SA HEADQUARTERS
"Inspector ang galing galing mo kanina, pang action movie ang mga galaw. Ganito oh, beng!beng!(insert gun sound) tumba ang kalaban." proud na kwento ni Nathan Rebaldo ang kanyang sidekick a.k.a partner sa lahat ng mission nila. Tahimik lang si Inspector Miranda habang kinukongratulate ng mga kasama. Binigyan na lamang niya ng isang tipid na ngiti ang mga kasama.
"Ano ba kayo. Syempre kailangan unahan ang kalaban. Alangan naman na ako ang maunang matumba sa raid na yun. Hindi sila kailangang manatili sa mundong ito dahil maraming buhay silang unti-unti nang sinisira." ngitngit na litanya ng dalaga habang nakatingin sa dyaryo at humihigop ng kape. Makikita sa mukha nito ang galit sa mga taong halang ang bituka.
Biglang pumasok ang kanilang hepe. Agad silang nagtayuan upang magbigay galang. Nagsinyas ito na maupo na silang lahat. Habang nagsasalita ang kanilang hepe, pasimple namang tinitingnan ni Lexi ang kanyang cellphone, baka may text galing sa yaya ng kanyang anak. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa kanilang hepe at masusing nakikinig.
"Armado ang grupong ito at gamit ang malalakas na baril. Matagal na itong minamanmanan ngunit magaling magtago sa pulisya. Sangkot sa lahat ng holdapan at kidnapan. Hindi takot mamatay at palaban ang mga ito. Kung kinakailangang gamitan ng dahas sige gawin niyo! Kinakailangan lang ng kunting pag-iingat. Miranda, sa misyon na ito hindi ka pwedeng sumama. May iba akong ipapagawa sayo."nakatingin ito kay Lexi.
"Pero Chief, gusto kong sumama sa pag raid sa grupo na ito." pamimilit ng dalaga sa kanilang hepe ngunit mariing tinanggihan ito ng kanilang hepe. Kaya matamlay na lumabas ng nasabing silid ang dalaga at nagpahangin sa labas upang alisin ang inis at pagkadismaya sa kanilang hepe. Pinagsisipa pa nito ang malilit na bato na kanyang madaanan. Nakabusangot na biglang nahiga sa duyan sa may lilim ng puno ng mangga at biglang ipinikit ang mga mata.
Sumunod naman sa kanya ang kanilang kasamahan sa trabaho na si Inspector Brent Chavez. Gwapo, matangkad at matipuno. Matagal na itong may lihim na pagtingin sa dalagang ina.
"Nadismaya ka ano?" seryoso nitong tanong sa dalagang nakapikit. Natulala naman ang lalaki ng mapunta ang kanyang mga mata sa mapupulang labi ng dalaga. Bigla nitong binawi ang mga tingin at kunwaring nakatanaw sa malayo. Biglang nagmulat ng mga mata ang dalaga,umayos ng pagkakaupo, ipinatong ang mga binti nito sa isang bakanteng silya at nagbasa ng komiks.
"Okay lang. Yun ang gusto ni Tanda anong magagawa ko." nakanguso nitong sagot. Brent let out a sigh. Alam niya kasi na matagal nang gusto ng dalaga ang mapasama sa ganitong misyon. She loves to challenge her skills all the time.
"I agree with him. Masyadong delikado ang misyon na gagawin. Kaya ako na mismo ang nag alis ng pangalan mo sa listahan." Seryosong turan ng binata sa dalagang umasim ang mukha ng marinig ang sinabi nito.
"Bakit mo inalis? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? Inspector Chavez,alam mong matagal ko nang pinag aralan ang misyon na ito. Sana naman bago mo ginawa ang hakbang na yan tinanong mo muna ako. Sige na uuwi na ako at baka hinahanap na ako ng anak ko. Pakisabi kay chief nauna na ako. Kita kits na lang bukas." Saka lumapit sa kanyang nakaparadang motorsiklo. Sinuot ang black leather jacket at ang helmet saka pinasibad ang motor pauwi sa kanilang tirahan.
*************
Tulog na ang anak nito ng marating ni Lexi ang kanilang tahanan. They lived in a subdivision na di gaanong malayo sa kanilang headquarters. Tahimik ang lugar na ito kaya dito niya piniling manirahan for her son safety.
"Jenna okay lang ba si Tim? Tumawag ba sa kanya ang daddy niya?" habang naghahanda ng makakain.
"Opo ate. Mga isang oras din silang nag usap ng daddy niya po. Panay nga ang tawa ni Tim." Kwento ng yaya ng kanyang anak. Silang tatlo lang ang magkasama sa kanilang hindi gaanong kalakihang bahay. Siya ang tumatayong nanay at tatay para sa kanyang anak. Regular din ang pagtawag ni Tyler para sa bata at nagpapadala ng mga kung ano anong package para sa bata minsan meron din para kay Lexi.
Patapos na si Lexi ng kanyang hapunan ng may marinig siyang bumubusena sa labas ng kanilang bahay. Nagkatinginan naman sila ng yaya dahil nakakapagtataka naman na may bisita sila. Tumayo ang nasabing yaya samantalang tinapos ni Lexi ang kanyang hapunan.
Pagbalik ng yaya may kasunod na itong gwapong nilalang. Si Inspector Chavez. He's from a prominent family. Gwapo at kasing edad lang ng dalagang ina. Bitbit nito ang isang malaking remote control car.
"Inspector Chavez napasyal ka? May inutos sayo si Chief?" excited na tanong ng dalaga sa kararating lang na binata.
"Hindi mo man lang ba ako paupuin muna o kaya mag offer ka man lang kahit na tubig?" natatwang biro ng binata sa dalagang nakanguso.
"Oo na. Sige upo ka. Tubig sabi mo di ba, so ayaw mo ng juice or coffee? Meron akong hmmm so yummy cheesecake. Di ba ayaw mo sa ganun?"natatawang biro ng dalaga. Kaagad naman kumuha ng maiinom si Lexi at inabot sa binata.
"Masarap ka pala gumawa ng dessert. Pa order na rin ako."
"Insulto ba yan? Akina na nga yan!" kunwaring bawi nito sa kinakain ng binata. Kinabig naman nito ang kamay ng dalaga. "Oh sayo na yan! Joke lang Inspector. Pero teka nga , wala ba talagang iniutos si chief sayo? Hindi ba nagbago ng desisyon si tanda? Ano?" pamimilit nito sa kasamahan.
"Lexi kung meron man di sana kanina ko pa sinabi sayo di ba. Kaso nga wala eh. Final na talaga yung desisyon niya." seryosong sagot ng binata.
Makalipas ang ilang sandali,napagpasyahan ng dalawa na mag inuman. Kaya nag pabili ng beer ang dalaga. Gumawa naman ng pulutan si Lexi habang nakamasid sa kanya ang binata.
"Inspector, kamusta nga pala ang family mo? Ikaw masyado kang secretive. Tsaka Ito ha pansin ko lang wala kang dinedeyt. BAKLA ka ba?" Prangkang tanong ng dalaga. Tumawa naman ng malakas si Brent.
"Hahaha!!! Bakla talaga? Hindi ba pwedeng wala pa akong nagugustuhan? O di kaya yung nagustuhan ko hindi ko alam kung gusto niya din ako. Yung parang ganun."
"Bakit kasi hindi mo sabihin diyan sa taong gusto mo na gusto mo siya. Para alam mo agad at ng makahanap ka ng iba kung sakaling negative ang sagot. Ang hina mo talaga pagdating sa ganitong bagay. Matinik ka sa barilan pero sa paghuli ng babae palyado. Hahahaha!" Natatawang biro ni Lexi sa kasamahan sa trabaho.
"Hayaan mo one of this day magtatapat na ako sa kanya. Sana lang magustuhan niya ako." Biglang sumulpot ang inutusang bumili ng alak kaya natigil ang kanilang pag uusap.
Pumunta sa sala ang dalawa at nagsimula na sila ng pagtungga. After several hours mahalata nang may tama na silang pareho. Naging madaldal na si Lexi samantalang tahimik lang at panay tawa ang kasamang si Brent. Hanggang napunta ang usapan sa seryosong topic about sa kani-kanilang mga buhay.
"Ikaw Inspector Miranda maliban sa pagiging mommy without a husband, ano pa ba ang mga pinagdaanan mo sa buhay?" tanong ng namumungay na mga mata ng binata sa dalagang namumula na sa kalasingan.
"Nasha hotsheat na bha akoh?hik. Ikhaw bha shi khuya Bhoy? Akho naman 'hik' si Chrissyyy hehehe!"
"Naku ayan para ka kasing umiinom ng tubig eh. Alak yan ha hindi juice. Sige na kwento ka na..." natatawa nitong sabi sa kainuman.
"Fine. Pashalamat kha khaibighan kita." Biglang naging iba ang facial expression ni Brent dahil sa sinabi ng dalaga. "Ohkay, you lishen to my hik' confessions. Ghanitho yun..mekeneg kha haaa haaa kashi ayowkho na ulit ulitin.."
At nagsimula nang magkwento ang ating bida. Paalala dapat lasing ang wordings kaso baka after niyo basahin mahirapan na kayong ibalik sa dati ang pag ngiwi ng mga bibig niyo kaya magiging assumera muna tayong lahat. Hahaha.
FLASHBACK!!!!!
Hindi ako pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Okay na kaming kumain ng tatlong beses sa isang araw. Nag aaral sa pampublikong paaralan. Nagtatrabaho ang tatay ko bilang postal worker. Ang Nanay ko naman isang guro. Pero dahil sa nagkaron ng karamdaman ang nanay kinakailangan niyang tumigil sa trabaho at manatili sa bahay. Nagkaron kami ng maliit na tindahan. Bilang panganay kailangan kong magpaka ate sa tatlo kong kapatid. Sinikap kong makatapos. Well, natupad ko naman. I graduated with flying colours during my high school years. Dito na sa college na biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Dahil sa udyok ng barkada, pasang awa ang mga grades ko. Inuumaga ako ng uwi sa bahay na tinutuluyan ko. Nakakatawa dahil sa inggit ko sa mga kaklase ko at kaibigan na magkaron ng kung anong meron sila naisipan kong kumapit sa patalim. May nakilala akong isang mayamang pulitiko. Alam ko may pamilya siya pero ewan ko minsan kapag napuno ka ng greedy sa katawan pati utak mo hindi na gumagana ng maayos. Wala mas malakas ang hatak ng inggit sa katawan ko na magkaron ng mga bagay na meron ang mga kaibigan ko.
Okay pumayag ako sa gusto niya kapalit ng mga bagay na gusto kong magkaron. Expensive bags,shoes, alahas, and he even took me to different fancy hotel and restaurants na ni sa panaginip imposibleng makapasok ako. One day napansin ng mga kaibigan ko yung mga bling bling ko sa katawan. Of course they knew what's branded and what isn't. They're not that stupid. One of them which is very close to me para ko na siyang kapatid, confronted me at ginising ako sa malalim na pagkakatulog. She even slapped my face dahil nagkasagutan kami. Sinabi niya at pilit pinapaintindi sa akin na isang masayang pamilya ang pilit kong sinisira.
Dahil Lang sa sarili kong kagustuhan, tatanggalan ko ng ama ang dalawang batang inosente at malaki ang respeto sa kanilang ama. Yeah, akala nila super dad ang kanilang ama kasi he provided them a huge house, luxury cars, sent them to private school and they can get what they want.
Doon ako namulat. Kasi ako buo ang pamilya ko. Naisip ko, paano kapag makarating sa asawa niya ang tungkol sa amin? Maaring maghiwalay sila. Kawawa yung dalawang bata. Hindi lang yung asawa niya ang masasaktan ko, mas masasaktan ko ang kanyang mga anak. I'm frustrated for doing all that stupidity. I'm so glad meron pang taong concern sa akin. To make this MMK story short,iniwasan ko na yung lalaki na yun. At first hindi siya pumayag. He even freak out when I told him that we need to stop our forbidden affair. Kailangan ko pang ipaintindi sa kanya ang dahilan ko.
Finally, pumayag din siya. Pero andun yung hurt kasi being single, nahulog na ako sa kanya. He thought materyal na bagay lang ang habol ko sa kanya. I wish masabi ko yan sa puso ko not to fall for the wrong person. You know the song? 'We have the right love at the wrong time and at the wrong situation? I cried many nights. Nagsayang ako ng mga luha ko sa taong hindi ko dapat minahal unang una pa lang. Ayun, para makalimot, hang out here and there. Then I need to have extra money nag part time ako as waitress sa isang restaurant. Sa kasamaang palad, nakita ko sila sa restaurant Kung saan ako nagtatrabaho at masayang kumakain.
Tadhana nga naman, so playful. Kasama ang asawa at mga anak niya. Nakita niya ako and andun yung gulat sa mukha niya. Maybe he didnt expect to see me with that outfit. Well I pretend na parang walang nangyari. Binati ko sila. Asked them if they needed anything. Ngumiti naman sa akin ang misis niya. At makikita kong pinagpapawisan ang aking ex lover. Akala niya kasi siguro magsasabi ako sa misis niya na 'hey this guy in front of you used to fvck me.' Hell no. May mga super cute cute angel sa harapan. May itsura kasi si mister politician. At his age hindi halatang ganun ang idad niya. Justin Trudeau lang ang peg. Anyways, so ayun iniwan ko din sila nung sinabi nilang they don't need anything. I need to leave that table kasi baka mapaihi sa salawal si mister pogi.
Nasa third year college ako ng una kong masilayan si Tyler. Nasa cafeteria kami ng mga friends ko. He is only visiting that time. He smiled at me so I gave him my super sweet kinda smile. Nagulat ako isang araw ng lumapit siya sa table namin while we were reviewing our notes dahil sa nalalapit na exam. Nag enroll daw siya at dito na sa school namin siya mag aaral. Of course natuwa ako pero secret lang yun. Ayun nagkwentuhan, nakipag kaibigan hanggang sa nagkamabutihan. He dated me for more than a year. Para akong prinsesa kapag magkasama kami. We go out of towns. Sobrang nag enjoy ako at masasabi kong nahulog na naman ang suwail kong puso. Ni ayaw niyang tingnan ako ng ibang mga kalalakihan sa campus. Girls were so jealous at me kasi sa dami ng mga babae sa school ako ang naging girlfriend niya. Ang dami niyang sinabi at pangako sa akin.
Ako naman sobrang paniwalang paniwala sa lahat ng sinabi niya sa akin. Kahit sinabihan na ako ng mga friends ko na Tyler is a womanizer para akong bulag. I just ignored what they say about Tyler. Wala eh mahal ko na naman yung unggoy na yun. Ang mas masakit, nahuli ko siyang nakikipag s*x sa isang kaklase ko sa isang storage room. Yun na yata ang pinaka masakit na masaksihan mo sa buong buhay mo. Nag away kami pero sabi niya s*x lang daw yun at saka yung babae ang nagpakita ng motibo. She was being seduced by a famous flirty/itchy babe in our campus. Minsan mahuhuli ko rin siyang may kahalikan sa loob ng kanyang kotse. Siguro marami pa siyang activities na hindi ko lang nasasaksihan. Hanggang sa isang araw hindi ko na siya nakikita sa campus. Then I heard from his friends, he went back to his country to manage their family business. He left me in a shattered state. Even my studies has been compromised. I tried to harm myself at that point. Kasi naisip ko what's the point of continue living if the only person that I thought was gonna be there has left me. See, ganun ako ka weak that time. I'm glad diko yun ginawa.
And wait, I was having lunch with my girlfriends in a nearby restaurant when something caught my attention. Aha, flash report Tyler Soprovich is now engaged with the certain super sexy and pretty Alexandra Rogers. Parang gusto kong basagin ang screen ng TV that day. Hayop siya, lahat lahat ng sinabi niya puro kasinungalingan. Sa lakas ng sinabi ko I wasn't even aware that someone from the other table eh malinis ang ears niya kasi she heard everything that is against that as$hole. Ayun lumapit sa akin, hmmm...
Dito na pumasok yung pakikipag deal ko sa kaibigan ni Alex. At dahil gusto kong makaganti sa lalaking nanakit sa akin ng sobra sobra pumayag ako. Malaking halaga ang kapalit at naisip ko na kailangan ko ito para sa pangangailangan ng parents ko for their maintenance. Tama naman kasi pampagamot ng nanay at tatay ko. Sa madaling sabi at para iklian ko ang story Ayun naging successful lahat at ang prize ko isang Timothy hehehe. Mhagrereklamo pha bha akho? Ang gwapo keye ng bhabyy kho, di bha!di bha?! Daliii inom pha tayo." Sabay tungga nito ng alak. Sa haba ng kwento ng kanyang buhay ito siya ngayon, so wasted. Bigla itong tumayo kahit na hirap na ito. Ng walang ano ano...
"HHHUUUAAAARRRRKKKKK!!! OOPPPPSS SAAARRREEE MY BAADD!!!" lalong nalito ang binata dahil papaano niya linisan ang babaeng nagkalat. Wala na rin itong ulirat dahil naghihilik na ito. Sa dami ng nainom at matapos mailabas lahat ito ngayon tulog na tulog.
Halos manginig pa ang kamay ng binata habang buhat buhat ang lasing na dalaga papunta sa kwarto nito. Pagkalapag niya sa dalaga bigla itong nagkamot ng tyan kaya na pataas ang kanyang suot na tshirt at kitang kita ang flat stomach ng dalaga. Lexi just wore a loose shirt and khaki short. Naghanap ng malinis na basin ang binata at clean cloth. Tulog na tulog na rin ang nasabing yaya kaya wala siyang choice kundi ang linisan ang babaeng lihim niyang minamahal.
Pagkabalik niya sa nasabing silid may dala na itong basin na may tubig saka sinimulang linisan ang babaeng sobrang lasing. Punas dito punas doon at tagaktak na rin ang kanyang pawis. After malinisan, kinakailangan niyang palitan ang kasuotan nito ng biglang may narinig siyang ingay mula sa labas ng kwarto ng dalaga kaya nagmamadali itong lumabas. Nagising pala ang nasabing yaya kaya nagpatulong ito sa babae para mapalitan ang kasamahan. Minutes later,
"Sir pogi tapos na po." nakangiti at kinikilig nitong sabi.
"Salamat sayo ha." sabay tapik sa balikat ng dalagang mga 18 ang idad. Pumasok itong muli sa kwarto ng kasamahan and he just stood over her and watched her as she slept. Tinitigan ang dalaga mula sa kanyang may katangusang ilong, mahahabang pilikmata,mamula mulang mga labi at being blessed with two precious melon. Napa lunok ng ilang beses ng mapadako ang mga mata Sa malulusog na dibdib ng dalaga. Kaya dali dali niya itong kinumutan. Akmang aalis na ito ng muli niyang binigyan ng isang sulyap ang tulog na tulog na babae.
"Mahal kita Lexi sana tanggapin mo ang pag ibig ko sayo. Nakahanda akong maging ama sa anak mo. I'm here to protect you from any one. Sana muli mong buksan ang puso mo. Nakahanda akong maghintay Kung kilan handa ka ng tumanggap ng panibagong mamahalin mo sa buhay." mahinang sambit nito saka maingat na inayos ang kumot at nilisan ang tahanan ng kasamahan.
KINABUKASAN napabalikwas ng bangon ang babae sabay hawak sa ulong sobrang bigat dahil sa dami ng nainom ang dalaga. Inalis ang nasabing kumot ng biglang natulala sa kanyang nakita. Tinignan ang sarili, nagtataka ito kung bakit iba na ang kanyang suot. Muling pinikit ang kanyang mga mata at pilit inaalala ang mga pangyayari.
"Okaayyy, nagkukwento ako, tapos ugh, ahm tumayo at pagkatayo ko..." biglang nanlaki ang kanyang mga mata. "Oh my goddddd nasukahan ko si Inspector?! Nakakahiya ka Alexis! Ugh! Pero teka sino ang nagpalit ng damit ko at nagtanggal ng aking kasuotan?" sabay hawak sa ulo at nakapikit. "DIYOSKOPO!! WAAAAA!! Nakita niya na!? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya?" sabay tingin sa kanyang suot na wala palang bra. "Juskolord!!! Nakita niya ang aking dalawang PAPAYA!" biglang dumating ang yaya at ang bagong gising na anak.
"Ate! Bakit po kayo nagsisigaw?Binabangungot po ba kayo?" nag aalalang tanong nito sa amo. Lumapit naman ang batang lalaki sa ina at pilit itong sinusuri sabay singhot sa ina.
"Ma bakit ang asim ng amoy niyo?" inosenteng tanong nito sa ina. Pinandilatan naman ito ni Alexis. Akmang hahalikan niya ang anak ngunit nagtakip na ito ng ilong.
"Okay fine maliligo na muna ako. Mag breakfast ka na pogi susunod na ako." utos nito sa anak kaya nagmamadaling lumabas ang bata. Palabas na ang nasabing yaya ng bigla itong pigilan ng amo. "Psstt Jenna." pabulong niyang tawag.
"Bakit po ate? May kailangan po ba kayo?"
"Ahm ano... sino ang nagpalit ng suot ko?" dahil sa may pagkapilya ang kasama biniro nito ang amo.
"Ate tulog na ako kagabi habang nag-iinuman kayo. Baka po si sir Pogi. Uyyyy!! Si ate nasilipan." kinikilig nitong tukso sa amo. Napangiwi naman si Alexis.
"Tumigil ka nga diyan. Hindi niya naman siguro nakita di ba. At wag mo nga akong matukso doon. Hindi kami magiging magdyowa nun. Friends lang kami i mean best of friends. Sige na maliligo na ako at naaamoy ko na din ang sarili ko." taboy nito sa kasambahay.
"Ate paano niya kayo mapalitan kung nakapikit siya di ba? Hahaha. Sige Te alis na po ako." at humarurot na ito palabas ng kwarto ng dalaga. Naiwan namang napapaisip si Lexi. Hiyang hiya sa kanyang ginawa. Hindi na tuloy nito alam ang gagawin kapag muli silang magkita sa trabaho.
Nasa kalagitnaan na ito ng pagbibihis ng makatanggap ng tawag mula kay Inspector Brent Chavez.
"Lex, pinapupunta ka ni Chief dito sa headquarters ngayon na."
"Huh? Ahh si-sige Inspector. See you there." pagkababa ng nasabing tawag bigla itong napamura. "s**t!!!" napasulyap ito sa malaking salamin at kitang kita sa mukha ang pamumula ng pisngi.
Sandali lang itong nagpaalam sa anak, nagbilin ng kung ano ano sa yaya nito saka mabilis na umalis ng bahay. Makalipas ang limang minuto nasa harap na ito ng istasyon. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at panay ang dasal na sana hindi sila magkasalubong ng binata. Ngunit sa anong kamalasan at hindi dininig ang kanyang dasal dahil ito mismo ang nagbukas sa kanya ng pintuan. Nakangiti ito sa kanya at may pakindat kindat pa. Hindi naman alam ni Lexi ang gagawin kung ngingiti o bubusangot.
"Good morning Inspector Miranda!" bati ni Brent sa kasama.
"Hehe. Go-good morning din sayo Inspector Chavez. Si Chief?"
"Andiyan na sa loob. Tara ikaw na lang kasi ang wala doon eh." sabay na silang pumasok sa silid kung saan kinakausap ng kanilang hepe ang ilan sa kanyang kasamahan.
"Inspector Miranda maupo ka. Meron na namang bagong kaso. Pangingidnap ng mga anak ng mga mayayaman at humihingi ng malaking halaga. Gusto ko na ikaw ang iaasign ko sa kasong ito at ang makakasama mo si Inspector Chavez dahil wala si Rebaldo ngayon. Binigyan ko ng bagong assignment." tumango tango naman si Lexi sabay lingon sa lalaking kanina pa pasulyap sulyap ng tingin sa kanya at pangiti ngiti. Naiisip ni Lexi na baka tuwang tuwa ito dahil nakakita ng papaya, baka natsansingan siya. Kunwari nasagi niya ang mga ito habang nagpupunas or nagpapalit ng kanyang damit.
"Miranda!" medyo napalakas ang boses ng hepe.
"AAAYY PAPAYA!!" gulat na sambit ni Lexi. Nagtatawanan naman ang mga kasamahan niya sa loob ng kwarto.
"Anong papaya ang pinagsasabi mo Miranda? We are talking about this new case. Are you with us!?" inis na tanong ng hepe sa dalaga.
"Yes Chief. Ah ano po, nagpapabili po ng papaya ang anak ko." mabilis niyang sagot at pagpapalusot na rin. Tumango tango naman ang nasabing hepe. Kaya nagpatuloy sa pagsasalita ang nasabing hepe at masusing nakinig ang dalaga at pansamantalang nakalimutan ang gumugulo sa kanyang kaisipan.
Parehong nasa loob ng sasakyan ang dalawa at walang imikan sa isa't isa. Minamanmanan nila ngayon ang isang malaking bodega. Nahihiya man ngunit walang choice ang dalaga kundi kausapin ang kasama.
"Inspector may itatanong lang sana ako sayo. Ahm, ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi? Wa-wala kasi akong maalala."
Ngumiti naman ng nakaloloko ang binata.
"Hoy ano? Ikaw ba?"
Brent were about to say something ng may makita Itong lalaking armado at papunta sa kanilang pwesto. Dala ng taranta at takot biglang kinabig ang nagulat na kasamahan palapit sa kanya. Ngayon Kung titignan mula sa malayo para itong naghahalikan. Nataranta naman si Lexi dahil sobrang lapit na ng kanilang mga labi. Naamoy niya na rin ang minty breath ng binata. Nahihiya tuloy ito baka mabaho ang hininga niya dahil sa kinain ng tanghalian.
"Inspector! Anong ginagawa mo ha?!" anas sa binata.
"Shhhh. Wag kang pahalata may paparating. Sorry Lex sandali lang ito." Pabulong na sagot ng lalaki. Bigla silang nakarinig ng Katok sa pintuan kaya biglang kinabig ni Brent ang ulo ng dalaga papunta sa kanyang lap na Kung titingnan ulit para itong nag BBJ. Brent rolled his window half way only at Medyo Madilim sa loob.
"Kumuha na lang kayo ng kwarto at malaya niyong gawin ang bagay na yan. Bawal ang tumambay dito!." Walang emosyong turan ng lalaking may dalang M-16.
"Pasensiya na boss anniversary namin ng girlfriend ko kaya medyo sabik." Nan laki Naman ang mata ni Lexi Sa naririnig. Nangangalay na rin ang leeg niya sa kakapigil na hindi mapasubsob ang mukha sa umbok ng lalaki. Panay pikit Lang ang mata ni Lexi. Ilang beses napapalunok dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa harapan ni Brent. Nagsimula na siyang pagpawisan. Para naman itong nabunutan ng tinik ng magpaalam na si Brent sa lalaking armado. Pagkasara ng bintana agad na nag angat ng mukha ang dalagang namumula samantalang gusto ng humalakhak ni Brent. Binuhay ni Brent ang makina at agad na pinasibad ni Brent palayo sa lugar. Nang masigurong safe na sila, biniro niya ang kasama.
"Inspector saan ka mas natakot? Sa armas ng lalaki o sa armas ko?" Biglang napatingin sa kanya si Lexi at sa kanyang umbok. This time tumawa ng malakas si Brent. Binigyan na lamang ito ng isang deadly look ni Alexis at pasimpleng ngumiti habang nakatanaw sa labas ng bintana habang binabaybay ang daan pabalik sa kanilang headquarters.
Itutuloy...