Prologue

270 Words
Target locked.... Bang! Bang!Bang! I smiled to myself as I leave the room. "Mission Accomplished" sambit ko sa kabilang linya at enend and tawag. Feeling proud kasi may nagawa na naman akong kabuluhan sa buhay ko saka nilisan ang nasabing silid. Nilingon ko muna ang nakabulagtang lalaki sabay sambit... "Hindi kayo dapat manatili sa mundong ito. Ilang buhay na ang nasira dahil sa masamang gawain niyo." At mabilis kong iniwan ang lugar. Marahil nagtataka kayo kung bakit napunta ako sa ganitong trabaho at kung sino ako. Ako si Alexis Ren Miranda, isang dating mahinhin na babae pero ngayon punong puno ng galit, hinanakit at poot sa dibdib. Nagsimula ang lahat ng ito ng mawala sa akin ang pamilyang pilit ko ginagapang sa hirap ng buhay. Sa tulong ng isang taong naging malapit sa puso ko na ngayon ay biglang naglaho, naging maganda ang takbo ng buhay namin. Pero dahil sa walang tigil na paglaganap ng droga sa bansa, naging mitsa ito upang mawala ang mga mahal ko sa buhay. Minasaker ng isang lider ng drug lord ang pamilya ko dahil sa kapatid kong nalulong sa bisyo. Kinuha nila sa akin ang lahat at hindi ako makakapayag na pati ang kaisa isang kayamanan na meron ako mawawala din sa akin. Over my dead body, hindi ko sila hahayaang makalapit sa anak ko. Ginawa nilang bato ang puso ko. Hindi ko na rin alam ang salitang pagmamahal. Unto the next Wala na, wala nang magmamahal pa sa akin. Lahat sila iniwan ako. Kaya kahit kilan hinding hindi ko na hahayaang mahulog ang puso ko o ang umibig sa kahit sino. Gagawin kong bato ang puso ko simula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD