"Sino 'yan, bro? Masyado naman maganda. How are you, Miss?" nakangising bati ni Luther kay Beatrice.
Naglahad pa siya ng kamay para makipagkamay. Pero nang hawakan 'yun ni Beatrice ay hinalikan niya ang likod ng palad nito
Napailing na lang kami sa galawang gentleman-playboy niya habang namula naman si Beatrice sa ginawa ni Luther.
"Tigilan mo na. Blockmate namin siya ni Marie at kasama namin siya sa internship." saway ko.
"Nagkita kami kanina lang. Iniwan siya ng kasama niya kaya isinama ko na. Okay lang ba?" nginitian ko sila.
"Of course. How dare they leave a beautiful lady like...?"
"Beatrice." namumulang dugtong niya.
"Let's go. It's your turn." biglang sabi ni Marie.
Lahat napalingon sa kaniya, blank face, as usual.
"Let's go." masayang yaya ni Jane sa amin.
Nauna na sila. Tig-iisang horse. Nang pasakay na ako ay napansin ko si Marie na nasa labas lang at nanonood sa amin.
"Take a seat. Babalik ako." sabi ko kay Beatrice at lumapit kay Marie.
"What are you doing here? Nasa loob na silang lahat." sabi ko nang makalapit ako.
Napalingon siya sa akin na parang hindi niya ako nakitang naglakad palapit sa kaniya kanina.
"You, what are you doing here? You should be there with them. I'll just watch you guys." sagot niya at ibinalik ang tingin.
Napabuntong-hininga ako at kumuha ng lakas ng loob. Hinawakan ko ang braso niya at hinila papasok. Sana hindi ako mabalian ng buto dito.
Nagpahila naman siya, thank goodness.
Nagulat ang mga kaibigan namin ng makitang hawak ko si Marie.
"Pa'no mo ‘yan napasok dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Laura.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit?"
Nasa tapat na kami sa nag-iisang at huling kabayo.
"She would always just watch us from outside. How did you make her step in here? Dati pahirapan pa kaming mapagalaw lang siya sa kinatatayuan niya. Ngayon, hawak mo pa?!" si Jane. Napabitaw tuloy ako sa sinabi niya.
"Magsabi nga kayo ng totoo, may something ba sa inyo?" biglang tanong ni Paul.
Nanlaki ang mata ko at napasulyap kay Marie. Nailang agad ako dahil pagkalingon ko ay nakatingin na siya sa akin. Bigla namang uminit ang paligid.
"W-wala!" tanggi ko.
Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan, nakangisi sila. Oh boy...
"Ba't nauutal ka?"
"At namumula?"
Tukso nila sa akin.
Sa tagal kong tinutukso sa mga babae ay ngayon lang ako nagkaganito. Anong nangyayari sa akin?
Naramdaman kong may kamay sa braso ko. Nilingon ko kung kanino 'yun.
Nakangising Marie ang bumati sa akin, nang-aasar din.
D-d-mn!
How her pink lips curled up on one side stunned me. How many times did I say this, but she’s so d-mn sexy! She looks stunning with emotions.
"Are you just gonna stare at us? The ride's about to start and don't tease Garrett. He's just overwhelmed. Right, Garrett?" sabi niya.
Lumingon siya sa akin, nakangisi pa rin. Napatango na lang ako habang nakatitig sa kaniya. Binanggit niya ang pangalan ko. At dalawang beses pa!
She smiled.
"Okay. Let's get settled then." sabi niya.
Naupo na siya sa nag-iisang kabayo. Saktong gumalaw na yung carousel.
"Whoah!" sigawan ng mga tao.
Napakapit ako sa pole ng horse ni Marie para balansehin ang sarili ko.
"You can sit next to me. I think it can handle two." bigla niyang sabi.
Napatingin ako sa kaniya. Taas baba siya sakay ng kabayo, a view I never imagined but a freshing one from her. Para siyang bata. Napangiti ako.
"Come on." sabi niya ulit nang hindi ako gumagalaw.
Natauhan ako at nang nasa baba ang kabayo ay sumakay ako sa likod niya. Tumaas agad kaya napa-lean ako papalapit sa kaniya para humawak sa pole.
"I didn't think that you're this eager to get close to me." Naririnig ko ang pang-aasar sa boses niya.
Napalayo agad ako na muntik ko nang ikanahulog. Hinawakan niya ang mga binti ko at hinila papalapit sa kaniya. Nanigas ako sa ginawa niya.
She’s so close to me that I could smell her sweet scent and feel her warmth. In an unknown reason, my body started heating up.
"I was just teasing you. Hold on tight. Remember, I won't tend to your wounds, never..."
Napasimangot naman ako. "Okay."
Grabe naman pala 'to. So if ever na magkasugat ako ay hindi niya talaga ako gagamutin?
Nag-enjoy naman ako sa carousel kahit medyo ilang at nalilito kung bakit ang init ko. Kahit mahangin naman ay mainit pa rin. Masyado kasing magalaw si Marie sa unahan ko. Pero okay lang naman…ata. Mukhang nag-enjoy naman siya.
"Sa next naman tayo!" sigaw ni Luther.
Excited sila ni Isaac na naglakad papunta sa Vikings.
Pagkarating namin doon ay hinila ko naagad si Marie at itinabi sa akin. Nasa dulong parte kami para raw mas thrilling sabi ng dalawa.
"Okay lang bang nandito ako? Hindi ba ako nakakaabala sa inyo?" biglang tanong ni Beatrice. Nasa tabi ko lang pala siya.
Nilingon ko siya. Nag-aalangan ang mukha niya at hindi makatingin sa akin sa hindi ko alam na dahilan.
Hinawakan ko ang balikat niya at nginitian. "Okay lang naman. Hindi naman sila nagrereklamo, ah." pagpapagaan ko ng loob niya.
Sumulyap muna siya sa balikat niya bago tumingin sa akin.
"Talaga?” bumalik ang sigla niya.
Tumago ako at inalis na ang kamay ko. Bigla kasi akong nabalisa. Napalingon ako kay Marie at nakitang nakatingin siya sa amin suot ang kaniyang foker face. Naiilang akong ngumiti sa kaniya.
"Okay na!" sigaw ng isang nag-secure ng mga upuan.
Dahan-dahan nang gumagalaw ang malaking boat. Napakapit ako sa handles sa kaba. First time kong sumakay dito.
Unti-unting tumataas ang pag-swing. Nahilo ako nang makita kong ang taas-taas na namin
Nagsisigawan sa takot at excitement ang mga nakasakay. Nilingon ko ang mga kaibigan namin. Mukhang nag-i-enjoy ang mga lalaki pero sina Jane at Laura ay nagsisigaw lang sa takot. Pinaghahampas pa ni Jane si Isaac na katabi niya.
Si Beatrice na nasa kaliwa ko ay mukhang takot na nakapikit ang mga mata, sigaw rin siya ng sigaw.
Naramdaman kong may kamay sa balikat ko at ang mainit niyang katawan.
Tumatama ang mainit niyang hininga sa tenga ko kasabay ng paghigpit ng ng akbay niya sa akin.
"Relax. I'm here." bulong ni Marie.
Sinunod ko ang sinabi niya.
Huminga ako ng malalim at ini-relax ang katawan ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ko ang pagduyan, ang hangin sa mukha ko, ang katawan ni Marie na malapit sa akin at ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
Unti-unti ay nawala ang kaba ko at nasanay sa mataas na pagduyan.
Dumilat ako at napangiti. Nilingon ko siya at agad ding nanlaki ang mata ko.
Nanigas ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang tumigil lahat.
Tumigil ang pagduyan, tumigil ang hanging tumatama sa mukha ko, tumigil ang paghinga ko, at mas lalong tumigil ang pagpintig ng puso ko.
Oo. Ako na ata ang pinaka-conservative na lalaki sa edad ko at sa panahon ngayon. Kahit maraming umaamin sa aking may gusto sila at marami na ring nakayakap sa aking babae, hindi pa ako lumalagpas sa pagtapik ng likod nila at pagpatong ng kamay sa balikat nila.
My first kiss.
Nararamdaman ko ang mainit at malambot na labi ni Marie sa labi ko. Mamaya lang ay may naramdaman akong mainit at medyo basa sa mga labi ko. Mas nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko kung ano yun.
Napalayo agad ako. Biglang bumalik sa dati ang lahat. Tinitigan ko lang siyang dinidilaan pa ang mga labi habang nakangisi. She looks so d-mn hot.
"Chocolate." bigla niyang sabi at tumitig sa mga labi ko.
"I never thought that I would love chocolate." nakangisi niya pang sabi bago umalis.
Ngayon ko lang napansin na tapos na ang ride.
"Are you alright, Garrett?" boses ni Beatrice sa likod ko.
Nilingon ko siya at pilit na nginitian bago bumaba. "I'm fine."
Hindi niya naman napansin na pilit ang ngiti ko. Malawak ang ngiti niya sa akin.
"Ito na yata ang pinakamasaya kong ride ngayong araw." sabi niya.
Lumapit sa kaniya si Luther at inakbayan siya. "Hindi pa tayo tapos, Tracey. May sasakyan pa tayo."
...
Nakapila kami para sa rollercoaster habang bumili naman sila ng maiinom. Hinila ni Luther si Beatrice kaya kasama nila ito. Sasama sana ako kaso sabi nila ay samahan ko raw pumila si Marie.
Tahimik lang kami sa pila at medyo naiilang pa ako dahil sa nangyari kanina.
"Kuya, can we take a picture with you?" Biglang may sumulpot na apat na babae sa harap namin.
Lahat sila may hawak na phone at mga nakangiti. Gusto ko sanang tanggihan kaso mga bata lang naman sila, teenagers, kaya pumayag na ako.
"Sure." nakangiti kong sabi.
Nagsitilian sila at isa-isang lumapit sa akin para magkipag-selfie.
"Kuya, can you lower down a bit." sabi ng pinakamaliit sa kanila.
Bumaba ako ng kunti at tumutok na sa camera para matapos na agad.
Kumunot ang noo ko nang lumingon ang babae at nakanguso papalapit sa pisngi ko. Nakahanda na ang kamay niya para mag-snap. Saktong pag-snap niya ay ang pagsulpot ng isang kamay at hinarangan ng palad ang nguso ng babae.
Biglang nanlaki ang mata ng babae ng makitang kamay ang nahalikan niya. Sisigaw na sana siya nang makita niya si Marie.
Tumayo ako ng tuwid. Pinahid ni Marie ang kamay niya sa shirt niya, pilit na inaalis ang stain ng lipstick doon.
Kahit pala bata pa ay naka-lipstick na.
Lumapit ang mga kasama nito.
May naglakas loob na magsalita sa kabila ng kakaibang aura ni Marie na abala pa rin sa pagpunas ng kamay niya.
"Who are you? Sino ka para gawin yun? We asked kuya for a selfie and he agreed. If you want to have a selfie with him, you can wait for your turn." aroganteng sabi ng mukhang leader ng grupo.
Inis na tumigil si Marie sa pagpupunas dahil hindi maubos-ubos yung stain. Masama niyang tinignan ang nagsalita. "I'm sorry, didn't hear you? Can you repeat it?"
Mukha namang hindi niya talaga narinig. Napapahiyang natigilan ang babae kanina pero tumapang agad ang ekspresyon nito at sasagut sana nang putulin siya ni Marie.
"You know what? I don't give a f-ck. So go to your business 'cause I don't want to see f-cking your faces." malamig niya sabi.
Takot na napaatras sila at agad na umalis. Nabangga pa nga nila ang papalapit naming mga kaibigan.
"What was that? Napaaway naman ba si Marie?" kaswal na tanong ni Paul na parang normal lang ang nangyari.
"Wala. Misunderstanding lang." sagot ko na lang.
Kinuha ko ang chocolate shake ko mula kay Luther. Napasipsip agad ako dahil sa nangyari kanina. Akala ko talaga mababalian na ng buto yung mga bata.
Naalala ko tuloy ang nangyari sa Vikings nang napatingin ako sa inunim ko. Napasulyap ako kay Marie na sumisipsip sa milkshake niya. napalingon siya sa akin at agad na napunta ang tingin sa labi kong may nakaipit na straw. Napatigil ako sa pagsipsip at umiwas ng tingin. Hindi ko maiwasang uminit ang pisngi ko.
"Beatrice's sitting with me." anunsyo ni Luther nang pasakay na kami sa mga car.
Napalingon sa akin si Beatrice, nag-aalangan. Nginitian ko na lang siya at tinanguan.
Nguniti siya pabalik at sumunod kay Luther.
Nagsipag-sakayan naman ang iba. Si Paul at Laura ang magkatabi kaya ang palaging makaaway ay napilitang magtabi. At ibig-sabihin nito ay tabi kami ni Marie.
Hinanap ko siya nang hindi ko siya makita sa kinatatayuan niya kanina.
"Looking for me? Let’s go, the ride's about to start." Muntik na akong mapatalon nang bumulaga si Marie sa tabi ko.
Naupo na siya sa pinakahuling car ng rollercoaster kaya wala akong nagawa kundi ay tumabi sa kaniya. Napalingon lahat ng mga kaibigan namin sa amin.
"Take good care of her. Ngayon lang siya sumakay sa mga ganito sa 3 taon naming pagpunta sa amusement parks." si Paul.
Napalunok ako sa mga tingin ng mga kaibigan namin. Ewan ko kung bakit malungkot ang mga mata ni Beatrice habang nakatingin sa amin.
Pilit akong ngumit at tumango. "S-sure."
"Don't mind me, guys. I can take care of myself." nakangising sabi ni Marie sa tabi ko. Nakaakbay pa siya sa akin.
Nagkatinginan sila at napangiti. Yung dalawa kong kaibigan, nakangisi sa akin.
Uminit ang pisngi ko kaya umiwas na lang ako ng tingin.
What’s happening to me? Why is Marie acting so differently towards me so suddenly?
And I find this side of her is kinda alarming.