Maghapon kong inisip ang mga nangyari ng Sabado, kung anong ibig-sabihin ng mga kinikilos ni Marie.
Noong una ay masyado siyang cold sa akin. Tapos ngayon ay masyado ng...
Uminit ang mukha ko sa naalala.
Mukha akong bading nito. But, it's my first time to feel this way. 'Yung namumula sa panunukso ng mga tao dahil sa isang babae. 'Yung mga titig niya na nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang mga ito.
"Garrett, are you okay? You look bothered. Something happened?" Bungad sa akin ni Beatrice pagkaupo ko.
Nilingon ko ang table ni Marie at nakitang busy na siya sa mga ginagawa niya.
"Wala naman, kulang lang sa tulog." nginitian ko si Beatrice.
Nagsimula na rin ako sa mga dapat kong gawin.
Sa buong araw ay busy kami sa mga gawain. Sa lunch at break time nga ay hindi rin ako makausap ng mabuti dahil sa antok ko. At sa maghapon ay hindi ko nakausap si Marie.
"Here. Magkape ka muna. Baka makatulog ka sa pagmamaneho mo."
Inilapag ni Beatrice ang isang cup ng hot coffee sa desk ko. Tinignan ko siya. Nahihiya siyang tumingin sa akin.
Kinuha ko yun at humigop. "Thanks."
Kahit hindi ako mahilig sa kape ay tinanggap ko na. Nakakahiya naman dahil nag-abala pa siya.
Nakatulong nga ang kape. Nabawasan ang antok ko at natutukan ko ang mga ginagawa ko.
"Mr. Walter and Ms. Rodriguez, come here in the office." boses ng manager.
Kunot ang noo kong tumayo at naglakad papasok sa office, nakasunod si Marie.
"I called you two here because we wanted interns to handle a presentation. It's to show the CEO how worth it her decision is. You two are two of the outstanding interns here in the department. We hope that you two can handle it. An employee will help you. It's a week due." nakangiting sabi ng manager.
Napatingin ako kay Marie, tahimik siya at mukhang malalim ang iniisip.
Lumabas kami at may tumulong agad na isang empleyado.
Excited ako sa presentation. Makikita ko ang CEO ng isa sa pinakasikat na kompaniya sa buong mundo.
"Marie, hindi mo ba gustong mag-present para sa CEO?" Napansin ko kasing unusual ang pananahimik niya at natutulala pa.
Napatingin siya sa akin. Biglang nawala ang ngiti ko. Nanlamig lahat ng parte ng katawan ko sa tingin niya. Mas malala ito kaysa noon.
"Hey, are you alright?" sinubukan kong magtanong.
Pero nilagpasan niya ako at sumunod na sa tutulong sa aming employee.
Napabuntong-hininga ako. Ano kayang nangyari? May nagawa ba akong mali?
"We have to be fast. There are lots of things that you need to be familiar with and study with this project..."
Nag-expalin yung employee kung ano ang mga dapat naming gawin at iba pa. Sa oras na magkakasama kami ay hindi pa rin ako kinakausap ni Marie o tapunan ng tingin man lang.
Napalabi ako pagkatapos. 'Yung employee ay natahimik rin. Nakikita kasi nila kami pag-lunch na parating magkasama at nag-uusap. Pero ngayon ay malayo doon. Nahawa ata siya sa atmosphere namin kaya nauna na siyang umalis.
"Marie, kailan mo gusto magsimula?" alangan kong tanong.
"Tomorrow." 'Yun na lang ang sabi niya at iniwan niya na rin ako.
Noong Saturday pa lang energetic siya at siya pa nga ang nangulit sa akin. Pero bakit ngayon ay bumalik ang dating trato niya sa akin, nobody?
Kinabukasan ay kinausap niya rin ako. Pero tungkol lang sa presentation namin.
Kami lang ang nandito sa conference room ng production department at may kailangan pang ayusin na data.
Hindi niya talaga ako kinakausap kung hindi tungkol sa trabaho. Ilang beses ko nang sinubukang magsimula ng conversation pero hindi man lang niya ako tinignan. Pagtungkol sa work namin, nagsasalita pero hindi niya ako tinitignan.
Nagpatuloy 'yun ng ilang araw. Sa mga araw na 'yun ay si Beatrice na lang ang madalas kong kausap. Sa table naman ay umiwas si Marie kaya sabay na lang kami nina Beatrice at iba pang intern sa table nila Beatrice.
"What's with you and Marie? Nag-away ba kayo? She seems extra cold." Isang araw tanong ni Beatrice.
Nagkibit-balikat na lang ako. "I don't know." sabi ko na lang.
"Garrett." alangan niyang tawag sa akin. Nilingon ko siya.
"May gagawin ka ba mamayang uwian?" alangan niyang tanong.
Kumunot ang noo ko at umiling. "Wala naman."
"Let's have dinner together?" umaasa niyang alok.
Ngumiti ako sa kaniya at napaayos ng upo. "Anong okasyon?"
Namula siya at nag-iwas ng tingin.
"Wala naman. Gusto ko lang sanang makasabay ka mag-dinner ngayon." alangan niyang pa ring sagot.
Nginitian ko ulit siya na mas ikinapula niya.
Hindi naman siguro masama. Magkaibihan naman kami kaya siguro okay lang.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ko. Sabay kaming naglalakad palabas ng building.
Nakangiting bumaling siya sa akin. "Kung saan mo gusto."
Dinala ko siya sa isang fine-dining restaurant.
"Ang mahal naman dito." nahihiya niyang sabi.
Nginitian ko siya habang ibinabalik ang menu sa waiter. "Don't worry. I'll pay."
Umiling si Beatrice. "No. Ako nagyaya kaya ako magbabayad."
"I don't want women paying for our meal." nakangiti kong sabi.
Nag-iwas siya ng tingin at uminom ng tubig. "O-okay."
Na-enjoy ko ang dinner namin. Masaya kasama si Beatrice, laging may pinag-uusapan at hindi nauubusan ng sasabihin.
"Thank you sa dinner." sabi niya pagkababa niya ng kotse ko.
"You're welcome. And thank you rin sa pagyaya. Na-enjoy ko ang dinner date natin." masaya ko ring sabi.
"Dinner date?" gulat niyang ulit pero pansin ko ang ngiti sa mukha niya.
Tumango ako. "Two people eating other can be called a date." I said with a smile.
Napatitig siya sa akin at huminga ng malalim.
"Uhm... Garrett, I...I just want to say that... I... I... I like you." kandautal-utal niyang sabi. Mabilis ang pagsasalita niya ng last part at nakapikit.
Nang hindi ako nagsalita ay napatingin siya sa akin.
Nakangiti ako but it was an apologetic and a sad smile. Nabigla siya sa reaksyon ko.
"I appreciate it, Beatrice. I do like you too. I really like you but just as a friend. I like you as a friend." mahinahon at nagpapaliwanag kong sabi.
"You said it was a date and I can feel you like my company. Maybe, we can work things out?" Hindi ko man gustong sabihin but she sounds desperate. And I'm at fault.
Inangat ko ang mukha niya ng tumungo siya, namamasa ang mga mata niya.
Tumango ako. "Yes, I like your company and I enjoyed our dinner date too. But, it was a friendly date. I like your company because we get along well at magaan ang loob ko sa'yo." paliwanag ko.
"That's it, we get along well so we can try." pagpipilit niya.
"I'm sorry, Beatrice." Yinakap ko na lang siya para kahit papaano ay maiiyak niya ang sakit na nararamdaman niya.
Karamihan ng mga babae kong kaibigan sa England ay ganito rin. Hindi ko naman sinasadya kong iba ang pagkakaintindi nila. Marami ang naiyak, ang iba nagalit sa akin. Pero in the end ay magkakaibigan pa rin kami. Sana ganun din kami ni Beatrice.
Pauwi na ako ng makatanggap ako ng tawag. It's from an unknown number.
Nag-alangan pa ako kung sagutin o hindi. Pero sinagot ko na rin ng patapos na ang ringtone.
"Hello?" sagot ko.
Malalalim at mabibilis lang na hininga ng taong nasa kabilang linya lang ang naririnig ko. Hindi siya nagsasalita kaya inulit ko.
"Hello? Sino 'to?"
Itinabi ko ang sasakyan sa kalsada at pinakinggan lang ang hininga niya.
Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag pero hindi ko magawang ibaba.
Mabilis ang hininga niya pero may diin ang bawat hinga.
May ideya ako kung sino ang maaring nasa kabilang linya. At katulad niya ay misteryoso rin ang tawag.
"Marie." marahan kong tawag.
Narinig ko ang pagbagal ng hininga niya at pagkalma. Biglang kumirot ang sulok ng mata ko, hindi ko alam kung bakit.
"Lou-Garrett."
Boses niya nga!
May pumatak sa manibela. Tinignan ko 'yun. Hindi ko namalayan na may tumulo na pa lang luha mula sa mata ko.
"Nasaan ka?" nag-aalala kong tanong.
Ilang araw niya akong hindi kinausap at ngayon ay bigla na lang siyang tatawag? Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko pero sigurado akong hindi siya okay.
Pinaandar ko ulit ang sasakyan ko at mabilis na nagmaneho. Hindi ko ibinaba ang tawag kaya naririnig ko pa rin ang hininga niya. Bumalik sa dating ritmo ang paghinga nito.
Sinubukan ko ulit na tawagin ang pangalan niya at nakatulong rin kahit papaano para kumalma siya. Patuloy na kinausap siya kahit hindi siya nagsasalita.
Ito ang dapat na hindi ko ginawa. Hindi ko dapat itinigil ang pagkausap sa kaniya. I should have stick to her like I always do.
Ito lang ang lugar na naiisip kong nandito siya. Mabuti ay nakabukas ang gate kaya madali lang akong nakapasok.
Hawak ang phone ko ay mabilis kong tinakbo ang apartment unit niya, hindi nakalock ang pinto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Lahat ng ilaw ay nakasara, pati na rin ang makakapal na kurtina. Kinailangan ko pang kapain ang paligid.
At tama nga ako. Nagiging mas natural ang paghingang naririnig ko.
Pinasok ko ang nakaawang na kwarto. Tinulak ko nang dahan-dahan ang pinto pero wala akong makita sa loob. Paglingon ko sa likod ng pinto ay may bultong nakaupo at nakasandal sa itim na ding-ding.
Naka navy blue sweatpants at black tank top siya. Nakatungo siya sa nakatiklop niyang kaliwa niyang binti habang ang kanang kamay ay nakapatong sa kanan niyang hita hawak ang phone niya. Hindi ko makita ang mukha niya.
Pinatay ko ag tawag at lumuhod sa harap niya. Kahit hindi siya magsalita ay nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
Alangan kong hinawakan ang balikat niya.
"Marie."