bc

The hidden twins of the billionaire

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
3.9K
FOLLOW
22.9K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
heir/heiress
blue collar
bxg
lighthearted
addiction
civilian
like
intro-logo
Blurb

Ang Book One ng Lost Loves Series.

Walong taon na ang nakakaraan, si Julius DaLair, ang most elligible bachelor ng New York, ay ikinasal sa kanyang kababatang si Macey Grayson. Anim na taon na ang nakakaraan, nakagawa siya ng malaking pagkakamali sa kanyang buhay at bigla na lang siyang nawala. Sa loob ng anim na taon, desperado siyang hanapin ang dalaga.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay sa Paris pala ito naninirahan kasama ang kanilang kambal na anak, at nasa pangangalaga pa ng wala nang iba kundi ang kanyang ama na si Augustus DaLair. Hindi lang siya basta tumulong para maitago si Macey nang walang bakas, kundi siya rin ang nagbibigay ng suporta habang bumabalik ito sa kanyang pag-aaral.

Hindi lang ang kambal nilang anak ang sekreto na itinago ni Macey. Malapit nang malaman ni Julius na mas marami pa siyang hindi natutuklasan sa kaniyang babaeng pinakasalan at sa kanilang mga anak.

Paano niya ito muling susuyuin? Tatanggapin ba siya ng kanyang mga anak kahit na wala siya sa buhay ng mga ito sa loob ng limang taon? Mayroon bang mga lihim na tumutulong sa kaniya sa pag-asang mapagsama uli silang dalawa?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Macey na naging dahilan kung bakit napaatras siya hawak ang kanyang pisngi habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa lalaking naging asawa niya sa nagdaang dalawang taon: si Julius DaLair. Ang kanyang buhok na kulay sandy blonde ay tila isang halo ng anghel na nakakorona sa kanya. Iyon nga lang ay wala namang mababanaag na pagkaanghel sa ekspresyon ng kanyang mukha. Nakatayo ang lalaki sa harap niya na tila mag-aapoy na sa galit ang mukha. Ang kanyang mga kulay abuhing mga mata ay tila binabagyo ng emosyon. Mula nang sila ay ikasal dalawang taon na ang nakalilipas, naging malamig na at tila walang pakialam ang pakikitungo nito sa kanya, ngunit hindi pa ito kailanman nagbuhat ng kamay sa kanya. Malakas ang amoy ng alkohol sa sa hininga nito at sa palagay niya’y marami na naman itong nainom pagkarating pa lamang nito sa birthday celebration ng kanyang ama. “Katulad ka lang din ng iba, ’di ba?” ang buwelta ni Julius. “Pare-pareho lang naman kayong mapagsamantala at tanging yaman ko lang ang tinitingnan!” “H-hindi...” “Tumahimik ka! Ayokong marinig ang anumang sasabihin mo!” “Pero hindi naman talaga ako ganoon...” “Anong ginagawa mo sa piling ni James? Hindi ba sapat ang pera ko para sa’yo?” “Hindi ko iyan ginawa... Siya ang lumapit sa akin! Sinabi ko sa kanyang—” “Sabi ko, ayaw kong marinig ang mga kasinungalingan mo!” Nagtagis ang mga panga ni Macey, habang hinihimas ang masakit na pisngi. Ang mga luha niya ay umaagos sa kanyang karaniwang nagniningning na berdeng mga mata. Dalawang taon na at hindi pa rin naniniwala sa kanya ang lalaking iyon, lalo na kapag umiinom ito. Dalawang taon? Hindi, mas matagal pa roon dahil lumaki silang magkasama. Naglakad si Macey, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ang kanilang kasal ay naging isang magandang pangyayari kung tutuusin. Ang kanyang ama ay isang beterano at naglingkod sa Vietnam. Doon niya nakilala at sinagip ang buhay ni Augustus DaLair. Pagkatapos umuwi, labis na nagdusa ang kanyang ama sa PTSD. Inudyukan siya ng kanyang ina, isang nars, na gamitin ang sining bilang therapy at gumana ito. Sa unti-unting pagbuo sa sarili, ikinasal siya at nagtatag ng pamilya. Nanatili ang sining bilang isang mahalagang bahagi ng buhay ng kanyang ama. Sinubukan niyang gawin itong hanapbuhay. Bagaman itinanghal ang kanyang mga likhang-sining dahil sa mga naiibang komposisyon at natatanging paggamit ng kulay, ang laging nilalaman nito ay mga pangyayari sa digmaan at mga sundalo, kaya’t may limitadong demand para dito, at hindi kailanman yumaman ang kanyang ama. Sa kabilang banda, itinatag ni Augustus DaLair ang isang business empire. Sa kabila ng malaking pagkakaiba ng kanilang estado sa lipunan, nanatili si Augustus bilang kanilang matibay na tagasuporta. Ayaw tanggapin ng kanyang ama ang tulong nang walang kapalit, kaya naman upang masuportahan siya ng kanyang kaibigan, naging loyal patron si Augustus sa pamimili ng karamihan sa mga likhang-sining ng kanyang ama, na nagtitiyak na mayroon silang kita. Hindi sila mayaman, ngunit sapat na ang kita ng kanyang ama para maibigay ang kanilang pangangailangan. Bagamat ayaw tanggapin ng kanyang ama ang tulong ng kaibigan, masigla itong pumapayag sa mga imbitasyon sa mga pagtitipon ng pamilya at paminsang bakasyon. Lumaki si Macey kasama ang magkapatid na DaLair: sina March at Julius. Tila sila mga pinsan na hindi niya kailanman nakamit. Tinuting siya ni March bilang nakababatang kapatid at palihim naman siyang nagkaroon ng paghanga kay Julius nang siya’y walpng taong gulang pa lamang. Pumanaw ang kanyang ama dahil sa atake sa puso nang siya’y labing-anim na taon. Si Augustus ay naging mas malakas na tagasuporta niya at ng kanyang ina. Bilang alaala sa kanyang kaibigan at sa nagligtas sa kanyang buhay, ipinangako niyang tutulungan si Macey at ang kanyang ina sa anumang pangangailangan, kabilang na ang tulong para makapag-aral sa School of Visual Arts. Biglang nagtapos ang kanyang plano sa kolehiyo nang magdalawampung taon siya at kinailangang mag-drop out upang alagaan ang kanyang may karamdamang ina na agad namang yumao pagkatapos. Dalawang taon ang nakalipas ay ikinasal sila ni Julius. Si Augustus ang unang nag-alok ng ideya ng kasal sa isa sa kanyang mga anak. Hindi siya sigurado kung ito’y utang na loob o ang kanyang matibay na hangaring siguruhing may kumportableng kinabukasan siya. Si March ay higit sa sampung taon ang tanda sa kanya at may asawa na, kaya’t natural na naiwan si Julius bilang pagpipilian. Bagaman nauna na siyang tumutol, mas naging malalim ang pag-ibig ni Macey kay Julius sa mga sumunod na taon. Hindi kaagad pumayag si Julius, samantalang si Macey naman ay pinigilan ang sariling magmukhang sabik na sabik kahit iyon naman ang totoo. Sa simula, tila maayos naman ang kanilang pagsasama. Sa kabila ng pagtanggi niya noong una, si Julius ay naging isang modelo ng asawa: binibigyan siya nito ng karampatang atensyon at inaasikaso pa siya sa ilang pagkakataon. Umaasa si Macey na sa kalaunan’y darating ang araw na mamahalin din siya nito, ngunit nagbago ito anim na buwan na ang nakakaraan. Nagsimulang kumalat ang mga tsismis. Ang kanyang pamilya ay mahirap at malayo sa kakayahan ng pamilya DaLair. Tinatawag siyang gold-digger, isang shameless tramp, at daang iba pang mga pangalan. Sinusubukan niyang huwag pansinin iyon ngunit hindi niya inaasahan na maniniwala si Julius sa kanila. Inaayos niya ang kanyang damit at kinakalikot ang kanyang matingkad na pulang buhok na kagagaling lamang sa pagkakatirintas. Mahirap i-manage ang kanyang natural na kulot na buhok at hindi siya bihasa sa pag-aayos nito. Ang kaniyang ina kasi ang laging nag-aayos noon. Kasabay ng pagpalis niya ng kanyang luha ay ang unti-unting paglabas niya sa kaniyang lihim na sulok. Yakap ang kanyang sarili ay maingat na naglakad siya patungo sa mataong lugar kung saan iniiwasan ang kaniyang mga titig. Habang papalapit siya sa bar ay natagpuan niya si Julius na napalilibutan ng limang magagandang babae. Hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng mga luha at bumaba ang kanyang mga kamay sa kanyang tiyan. Bakit? Bakit ngayon? Bakit dito? Paano niya ito nagawang gawin sa kanya? “Macey?” Bumaling siya sa marahan ngunit maalalahaning tinig ng kanyang biyenan. Nagmamadali siyang umalis matapos ipilig ang kanyang ulo na para bang hinahabol siya ng mga demonyo. Sa labas, ipinatawag niya ang valet para sa taxi na magdadala sa kaniya pauwi. Binuksan niya ang condo at sumandal sa pinto. Ang mga luha na matindi niyang pinipigilan ay malayang dumaloy. Dahil sa panghihina ay hirap niyang tinahak ang tahimik na suite, hanggang sa makarating siya sa study. Sumubsob siya sa silya, dinala ang kanyang mga tuhod patungo sa kanyang dibdib, at umiyak sa kanyang damit. Nang maubos na ang kanyang luha dahil sa kakaiyak, dahan-dahan niyang inabot ang kanyang purse. Tahimik niyang inalis ang isang nakatiklop na papel at inayos ito. Nakalagay roon ang mga resulta ng kanyang hospital visit na nagpapatunay ng kanyang pagbubuntis. Saglit niya pa itong tinitigan bago inabot muli ang kanyang purse para kunin ang card na binili niya. Inilabas niya ito mula sa sobre at binasa ang harap: “A Surprise for You,” bago buksan upang ipakita ang kopya ng ultrasound. May maliit na arrow na nagtuturo sa posisyon ng sanggol. Halos isang buwan pa lang ito at nagsisimula nang magkaruon ng morning sickness si Macey. Ngumiti si Macey sa kabila ng mga nangyayari sa kanya. Ang kanyang araw ay nagsimula nang may kasiyahan. Nang mag-positive ang home pregnancy test, nagmadaling nagtungo siya sa ospital para sa kumpirmasyon. Plinano niyang ipakita ang card at ultrasound kay Julius sa hapunan ngunit... Napapabuntonghininga siyang napatingin sa nakatambak na mga papel. Hindi kapani-paniwala kay Julius na magdala ng trabaho sa kanilang bahay. Napakunot ang kanyang noo nang dumukwang siya at mabasa niya ang unang pahina noon. Isang divorce settlement. Nawala ang kulay sa kanyang mukha. Nais niya ngang mag-divorce. Nanlabo ang kanyang paningin at hinawakan ang bagong tumutulong luha sa kanyang mga pisngi. ‘Akala ko ubos na ang mga luha ko…’ Hindi alam ni Macey kung gaano siya katagal na nakaupo doon bago siya nakapagdesisyon. Binasa niya ang mga pahina ng divorce papers hanggang sa makarating sa huli na nagtatakda ng kanyang lagda. Gamit ang paboritong pluma ni Julius, siya’y naglagda nang maayos. Pagkatapos, kinuha niya ang isang maliit na papel at sumulat ng isang maikling mensahe bago itabi ang pluma. Sa isang buntonghininga, inalis niya ang kanyang mga wedding at engagement ring at inilagay ito sa ibabaw ng mga papel. Binuksan niya ang drawer kung saan inilalagay ni Julius ang kanyang mga sigarilyo at kinuha ang lighter at ashtray. Binuksan niya ang hospital report at sinindihan ang sulok nito bago itapon sa ashtray. Ang papel ay agad na nasunog, nagiging kulay kayumangi, at bumagsak bilang abo. Nasisiyahan siya habang hinahawak ang kopya ng ultrasound sa kanyang dibdib, itinapon ang card, at umalis sa study. Bumalik siya sa kanyang kwarto at pumasok sa walk-in closet. Tiningnan niya ang mga damit, palda, blusa, at sapatos na may iba’t ibang klase at estilo, wala sa mga ito ang kanyang pagmamay-ari. Lumapit siya sa aparador at binuksan ang pang-ilalim na drawer, kinuha ang isang pares ng jeans at hoodie. Itinapon niya ang kanyang itim na gown at nagpalit agad. Doon siya nakaramdam ng paggaan ng pakiramdam. Matapos itali ang sintas ng kanyang sneakers ay tumayo na siya at iniwan ang lahat ng mga gamit doon. Kinuha niya ang kanyang purse at bumalik sa kusina. Hinalungkat niya ito para sa kanyang wallet nang may pag-aatubili. Lahat ng credit card ay pag-aari ni Julius. Ito ay kanyang pera. Malamang na kakanselahin niya ang lahat ng ito bukas pagkatapos malaman na wala na siya. Sa huli, kinuha niya ang kanyang driver’s license, limampu’t tatlong dolyar na cash, at ang kanyang cellphone. Matapos ang huling sulyap sa paligid ng condo habang hinahayaan niyang bumalik ang alaala sa loob ng dalawang taong pammaalagi niya roon ay tinungo na niya nang tuluyan ang pinto. Binuksan niya ito, ini-lock, at humakbang na palabas kasabay ng pagsarado niya rito pagkatapos. Hindi na siya maaari pang bumalik lalo na’t iniwan niya rin ang kanyang mga susi sa counter. Sa isang malalim na paghinga, naglakad siya patungo sa elevator at dinala siya nito sa ground floor. Kung iniisip ng doorman na kakaiba ang biglaang pag-alis niya o bagong pananamit, ay hindi niya alam. Wala naman kasi itong sinabi habang lumalabas siya ng gusali. Pagdating sa kalsada, lumiko siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Bawat hakbang na lumilipas ay gumagawa ng buhay niya na mas makatotohanan pa kaysa dati. Walang madamdaming pag-iyak. Nagsikap siyang paligayahin ang isang lalaking hindi naman talaga siya gusto, ngunit hindi na ngayon. Ito’y kanyang buhay at tanging kanya lamang. Ang kanyang kamay ay hindi mapigilang damhin ang kanyang tiyan: aming buhay. May mga responsibilidad na siya ngayon sa lumalagong buhay sa kanyang sinapupunan. Ang ideya ng pagsisimulang muli nang walang kahit ano ay nakakatakot, ngunit nagawa ito ng kanyang mga magulang kaya’t magagawa niya rin. ‘Malalampasan natin ito, baby. Pangako.’ Ilang bloke na ang kanyang nalakbay nang biglang umilaw ang kanyang cellphone at nag-play ang Fifth Symphony ni Beethoven. Nagulat siya at kinuha ito sa kanyang bulsa upang makita na tinatawagan siya ni Julius. Kinagat ni Macey ang kanyang labi. Marahil ay tinatawagan siya nito para sa maayos na biyahe... o para sigawan siya ulit. Umiiling ang ulo, tinapik niya ang dismiss button bago itapon ang cellphone sa basurahan. Wala namang taong nais niyang tawagan sa ganitong oras. Ilang hakbang pa at narating na niya ang bus stop. Labinglimang minuto matapos ang kanyang pagdating doon, huminto ang huling bus para sa gabing iyon. Determinado siyang sumakay, ipinasok ang limang dolyar sa collection bin bago ihinanap ang kanyang sarili ng isang bakanteng upuan. Tahimik na tiningnan niya ang lungsod sa labas ng bintana habang ang bus ay tuluyang nawala sa kalaliman ng gabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook