, can we talk?” Bungad nito sa kabilang linya Hindi na ako sumagot wala ako sa mood ngayon, kaya pinatay ko mona ang tawag nito at tinext nalang na busy ako ngayon at ipagpa bukas na lamang Ilang minuto narin ang nakalipas hindi pa sya nag rereply kaya bumalik na ako sapag tulog. Pero ilang segundo palang na nakapikit ang aking mga mata ng muli itong tumawag. Na-aalibadbaran na ako “Please Attorney I need you now! meet me at my Condo unit I'll send you the address” Ma awtoridad nitong utos at agad pinatay ang tawag Nakapaka demanding ng ugak na'to sino ba sya? Anong akala nya hawak nya ang buhay ko? How dare him. Manigas sya do'n dahil hinding hindi ako pupunta. Nawalan na akong ganang matulog dahil sa mga nangyare, bumangon na lamang ako at kinuha ang mga important files galing saaking mga Client. I need to study these, kailangan maipanalo ko lahat ng kasong hawak ko. Pero na didistract ako sa sunod sunod na text messages mula saaking phone. Hindi kona mona pinansin, pero ang g@go tumawag. Pinatay kodin kaagad at planong I block muna ang number nya. Pero natigilan ako sa last message nito at napukaw ang interes ko Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan sya ng mabasa ko iyon. Agad na tinungo ko ang address na sinend nya nakalagay nadin kung anong unit. Tinext kona din sya na abangan na ako “Thanks for coming Attorney” Bungad nito ng makapasok ako sa kanyang unit “Can I have it right now. It might help your case” Walang alinlangan na pahayag ko “Ofcourse I will give it to you because you're my Lawyer. But I have one more favor, please just focus on my case I'll pay you triple” Nabigla ako sa sinabi nya. Gaano ba sya katakot sa ex nya at kailangan baliwalain ang ibang client ko for him “Ofcourse...I won't do that. You know me Mr. Acosta” Pagtatanggi ko pero walang emosyon ang mukha nitong tumingin saakin “Please Attorney gusto kong makulong kaagad ang babaeng 'yon” Pagpupumilit nito na ngayon ay puno na ng senseridad ang mga mata Puno ito ng galit at lungkot tuwing nababanggit ang kanyang ex. Ano kayang nangyare sa kanila at humantong sila sa ganito. “Here's the evidence” Wika nito sabay abot saakin ng maliit na white envelope May laman itong USB at ayon sa kanya ito ang CCTV footage ng nangyaring pagtangka sa kanya ng ex nito. Walang alam ang babae dito, ang akala daw kasi ng ex nya walang cctv sa kanyang bahay, dahil hindi sila madalas doon. Kinuha ko ang sobre balak kong sa bahay nalang ito panoorin dahil gabi na. Nag paalam na ako pero hindi ito sumagot kaya tinungo kona ang pintoan para makauwi na. “Attorney, wag ka monang umalis” Tiningnan ko naman ito kung seryoso sya sa sinabi nya. Pero ang tanging nakikita kolang ay lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konteng awa para sa kanya. Pumayag na lamang ako na mag stay mona ng ilang minuto “What do you need?” Agad na tanong ko “No, you need these Attorney” Seryosong sagot nito “Okay, so you'll going to tell me about what happened between you and to your ex?” Medyo umiba ang ekspresyon ng hitsura nya sa tanong ko. Pero kailangan iyon para mapatibay at, kung sakali mapabilis maipanalo ang kanyang kaso laban sa ex nya * * * LUCAS “Okay, so you'll going to tell me about what happened beetween you and to your ex?” Tanong ng Abogado ko ng pigilan ko itong umalis Nabigla pa ako dahil hindi ko alam kung kaya kona bang i-open up ang tungkol sa mga nangyare saamin ng ex ko at kung bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon “Do you want coffe?” Tanging naitanong ko para sana maiba ang usapan “Yes please, it's bit cold here. By the way don't put so much sugar please” Paalala nito Medyo naganahan ako sa naging tugon nya. Kaya agad ko siyang tinemplahan ng kape at sinunod ang ibinilin nito. Hindi ko alam kung bakit gusto ko syang makausap kahit gabi na at sa condo unit kopa, buti isa syang Abogado kaya siguro hindi na big deal para sa kanya “Infairness nakuha mo ang gusto kong templa” Anj nito sabay higop ulit sa kape “Thank you Attorney” Ani ko naman at nginitian sya “You can call me Zenith or Zen for short if you want. Tingin ko hindi naman nagkakalayo ang age gap nating. Parang nakakatanda kasi kapag tinatawag mo ako'ng Attorney” Utos pa nito kaya napa ngiti ako Masarap din palang kausap itong si Attorney akala ko suplada hindi naman pala. Napaka bubbly and joyful nito napapalagay ang loob ko sa kanya “Bakit humantong kayo sa ganito?” Biglaang tanong nito Pero alam kona lahat ng itatanong nya, it's all about me and Cynthia. Parang hindi kopa kayang pag usapan ito sa ngayon. Gusto kolang talaga mona ng makakausap, hindi kolang alam kung bakit sa Attorney kopa ito naisip “Okay, I understand your silence. If you don't want to open up right now, maybe tomorrow?” Hindi ako nakaimik sa sinabi nya, hindi korin alam kung seryoso ba sya or nagbibiro lang. “Hey! I was just kidding, masyado ka atang seryoso. Tsaka ang tahimik mo din baka mapanis laway mo nyan” Hirit pa nito Hindi ko akalaing mapag biro din pala sya, hindi ko tuloy maiwasan mapangiti sa mga kinekwento nya at mapatawa sa kanyang mga jokes. Marami kaming napag usapan pero hindi ko mona binabanggit ang tungkol saamin ni Cynthia. But I know I need to. Sa ngayon hindi pa ako handa dahil may involve sa kwento namin na hindi kopa kayang maalala ulit Halos mag da dalawang oras din dito si Attorney bago umalis pero hindi manlang ako naboring sa kanya kahit out of topic sa talagang dapat naming pag usapan. Alam ko na kailangan nya ng informations about what happened to me and Cynthia, I need to be ready. * Malapit na ang hearing, nakahanda narin ang kampo nila Cynthia kumuha din sila ng magaling na abogado. But I promise she will go to jail like she supposed to “Anong akala mo kaya mo akong ipakulong? Remember you're weak like your father” Huling sinabi nito saakin na paulit ulit rumirehistro sa aking utak Damn b¡tch! hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan at hinding hindi ko ata makalimutan ang mga ginawa saakin ng hayøp na babaeng yon. Napaka walang hiya nya, sisiguradohin kong makukulong sya * Flashback: “I can't wait to marry you, babe” Bulong ko saaking girlfriend Habang niyayakap ko ito mula sa likoran at sinasapo ng aking kamay ang maliit na umbok ng kanyang tiyan, she's 3 months pregnant. Hindi pa namin sinasabi sa parents namin at mga kaibigan, because we wan't to surprise them “Hindi kapa nga nag po-propose eh” Hirit nito na bahagyan natatawa Hindi ako umimik because I was planning to surprise her, balak kong mag propose sa 26th birthday nya, 3 months to go nalang * Habang pauwi ako sa bahay, I feel so excited dahil naghihintay saakin si Cynthia minsan lang kasi sya doon pumunta. Nabigla pa ako dahil naroon ang kotse ni Daddy, siguro sa bahay sila mag di-dinner with my stepmom. Mas lalo tuloy akong nai-excite pumasok dahil sa isiping naroon ang mga mahal ko sa buhay “Help! help!” Cynthia? Mabilis akong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay ng marinig ko ang sigaw nito “What happen!?” Sigaw ko at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Cynthia “Your Dad, si Tito I don't know! When I got out to your room, he is already lying there at hindi na gumagalaw parang inatake sya. Does he have a heart disease or what?" Nanginginig na tanong ni Cynthia. Sigurado akong natatakot sya, she's pregnant baka kung anong mangyare sa kanya. I should take them both to the hospital Ilang minuto na makarating kami sa Hospital. Doon kolang nalaman na may malubha palang sakit sa puso si Dad, at severe na. Para akong binuhosan ng malamig na tubig, bakit hindi ko manlang alam yon, bakit nya iyon sinekreto saakin. “Is there something happen na maging dahilan ng pagkagulat ng dad mo like na inis sya ng sobra or na excite?” Tanong ng Doctor But I don't know what to answer dahil wala naman ako sa pangyayare. “I don't know Doc, because I wasn't there” Tanging naisagot ko “I don't think na aatakihin sya for no reason” Ani pa ng Doctor “My girlfriend said, nakahiga na si Dad ng makita nya ito” “Are there stairs? Pwede din kasing napagod sya ng sobra kaya sya inatake” Ani pa ng Doctor, pwede nga iyon maging dahilan dahil medyo mahaba ang hagdan sa bahay, siguro ay napagod sya “How is he? by the way” "I am sorry sir, but he's in critical condition. You need to be ready” What? Ne hindi nya pa nga nakikita ang magiging anak ko?Hindi ito pwede mangyare. I will do anything to save him “Excuse me sir! Ikaw poba Ang guardian ni Ms. Cynthia Ramirez?” Tawag saakin ng nurse “Yes, I'm her boyfriend” Agad na Sagot ko “She's bleeding Sir” What? No..no..no wag ang anak ko. Bakit nangyayare ito saakin ano bang nagawa kong kasalanan? Hindi na ako naghintay pa ng mga sasabihin ng nurse agad akong tumakbo at tinungo ang kwarto ni Cynthia “Where is she?” Sigaw ko ng hindi ito mahagip ng mata ko sa kanyang kwarto “Tiningnan po sya ng Doctor sir, malakas po kasi ang bleeding niya” Sagot ng nurse Halos isang oras akong naghintay kay Cynthia nakalimutan kona rin si Daddy sapag aalala sa mag ina ko “Excuse me Sir, are you Cynthia's Boyfriend?” Napatingin ako sa likod, ito siguro ang doctor na tumingin sa kanya “Yes Doc, How is she? is she okay? Our baby?” Sunod sunod na tanong ko sa sobrang pag aalala “Your Girlfriend is okay, but we're sorry to say this but the baby did not survive. Nakunan sya” Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa. Halos gumuho ang mundo ko sa aking mga narinig para bang tumigil ang mundo ko sa mga nangyayare saakin ngayon. Bigla akong nawalan ng gana lumabas mona ako ng Hospital tinawagan ko ang dalawang katulong namin para pag bantayin kay Daddy at Cynthia. Gusto ko monang mag palamig dahil parang di kona kakayanin pang mag stay dito sa Hospital sa ngayon Nagising ako sa ingay na nagmumula saaking cellphone. Tiningnan ko ito sakto naman nag end ang call, pag unlock ko palang ng phone tumambad saakin ang mga missed calls at text messages mula kay Cynthia. Tiningnan ko rin ang Oras 9:30 am na pala, napahimbing ang tulog ko siguro dala narin sa ininom kong alak kagabi. * The reason behind Don Favio Acosta's Death; Inopen ko ang mga messages ni Cynthia, at doon na tuloyang gumuho ang mundo ko. Kung alam kolang nayon ang mababasa ko sana hindi nalang ako nagising. Bakit sabay pang nawala ang mga importante sa buhay ko ang magiging anak ko tapos si Dad Isang buwan rin napabayaan ko ang aking sarili dahil sa mga nangyare. Hindi ko alam pero bigla pumasok sa isip ko ang cctv. Bakit ngayon kolang ito naisip. agad ko namang tinungo ang kinaroroonan ng Monitor Ni-replay ko ang date ng huling pag punta dito ni Daddy. Pag open ko palang ng computer kinabahan ako bigla, hindi ko alam pero parang nanlamig ang buong katawan ko. Natigilan ako ng may kakaiba akong napansin sa CCTV footage sa date nayon, may isang kotse na pumurada malapit sa bahay ko hindi ito pamilyar saakin. Niluwa nito ang isang lalaking hindi rin pamilyar. Pumasok ito sa gate at agad pumasok sa loob na sinalubong naman Cynthia na parang nagulat pa, pwersahan sya nitong hinahalikan. Nakita kopang hinila ito ni Cynthia patungo sa second floor. Nanginginig na ako sa mga Oras na iyon, para bang anong oras bibigay na ako. Kaya pala pinag day off nya mga katulong ko dahil may binabalak pala syang katarantadohan. Pinagpatuloy ko parin ang video. Pumasok ang dalawa sa kwarto at hindi kona alam ang mga nangyare sa kanila dahil walang cctv sa loob. Ilang minuto lang din ng makarating si Daddy nakita kopang medyo nagtaka ito sa nakitang kotse, dahil huminto ito ng ilang segundo pero mabilis din itong tumungo sa loob ng bahay umupo mona ito sa sofa at mga ilang minuto tumungo naman ito saaking kwarto. Nakita kopang kumatok ito ng ilang ulit pero parang walang naririnig ang dalawa kaya siguro naisipin nitong sumilip dahil hindi naman naka lock ang pinto at ilang segundo lang nga humawak na ito sa kanyang dibdib at dahan dahang natumba. Kaya pala inatake si Dad dahil sa mga p*t@ng!n@ng yon mga wala silang hiya sila End of flashback. * * “Ready kana ba sa mga mangyayare?” Tanong ng kaibigan kong si Ralph “Oo at ready na akong sabihin lahat kay Attorney Salvacion lahat ng mahahalagang impormasyon to win my case” Ma senseridad kong sagot Desperado na akong makulong sya lalo na at nalaman ko ang totoo. Sinayang nya lang ang limang taong relasyon namin para pagtakpan ang mga walang kwentang tao, binalak nya pa akong patayin na mabuti nalang hindi nangyare, kung hindi walang hustisya ang magaganap “Mauna na ako Ralph, may pag uusapan pa kami ng Abogado ko para sa kaso” Paalam ko tumango na lamang ito bilang pag sang ayon Agad na tinungo ko ang meeting place namin ni Attorney Salvacion para mapag usapan na lahat at ang mga gagawin na plano “I know you're going to win this Attorney Salvacion” I said to her confidently “I hope so Mr. Acosta, but we both know how powerful she is and her family” She said na medyo nababahala I immediately grabbed her hand, it's cold and sweaty. I know she's bit nervous I can tell. Lalo na siguro ng sinabi ko sa kanya ang background ni Cynthia, my ex. “Don't worry Zen, kahit ano man maging kalabasan nito. Hindi Ako magagalit I know it was hard for you. Manalo matalo okay lang alam alam kong ginagawa mo ang lahat. May tiwala ako saiyo” Ani ko Gusto kong patatagin ang loob ni Attorney, gusto kong maramdam nya na para lang nya akong kaibigan, dahil ayokong ma pressure sya. Magaling syang Abogado at may tiwala ako sa kanya.. Alam koring medyo nahihirapan sya sa kaso ko dahil masyadong malakas ang kampo nila Cynthia at marami ring koneksyon ang pamilya nito. “Maraming Salamat Mr. Acosta. Sige na, mauna na ako marami pa akong kailangan asikasohin. See you tommorow” Paalam nito Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Gusto ko sana syang ihatid pero may kailangan pa akong puntahan sa ngayon Agad kong tinungo ang aking sasakyan at mabilis itong pinaandar. "Makukuha din natin ang hustisya na nararapat saatin, Dad." Ani ko saaking sarili * * * CYNTHIA “Mom, natatakot ako paano kung manalo sila. Ayokong makulong Mom, I'm scared” Nakaluhod kong nagmamakaawa kay Mommy. Pero wala itong emosyon tumingin saakin. “Look what you've done. Pagkatapos ay luluhod ka saakin ngayon para humingi ng tulong. You should be ready for the consequences for what you did” Ani nito na wala manlang awang mababakas sa kanyang mga mata “Mom, please maawa ka saakin I'm your daughter your only child. Malaki Ang maitutulong mo saakin” Pagmamakaawa ko, pero wala paring emosyon ang mga mata nitong nakatitig saakin “Pasensya na Cynthia pero sa pagkakataon ito hindi na kita matutulongan” Ani nito “Napaka sama mo! Parang Hindi mo ako anak! Kaya moba talaga akong makitang makulong ha!?” Nanggagalaiti kong Sigaw na halos puputok na ang aking mga ugat sa leeg Wala manlang itong naging reaksyon sa mga sinabi ko. Ne hindi manlang ito tumigil sa kanyang ginagawa “If I knew you'd grow up to be a monster, I should have left you to your father“ She said with a lower voice “I have warned you Cynthia” Dagdag pa nito na hindi manlang tumitigil sa kanyang ginagawa I know her, alam kong hindi na magbabago ang kanyang pasya. Ang ama ko nalang ang natitirang kong pag asa. Bago ako umalis ay binasag ko mona lahat ng mga babasagin na naroon sa opisina ni Mommy dahil sa galit nararadaman ko. Padabog koring isinira ang pinto na halos masira ito . . “What's bring you here?” Bungad saakin ng half brother kong si Paul “Where's your dad?” Tanong ko “Our dad.. What do you wan't?” Inirapan ko lamang ito hindi kona pinansin pa dahil hindi naman sya ang pakay ko. Pumasok na ako sinadya kopang banggain ang kanyang braso dahil nakaharang ito sa pinto “I need your help” Agad na bungad ko sa aking ama pagkapasok ko palang sa Opisina nito sa loob ng kanyang bahay Ne hindi ko manlang sya magawang tawaging Dad pero nandito ako ngayon kakapal ang mukha para humingi ng tulong “What is it my princess?” Masayang tanong nito “I really need your help, Dad..” Napa buntong hininga kong sinabi It was the first time again after 20 years that I called him Dad. Napatawa ito sa narinig nya, alam kong gustong gusto niyang tawagin ko siyang Dad. It's been 20 years simula ng iniwan nya kami ni Mom, at ipinagpalit sa kabit nya.That day I have promised to myself that I won't call him Daddy again and he's no longer my father, after what he did to me and to my mom. But now I need to break my promises, I need him, he's my only hope left “Tell me, I can do everything for my princess” Tanong nito “Someone filed a case against me” Deretsyahan kong sagot His facial expression changed a bit. But he immediately laughed. Kahit kailan ay Hindi parin ito nagbabago, Hindi ko parin mabasa basa ang ugali nito “Why are you worried? I know it's not the first time that someone has filed a case against you, right?” Ani nito na tila kilalang kilala ako Hindi nga ito ang una marami na at lahat ng iyon ay nalusotan ko dahil mahina lang at ang iba naman ay nababayaran at dahil narin sa malakas na koneksyon ni Mommy. Pero iba ang isang ito malakas sila mayaman at marami ring koneksyon. “This one is different, malakas at marami siyang koneksyon. Magaling din ang abogadong kinuha niya” Wika ko “Ano bang kasong isinampa saiyo? at ano ang pangalan ng nag sampa?” Tanong naman nito, na tila kampanteng kampante “Actually he's my ex, Lucas Rey Acosta the Heir of Don Favio Acosta the owner of 'Acosta Le Plus Grand Building” Pahayag ko, na ikinabigla ng mukha nito “Favio Acosta..my biggest enemy and Competetor, of all people..what a small world HAHAHA” Naiiling nitong wika at kasunod ang malakas nitong pagtawa “So he was your enemy pala, but he's dead already kaya si Lucas na ngayon ang magiging kalaban mo” Nakangisi kong pahayag Kung ganon makukumbinsi ko talaga sya na tulungan ako. What a small world nga, I know he can help me, my father is wealthy as wealthy as my ex. He'll find a good lawyer for me “Don't worry, I'll call my Lawyer for you. And I will do anything para mabasura Ang kasong isinampa sayo” “Attempted murder ang isinampa nyang kaso saakin Dad, but I'm not sure if totoo ang sinabi nyang may malakas syang ebedensya laban saakin” Pahayag ko Mabuti nalang at parehos Mayaman ang mga magulang ko. Kaya kahit papano may laban ako sa kanya “Are you really serious Dad? Why would you help her. She's about to kill someone she need to face the consequences” Napatingin ako sa pinto, my dear half sister. Napaka relihiyosa. Napailing ako saka sya tinitigan ng masama habang nakangisi ang aking mga labi. “Georgina? I have told to not enter my office room without asking me” My dad said to her “I'm sorry, na carried away lang po ako sa mga narinig ko. But please dad, you can help her anytime, except this one Dad” “Who do you think you are!” Nanggalaiti kong sa half sister ko “Ate please–” “Stop! Don't you dare call me Ate if you want to see me inside the jail” Pigil ko “Get out Georgina, I command!” Utos ni Dad Hindi na nakapag salita pa si Georgina, lumabas na lamang ito. Wala naman syang magagawa / ZENITH Kinakabahan ako, sa lahat ng kasong nahawakan ko ito lamang ang kasong kinakabahala ko. Paano kung ma matalo kami /ma dismiss, Hindi ko alam kung sasapat ba itong ebedensyang hawak ko. Napakalas nila maraming koneksyon bahala nalang siguro si batman. “Attorney Salvacion, nice to see you” Tawag saakin ng isang pamilyar na boses Agad ko naman siyang nilingon, si Attorney Kinouchi pala. Isang gwapo, hot at kilala ring lawyer siguro nasa 30's na.Bakit kaya nya ako tinawag it was the first na nagpansinan kami, nginitian ko lamang sya at tuloyan ng pumasok sa Cafe balak ko monang mag kape bago simulan ang hearing. Nakita ko naman na sumunod ito saakin “Would you mind if I treat you" Ani nito na ngayon ay nasa harapan kona ”Okay, I wouldn't mind" Naka ngiti kong tugon saka ako umupo sa pinakamalapit sa pinto ng cafe Ilang minuto lang nakabalik na ito dala ang order naming dalawa. Agad din itong umupo pagkatapos ay tinitigan ako ng nangungusap nitong mga mata. Tama nga sila napaka gwapo nito, kaya pala sya binansagan na "The Handsome Lawyer" They're not lying about it lalo na at nasa harap kona ang ebedensya “What? Is there dirt on my face?” Nagtataka kong tanong “No, I was just curious about you" Sagot nito at napangiti pa Hindi ko alam kung anong trip nya, Ngayon kolang kasi sya nakasama at nakausap kaya medyo naiilang ako sa presensya na lalo na ang isiping parehos kaming Lawyer. And I also know that he's a good and well known lawyer. Ang Hindi kolang lubos maisip kong bakit naandito sya ngayon sa harapan ko. “Do you need something?" Tanong ko “Wala naman, gusto kolang siguradohin Ang mga naririnig” Sagot nito na Hindi ko maintindihan "Naririnig?" Pagtataka ko "Huwag ka sanang magagalit, sabi kasi nila so sobrang passionate moraw sa trabaho ko, napapabayaan mo raw Ang sarili” Paliwanag nito na na medyo Natatawa pa "I know, it's okay at least nakuha ko Ang dream job. I don't care if pumanget ako at least I have a job, so that I can pay my bills, eat whatever I want and travels whenever I want“ Pagmamalaki ko Aaminin kong na offend Ako sa sinabi nya. Tama nga sila napapabayaan kona Ang sarili dahil sa sobrang passionate sa trabaho kong ito but it was my dream job since I was a kid "Yeah you're right, but I think they were wrong about you" Ano daw? I don't get him, ang lakas ata ng tama ng lalaking to. Kung hindi lang ito gwapo eh “What do mean?” “Kasi hindi ka naman pangit, Ang Ganda mo nga eh, siguro nasasabi lang nila yon dahil lagi kang nakasimangot" Ano daw? Seryoso ba sya sa mga sinasabi nya? Nahihiya tuloy ako Ikaw na Naman sabihan ng maganda ng isang sikat gwapong lawyer. "By the way, Attorney Salvacion Mauna na ako. See you in court" Dagdag nito *

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook