Chapter 2

3944 Words
Madilim dilim pa maririnig mo na ang dalagang nagbibilang, hindi ng barya kundi ng pagpapalakas ng katawan niya. "88, 89, 90,---ugggh ahhh 100." sambit niya sa huling numero habang ginagawa ang sit-ups every morning. Lumabas ito ng bahay saka tumakbo ng ilang paikot ikot. Nang maka 15 ikot, tumigil na ito. Nag warm up ito, suntok sa hangin at sipa. Nang matapos sa kanyang warm up, tagaktak ang pawis nito sa mukha. Pumasok sa bahay at pumunta sa likurang bahagi nito at doon nakipag suntukan sa kanyang tinatawag na kuwago ang kanyang punching bag. "Uhhm!! Yaaahh!! ahh uhm! Ugh! Yah!" suntok, sipa. Sinakyan at akala mo gusto nang patayin ang nasabing bag dahil sa pagpapaulan nito ng maraming suntok. "Ahh! Yah! Um! Um aaah um!" Buong lakas binigay nito sa pakikipag bakbakan sa nasabing equipment na waring papatay ng kalaban. Makalipas ang ilang minutong pakikipag suntukan, pinahid ang mukha ng kanyang towel. Tiningnan ang relo sa kanilang dingding. Masyado pang maaga. Pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Pinikit ang mga mata sandali at dito pumasok sa isipan niya ang nakaraan. "Alexis, mag iingat ka palagi okay. Alagaan mo ang baby natin. Promise sandali lang ako doon sa States. Babalik ako. Babalikan ko kayo. And um... I'm going to miss you both. I love you." ang huling alaala niya kasama ang taong bumuhay sa kanyang patay na dugo. Ramdam pa niya ang pagdampi ng mga labi nito sa gilid ng kanyang mga labi. Kung pwede lang sumigaw ang puso niya sa mga oras na iyon, siguradong mas malakas pa sa sirena ng bumbero ang tunog ng kanyang puso dahil sa sobrang saya, tuwa, kilig na binibigay ng taong nagpapaalam na sa ngayon. Ang bukod tanging nilalang na nagpabaluktot sa kanyang damdamin. Ang taong nagparamdam sa kanya ng kilig sa tuwing binibigyan siya nito ng espesyal na treatment in many special ways. Idinilat ang mga mata at ngumiti ng mapakla. "Hinding hindi ako iibig sayo. Aalisin ko na sa puso ang salitang pagmamahal." mariing giit nito sa sarili. "Ayoko nang umasa pa na babalikan mo ako dahil ang sakit sakit sa pakiramdam. A-Y-O-K-O-N-A." Mabilis na tumayo na matigas ang mukha saka tinungo ang kanilang paliguan. Katanghaliang tapat ng manlambing ang anak nito para bumili ng ice cream sa may kanto na di kalayuan sa kanilang tirahan. Alam ni Lexi na gusto lang ng kanyang anak na makasama ang ina dahil sa madalas na itong ginagabi ng uwi o kaya minsan inuumaga. Nagiguilty naman si Lexi kaya pinagbigyan ang kahilingan ng anak. Masaya silang nag kukulitan papuntang tindahan. Nang makapagbayad, masaya silang lumabas ng nasabing tindahan at nagkukuwentuhan habang binabaybay ang daan pabalik ng kanilang tahanan. Walang tigil ang anak sa pagdadaldal. Sobrang saya si Alexis habang pinapanood ang anak na nag eenjoy sa kanyang ice cream. Maya maya muli na naman nagkwento ang anak. "Mommy, sabi ni Daddy padadalhan niya daw po ako ng tablet." Bigla itong natigil sa pagsasalita na parang nag iisip. Nilagay pa ang isang daliri nito sa kanyang noo. " Ah! At saka toys, shoes, and lots of candies!" Excited na kwento ng bata sa Ina. "Naku Timmy ha baka kung ano ano na lang ang hinihingi mo sa Daddy mo. Marami ka pang mga laruan na halos hindi mo na nga pinapansin. Madami ka namang shoes at damit sa bahay." Reklamo ng ina. Naglungkot lungkutan naman ang bata. Para namang naguilty si Lexi sa mga pinagsasabi niya sa kanyang anak. "Pero Mommy, si Daddy naman ang may gusto." Nakangusong sagot sa ina saka hinayaang tumulo sa kamay ang ice cream nito na parang nawalan ng gana. Kaya biglang bawi si Lexi. "Okay. Basta ha huwag humingi ng mga bagay na hindi naman importante. Mas kailangan ni Daddy ang pera sa kanyang therapy anak. Tara na at masyado nang mainit. At kainin mon a iyang ice cream mo at natutunaw na, ayan ang lagkit na ng kamay mo tuloy. Saka anak behave ka sa ate Jenna mo kasi gagabihin si mommy ng uwi ha." Bilin niya sa anak. Panay tango lang ito habang sarap na sarap sa pagkain ng kanyang chocolate ice cream. Ilang kanto na lamang ang agwat nila mula sa kanilang bahay ng may napuna ito sa paligid. Napansin niya ang mabagal na pagtakbo ng itim na sasakyan. Kung tutuusin mas mabilis pa ang pagong dito. Bigla itong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib. Naalala niyang kasama niya ang kanyang pinaka mamahal na anak. Natatakot Ito sapagkat ayaw niyang madamay ang kanyang anak. Bigla niyang kinapa as loob ng black leather jacket ang kanyang baril. Saka patuloy silang naglalakad na kunwari walang nakita. Tama nga ang kanyang hula, siya ang sinusundan ng itim na sasakyan. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang kaibigang si Inspector Chavez. Ngunit panay ring lang ito. Sinubukan ang kanyang partner na si REBALDO. Inuutusan niya kasi ito kanina. "Inspector malapit na ako. May kailangan ka pa ba or miss mo na akong makita?" sabay bungisngis nito sa kanyang partner. Madalas niya kasing biruin ang dalaga. "Tumigil ka sa kahibangan mo REBALDO! Kaya ako napatawag dahil may sumusunod sa amin ni Tim na sasakyan dito sa may subdivision! Nasaan ka na ba? Kanina ka pa sa kakasabi na malapit na hanggang ngayon wala ka pa rin?!" kahit nakikipag argue sa telepono hindi inaalis ang mga mata nito sa lugar kung saan nakatigil ang sasakyan. Mas kampante sana itong makipag bakbakan sa mga kalaban kung wala ang kanyang anak. Ngunit mas nangingibabaw ang takot niya dahil ayaw niyang madamay ang bata kung sakaling magkaputukan. Patuloy lang ang kanyang paglalakad habang nasa telepono ngunit matalas ang kanyang pakiramdam sa paligid. Nang muling lingunin ang sasakyan, wala na ito. Dito na muli siyang kinabahan. "s**t!!" sabay takip sa tenga ng anak upang di marinig ang pagmura nito. Ginalugad ng mata ang bawat corner ng kalsada. Wala siyang makitang sasakyan na katulad ng sumusunod sa kanila. Naalala ang partner nitong si Rebaldo. "Bwesit, nasaan naman kasi nakarating ang lalaking yun at wala pa rin dito hanggang ngayon?"nanggigigil nitong sambit na hindi pa rin mapakali dahil sa biglaang pagkawala ng sasakyan. Two more blocks pa bago marating ang kanilang bahay. Naisip niya pwedeng pwede silang harangin sa daan bago ang kanilang tahanan. Bago marating ang kanilang tahanan kasi, merong lugar sa may kabilang kanto na may mga matatayog na damuhan. Lalong lumakas ang kanyang hinala na maaring tambangan sila ng kanyang anak. Hinawakan ng mahigpit ang kamay ng bata dahil sa kaba. Bumalik lang sa katinuan ng marinig ang pagreklamo nito. "Mommy, masakit ang kamay ko!" nakangiwing reklamo ng bata sa ina. Nataranta naman ang dalaga. "Babyyy... sorry! I'm so sorry!! Nasaktan ka ba ni Mama?" kaya hinalikan ito ng ina. "Tsssuupppp muaaahhhhh! Ayan wala nang sakit. Kiniss na ni Mama ang maliit na kamay ng baby ko." Sabay comfort niya sa kanyang anak at sinuklay suklay ng kanyang daliri ang mala brown na kulay ng buhok nito. Ngunit hindi inaalis ang mata nito sa buong paligid. "Okay na po ako Mommy." Nakangiti nitong sagot sa ina sabay kain ng kanyang ice cream na walang iniisip na anumang oras may pangambang magaganap. Samantalang ang ina halos humiwalay na sa kanyang katawan ang puso nito sa lakas ng pagpintig. Maya't maya lang natatanaw na niya ang paparating na police car. Kinawayan niya ito. Pagkahinto, lumabas agad si Rebaldo at waring may hinahanap sa paligid. "Nasaan na ang tarantadong sumusunod sayo Inspector ng mapasayaw ko siya sa mga bala ko!" mayabang na sabi nito sabay hawak sa baril na nakasukbit sa bewang nito. Lexi rolled her eyes. "Wala na! Sa tagal mong dumating aba eh nainip sa kakahintay sayo. Kaya hindi ko alam kung nasaan. Pwede na ba tayong umuwi bago kita mapasayaw sa bala ng baril ko?!" sabay irap sa kasama. "Oh wag ganyan inspector. Hindi ka naman mabiro eh. Tara tara...Hello pogi."bati nito sa bata. Bago pumasok ng sasakyan ang dalaga, nagpalinga linga muna ito habang inaalalayan ang anak papasok ng back seat. Matapos niyang masigurong safe na ang bata, umupo ito sa unahan pabalik sa kanilang tahanan. ************ "Sa tingin ko Inspector, alam na nila kung saan ka nakatira ngayon." Habang nasa kusina ang dalawa. Parehong nagkakape at pinag usapan ang pangyayari. "Malamang pinag aaralan nila ang lahat ng galaw mo. Marami na rin kasi ang naipakulong mong drug lord dito sa bansa. Hindi basta basta ang mga nakalaban mo. Hindi kaya gusto kang gantihan ng mga iyon?" seryosong turan ng kasama. Napaisip naman ang dalaga sa sinabi ni Rebaldo. "Yun nga din ang naisip ko kanina habang naglalakad kami ni Tim. Tsk!! Masyadong delikado para kay Tim ang manatili sa tabi ko. Malalagay sa panganib ang buhay niya at yun ang ayaw na ayaw kong mangyari. Mga magulang ko at mga kapatid, hindi ko man lang maprotektahan laban sa mga taong masasama, hindi ko alam kung hanggat saan ko kakayaning protektahan ang anak ko. Alam natin pareho na madalas wala ako dito." Sabay hilot sa noo nito habang tinatanaw ang anak na naglalaro ng toy car nito sa sala kasama ang kanyang yaya. "Inspector, matanong ko lang. Kaya ka ba nagpulis para gumanti o para protektahan ang mga taong nangangailangan ng proteksyon?" napaangat ng mukha ang dalaga saka tiningnan sa mga mata ang kasama. "Dati oo. Noong kinuha nila sa akin ang pamilyang pinagsikapan kong maiangat sa buhay. Oo gusto ko silang gantihan. Alam ko andito pa ang ilan sa kanila at patuloy na nabubuhay at naninira ng mga buhay. Malamang ang ilan sa kanila nasa ibang bansa. Yun ang huling balita ko. Pero sa ngayon, isa lang ang nasa utak ko. Protect and serve the people. Protect Tim dahil siya na lang ang meron ako sa buhay." Sagot nito sabay higop ng kape. Tumayo na ang dalaga kasama ang kapartner nito papunta sa sala upang makipaglaro sana sa anak ng walang ano ano... Bang! Bang! Bang! Ping! Ping! Ping! Tzing! Tzing! Tzing! "Dapa!!!! Dapa!!!" sabay akap sa anak nito pagapang papunta sa pinakaligtas na bahagi ng kanilang bahay. Lexi covered her son at hinila ang yaya nito. Nakipagpalitan na rin ng putok ang ka partner niyang si Rebaldo. "Rebaldo!Tumawag ka ng back up!!"Habang sinisilip ang lugar kung saan nagmula ang mga balang nagliliparan. "Dito lang kayo! Walang aalis ha! Tim dito ka lang sa ate Jenna mo! Jenna wag kayong tatayo kahit na anong mangyari walang lalabas!" saka hinagkan ang anak na panay ang iyak. Nanginginig na rin pati ang yaya nito. Agad ikinasa ang baril at nagmamadaling gumapang palabas ng bahay kasama ang partner. Nakipagpalitan na rin ito ng putok sa mga kalaban. Bang! Bang! Bang! Tzing! Bang! Ping!Tzing! "Rebaldo cover mo ako!" saka sumenyas sa kasama at nakuha naman nito ang ibig sabihin ng dalaga. Mabilis na tinakbo ni Alexis ang malaking puno ng mangga. Sa liksi ng kilos nito para itong si the flash. Sunod sunod naman ang pagpapaputok ni Rebaldo sa mga kalaban upang kunin ang mga atensyon nito at malayang magawa ni Alexis ang anumang binabalak nito. Nagkapalitan ng putok sa pagitan nila at ng mga armadong lalaking nasa labas ng kanilang bahay. Mula sa puno, maingat na inakyat ni Lexi ang pader at nagkubli sa may madahong sanga ng kahoy. Tumatahip ang kanyang dibdib dahil naiisip ang anak na nasa loob ng kanilang bahay. Napansin nito ang isang lalaking may m-16. He is about to fire his gun but Lexi didn't' give him any chance. Hindi na ito nagpatumpik tumpik pa agad na tinalon ito at binigyan ng napakalakas na suntok sa panga. Nakipag agawan ng baril, suntok sabay sipa sa gitnang bahagi ng kanyang binti. Isa pang suntok at nawalan ng malay ang lalaki. Mabilis niya itong naitago sa kabilang side ng pader na hindi namalayan ng mga kasama. Bang!Bang! Tzing! Bang! Tzing! Bang! Ping! Patuloy pa rin sa pagpapaputok ang mga kalaban, lilipat na sana ng pinagkukublian ang dalaga ng mamataan ito ng isang lalaking may dala din na m-16 kaya agad na pinaulanan ng bala ang pinagkukublian ng dalaga. Bang! Bang! Ping! Tzing! Bang! Tzing! Panay kubli naman si Lexi sa pader. Muling ikinasa ang baril at kinapa nito ang leather jacket ngunit napamura ito. "Shiittt!! Wala na akong bala..." sambit sa sarili. Nagpalinga linga ito. Nakita niyang dahan dahang naglalakad papunta sa kanyang kinaroroonan ang lalaki. Nakakita naman ito ng maaring ipanghampas sa lalaking nakasuot ng bonnet. Tanging mata lang nito ang makikita. Nang malapit na agad na inundayan ng palo sa ulo ang lalaki. Agad itong napangiwi. At isang malakas na pagsipa sa sikmura ang nagpatalo sa kalaban. Nakita niyang may isa pang lalaking armado kaya agad niya itong pinaputukan ngunit mabilis itong nakakubli. Kinuha nito ang baril ng lalaki at pinaulanan din ang lalaking armado. Ngunit mabilis itong nakapasok sa sasakyang namataan ni Alexis noong nasa tindahan sila ng kanyang anak. Tumakas ang isang lalaki. Muli pa itong hinabol ng baril ng dalaga ngunit masyadong mabilis na pinatakbo ang sasakyang walang plaka. Mula sa malayo, maririnig na ang sirena na nagmumula sa pulisya. Mabilis namang nakatakas ang isang armadong lalaki sa kanilang lugar. Ngunit naiwan naman sa mga kamay ni Lexi ang dalawang lalaking nakatulog sa lakas ng kanyang suntok.Pagdating ng mga kasamahan, agad na pinagdadampot ang dalawang lalaking nahuli. They handcuffed and isinakay sa police car. Mabilis na pumunta sa kinaroroonan niya ang worried na kasamahang si Police Inspector Brent Chavez kasama ang kanilang Police Chief Superintendent Jaime Villarama. "Lex okay ka lang ba?! Si Tim nasaan?" doon lang bumalik sa sariling ulirat si Lexi nang marinig ang pangalan ng anak. Mabilis niyang tinakbo ang kanilang bahay at doon nakita niyang yakap yakap ni Jenna ang pinakamamahal na anak. "Babyy... Oh my godddd. okay ka lang ba ha? Hindi kaba nasaktan anak? Wala bang masakit sayo!?" Nag aalalang tanong ng ina habang sinusuri ang lahat ng bahagi ng katawan ng anak. "Opo Mommy, okay lang po ako. Natatakot lang po ako sa mga bad guys." Naiiyak na sumbong ng bata. "Sssshhh! Andito si Mommy. I'll protect you from the bad guys anak." Gusto na niyang umiyak ng mga oras na iyon pero pilit niyang pinapakita at nilalabanan ang kanyang emosyon. Nilingon ang nanginginig na yaya. "Ikaw Jenna okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" nag alala din ito sa yaya ng anak. "H-hindi po A-ate." Nauutal na sagot sa dalaga. "Doon muna kayo ni Tim sa loob ng kwarto ha..." Tumango ang nasabing dalagita at inakay ang batang lalaki papasok ng silid. Naiwan naman si Lexi na panay hilot ng sintido nito. Napansin naman ni Rebaldo ang bahid ng dugo sa kanyang braso.Agad na naghanap ng pwedeng pang stop sa dumudugong braso nito. "Nadaplisan lang yan. Malayo sa bituka. O baka galing sa sanga ng kahoy yan." Nasa sala na sila. Pumasok naman ang kanilang hepe kasunod si Chavez. Nadatnan ng mga ito na nililinisan ni Rebaldo ang kanyang sugatang braso. "Hindi na kayo safe ng anak mo dito." Tipid na sabi ng kanilang hepe. "Chief kahit saan pa kami magpunta, susundan at susundan ako ng mga yan. Kaya okay na ako dito at saka malapit lang ito sa headquarters." Wika ng dalaga. Bumuntong hininga ang kanilang hepe. "Paano ang kaligtasan ng anak mo? Hanggang saan mo kayang protektahan ang anak mo Miranda?" may laman ang katanungan ng kanilang hepe. Napakurap naman ang dalaga at hindi alam ang isasagot. Oo nga paano ang anak niya? Hindi naman siya nakabantay sa bata 24hours kasi parating nasa trabaho at misyon nito. "Nasa headquarters na yung dalawang nabugbog mo. Idedetain muna sila doon for more investigations. Nasaan nga pala si Tim?" inaapuhap ng tingin ang buong sala. "Nasa loob ng kwarto kasama ni Jenna." Tipid na sagot sa kasama. "Pag-isipan mo Miranda. Magpagaling ka muna ng ilang araw bago pumasok. Rebaldo, kumuha ka ng isa pang kasama para magmanman dito sa subdivision. Inspector Chavez, kunin mo ang record sa main gate maging ang kuha ng kanilang CCTV at dalhin mo sa istasyon para maimbestigahan." Utos sa mga tao nito saka nagpaalam. "Yes Chief." Sabay na silang lumabas ng bahay ng dalaga. Naiwan namang napapaisip si Lexi sa binitwang salita ng kanilang hepe. Ito ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Dito siya lumapit upang magpatulong para makapasok sa hanay ng kapulisan. Hindi naman ito nabigo. Maraming tao ang nasa labas. Andun pa rin ang mga taga NBI at tauhan ng SOCO ang nasa labas ng kanilang bahay. May mga reporters na nagmula sa iba't ibang istasyon, mga journalist. Ngunit umiiwas si Lexi na magpa interview. Natatakot itong makita ni Tyler sa TV ang nasabing ingkwentro at baka uuwi ng Pilipinas at kunin sa kanya ang kanyang anak. Iyon ang hindi niya kakayanin, ang mawalay sa kanyang pinakamamahal na anak. ********************* Ilang araw ang lumipas balik na sa pagtatrabaho ang dalaga. Nasa kanyang desk ito ng makatanggap ng tawag mula sa ama ng kanyang anak. Si Tyler. Bumuga muna ito ng hangin bago sinagot ang tawag. May clue na ito kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan. "Hello Tyler." "Alexis! Okay ka lang ba? Si Tim okay lang ba siya? I saw everything on TV. My god... I am so worried about my son. Are you sure he's okay? Maybe he needs to be seen by a psychologist. My good friend Keisha Russo is a psychologist. Her office can be found near the main entrance of Makati Med. Magtanong ka na lang sa guard kasi medyo confusing yung way. Pwede ko siyang tawagan and let her know na pupunta kayo doon. I wanna make sure that Tim is okay. Please Alexis." Pagsusumamo ng lalaki sa dalaga. Alam niya na iniisip lang ang kapakanan ng kanilang anak. "Tyler pwede isa isa lang. Sige mamaya pag uwi ko kakausapin ko si Tim then bukas na bukas din dadalhin ko ang bata doon sa kakilala mo. At para na rin mapanatag ang kalooban mo diyan." "After ng session ko sa therapist, I'll book a flight going to Singapore then tutuloy na ako sa Manila. We need to talk about Tim's safety Alexis. Think about it too. Mag-iingat kayo ha. I'll see you soon. Okay Bye." Pagkababang pagkababa niya ng telepono naging palaisipan sa kanya ang huling sinabi ni Tyler. Matamlay itong tumayo at tinungo ang interrogation room kung saan nakadetain ang nasabing suspek. Kinakausap ito nina Chavez at Rebaldo habang nasa labas si Alexis at nakikinig sa kanilang pinag uusapan. Pinipilit nila itong magsalita ngunit nagmatigas ang lalaki. Palaban kung sumagot. Kuyom ang kamao ng dalaga at nanggagalaiti sa inis habang nanonood sa labas. Ubos na ang pasensiya nito at dahil sa pinag usapan nila ni Tyler nadagdagan ang kanyang pagkapikon. Maaring ilayo sa kanya ang kanyang anak. Kaya nakiusap ang dalaga na siya naman ang magtatanong. Lumbas muna si Rebaldo at naiwan sa loob si Chavez at Miranda. Naka handcuff ang lalaking nakaupo sa silya habang nasa harapan ang dalawa. At this point, si Lexi naman ang nag interrogate sa lalaki. Seryoso at walang ka emosyon habang nakatitig sa lalaki. "Sino ang nag-utos sayo para patayin ako ha?!" madiing tanong ng dalaga. Ngingisi ngisi naman ang lalaking may mahabang balbas, kalbo, malaki ang tiyan, at walang two front teeth. "Wala kang makukuhang sagot mula sa akin. Hahaha! Patayin niyo muna ako bago niyo makuha ang sagot ko." Pagmamatigas nito. Alexis tried to control her temper although gusto niya nang bigyan ng mag asawang suntok ang lalaki ngunit mas minabuti nitong magpaka cool. "Talagang matigas ka ano. Subukan natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo. Alam ko kung saan matatagpuan ang pamilya mo. Sige pagtakpan mo pa ang nag utos sayo ng maubos ang buong angkan mo." Ngingisi ngising turan ng dalaga. Dinaan niya sa pananakot ang lalaki na baka magsalita na ito ngunit laking dismaya nito ng muli pa ring nagmatigas. Napikon naman si Alexis when the suspect spit on her. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga. She grabbed the guy's shirt na halos and say something. "Hindi ako mamamatay sa bala pero sa baho ng hininga mo tigok ako agad. Inuubos mo talaga ang pasensiya ko ha. MAGSASALITA KA BA O HINDI!! ??" gigil na sigaw ni Alexis sa lalaki sabay balya nito paupo sa silya. "Kahit patayin mo pa ako hindi ako magsasalita bingi ka ba?!!" dahil sa naging sagot ng lalaki, nagpakawala ng isang malakas na suntok ang dalaga. "Aaahhh boggss!!" halos mapangiwi ang lalaki sa lakas ng suntok ng dalaga. Mahigpit niya itong hinawakan sa kwelyo at binalya paupo sa silya saka dinuduro duro. Dahil sobrang pikon na siya."Kapag kinuha sa akin ang anak ko ng kanyang ama at dalhin ito sa malayo, PAPATAYIN KITA HAYOP KA!!!!" nanlilisik ang mga mata nito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang leeg. Mabuti na lamang at nasa loob din ng nasabing silid ang kasamahan nito kaya naawat nito ang dalagang handang handa nang pumatay ng tao. "Inspector tama na yan! Bitawan mo siya baka mapatay mo pa yan." Awat sa kanya ni Chavez. "Dapat lang patayin ang g*go na yan!!!" at binigyan ng nakakamatay na tingin ang lalaki. Then muli itong nilapitan. "Ano magmamatigas ka pa ha?!!" habang nakahawak sa buhok ng lalaki at patuloy sa pagtatanong. Ngunit mariing itinatanggi ng lalaki ang bawat itanong sa kanya. Kaya nakapikit na lumayo ng kaunti si Alexis at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi naman tumigil ang lalaki sa pang aasar at pang iinsulto. "Police brutality na ang ginagawa niyo sa akin. Ipapakulong ko din kayo!!!! Wala kayong mga kwentang mga pulis. Dapat lang kayong tawaging, PULIS PATOLA! HAHAHAHA!!!" Kahit si Chavez sobrang napipikon na ngunit kinakalma ang sarili. "Babalikan din kayo ng mga kasama ko lalo ka na." turo nito kay Alexis. "Papatayin din nila ang anak mo. Hahaha!!" dito na hindi nakapag pigil ang dalaga. Sinugod nito ang lalaki at pinagsusuntok. Sa mukha, sa tiyan, balik sa mukha. Buong tapang niya itong binugbog na halos wala na siyang balak pang buhayin ito. "Hayop ka!!! Hayop kayo!!! Hindi ko hahayaang makalapit kayo sa anak ko!!" Biglang sumugod ang ilang kasamahan upang awatin Ito maging ang kanilang hepe. "Miranda!!! In my office now!!" sigaw ng kanilang hepe. Para namang nahimasmasan ang dalaga sa kanyang pinaggagawa. Inilabas naman ni Rebaldo sa nasabing silid ang suspek para bigyan ng pangunahing lunas dahil sa tinamong sugat at pasa sa mukha sanhi ng pagkabugbog ng dalaga. Pumunta naman sa office ng hepe ang lulugo lugong dalaga. Dahan dahang binuksan ang pintuan at naratnan niyang nakatanaw sa labas ng bintana ang nasabing hepe. Nakayukong umupo ang dalaga sa silya. "Inspector Miranda, what are you doing? Muntik mo nang mapatay yung tao! May batas tayo! Hayaan mong batas ang magparusa sa mga nagkasala. Hindi ikaw ang batas!" sermon nito sa dalaga. Alexis just gritted her teeth. Kuyom ang mga kamay nito at napaangat ng mukha, she burst into tears. "Ayokong kunin sa akin ni Tyler ang anak ko at dalhin sa malayo. Tatay siya na lang ang meron ako."humihikbing sambit ng dalaga. Para namang kinurot ang puso ng nasabing hepe ng makita ang umiiyak na babaeng pulis sa kanyang harapan. Tatay ang tawag ng dalaga sa hepe kapag silang dalawa lang ang magkasama. Matalik na magkaibigan ang ama ng dalaga at ang hepe. Kaya ng mawala ang kanyang buong angkan, ito na ang naging gabay niya sa lahat ng bagay. Napabuntong hininga ang nasabing hepe. "Go home and take some rest. Magpahatid ka muna kay Inspector Chavez. Isama niyo na din si Rebaldo. Bumalik ka na lang bukas para mapag aralan ang nasabing pag raid sa isang hide out ng mga sindikato. Dalhin mo muna bukas si Tim sa bahay. Andun ang mga apo ko kaya may makakasama siya doon." Tumayo na ang dalaga at sumaludo sa nasabing hepe. He just nod at her. Tumalikod na ang dalaga at akmang hahawakan ang knob ng tawagin itong muli ng kanilang hepe. "Miranda!" napalingon naman ang dalaga sa kanyang tatay tatayan. "Mag-iingat ka anak." Tumango si Lexi at ngumiti ng bahagya. Saka maingat na binuksan ang pintuan at nilisan ang departamento. Mabigat ang loob na lumabas ng nasabing headquarters. Nagsenyas lang sa mga kasama at dumeritso sa naghihintay na mga kasama. ........ Unto the next
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD