Chapter 5

4225 Words
continuation- Buwan ang nakalipas, ang tahimik na resort napalitan ng bagong pag-asa hatid ng cute na cute na baby boy. Palaki na nang palaki ang bata kaya nakakatuwa na itong laruin at ito ang naghahatid kasiyahan sa dalawang babae. Madalas nila itong dalhin sa dagat. Habang lumalaki ito, mas lalong naging malapit ito sa dalagang si Yana. Isang gabi, napagitnaan nila ang baby at pinapatulog, si Yana ang nagbabasa ng bed time story while Alexis breastfeeding him, kung may anong nagtulak sa dalagang si Yana at bigla itong lumapit sa mukha ng inang si Alexis. She kissed her forehead. "Alexis babe, salamat na dumating kayong dalawa sa buhay ko. Pangako, hinding hindi ko kayo pababayaan. Nakahanda akong protektahan kayo sa anumang kapahamakan." ang madamdaming wika ng dalaga at hinalikan ang dalaga sa mga labi nito. Napapiksi naman si Alexis, this is her first time kissing a woman. Dahil nahirapan sa position, lumipat si Yana sa gilid ni Alexis at muli niya itong hinalikan sa mga labi nito. Sa una, hindi pa gumagalaw ang mga labi ni Alexis hanggang sa nadala na ito sa mga mapangahas na mga labi at dila ni Yana kaya gumanti ito at sinabayan ang bawat halik ni Yana. Dito nila pinagsaluhan ang TAMIS NG UNANG HALIK sa isa't isa. Walang nagsasalita, hinayaan na lamang nila ang kanilang mga puso ang mag usap. END OF DREAMLAND-- "Yana, we're here na." pukaw sa kanya ni Jade. "Huh? Sorry Jade nakatulog pala ako sa byahe." paumanhin niya. Napahawak naman ito sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, ramdam niya pa rin ang bawat dampi ng malalambot na labi ni Alexis sa kanyang mga labi. "Okay lang yan. Hey, since naka charge ka na and hahayaan kitang matulog ulit pero mamaya sama ka sa amin ha. May bagong bukas kasi na club at gusto kong puntahan. I heard madami daw magagandang babae doon. Kaya you have to come with us. Malay mo andun ang iyong destiny." tukso ng kaibigan. Inirapan naman ito ni Yana. "Fine, what time ba tayo pupunta doon sa? Anong pangalan ng club?" tinatamad nitong tanong. "Talaga babe??! Um, what's the name again? Hmm, oh, STAIRWAY TO HEAVEN. Di ba pangalan pa lang may langit na. Kaya gora ka sa amin mamaya. At saka we can leave here around 9 or 9:30 maybe. Yung ganun kasi sigurado madami na ang tao during that time. Tara, let's go inside para makapagpahinga ka for tonight's adventure. Yes! Excited na ako mag girl hunting. Hahaha!!" Napapailing naman ang dalaga sa tinuran ng kaibigang si Jade... Napapaisip naman Ang dalaga, handa Na ba siyang humanap ng bagong pag ibig at kalimutan Na lamang Ang taong pinangakuan niya ng pagmamahal at handang protektahan???.. Yana’s POV Maaga pa naman at hindi din naman ako nakaramdam ng pagod o kaya ay antok, tinawagan ko ang isang kaibigan ko na nagmamay ari ng pribadong plane and chopper. I decided to visit the place where I had so many wonderful memories. Napabuntong hininga na lamang ako kapag maalala ko ang mga nakaraan. Nagulat naman si Jade ng makita akong nag aayos ng sarili. "Hey babe, going somewhere?" takang tanong nito sa akin. I smiled at her. "Yeah babe. Gusto ko munang puntahan ang isla. Baka kasi maging busy na ako at hindi ko na mapuntahan yun. Very limited lang kasi ang binigay na panahon para sa case na ito. And besides, kailangan ko din pag aralan yung case ng company ng kaibigan ko. Tsk! I wish I can stay longer pero ang daming trabahong naghihintay sa akin doon pagbalik ko." "Okay babe, but hey remember may clubbing tayo mamaya. Let's go CHIX hunting. Hahaha! Bibigyan kita ng maganda at magaling. Mukhang dry ka Na Kasi."pang aasar ng nasabing kaibigan ko. "Yeah right. Tsk! Ewan ko sayo. Hahaha... Anyway, got to go babe. See you later okay." saka nagmamadaling pumunta sa garage. Bago pumasok sa sasakyan, sinuri ko muna ang aking pinakamamahal na asawa. Yasss.. Ito ang pinaka ingat ingatan ko. Kung pwede nga lang na itulak ko na lang ito, baka kasi mapagod sa kakatakbo di ba. Hahaha. Kidding oraayyyttt.. Minamaneho ko ang aking BMW i8 papunta sa bahay ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano pang naghihintay sa akin sa isla. Pero well, gusto ko pa rin itong makita baka may mga kailangan na namang e upgrade sa lugar na yun. Si Manang kasi, mahirap man pero she's now with our creator. It's so sad na hindi ako nakadalo sa libing. I was stuck sa dami ng trabaho ko doon. Kaya masama ang loob ko na hindi ko Siya nasilayan kahit sa huling sandali ng kanyang buhay. Malapit Na akong mapaiyak dahil sa naiisip Kaya I turned on the radio, i don't know what station basta ang ganda ng kantang nakaplay. 'When you hold me in the street And you kiss me on the dance floor I wish that it could be like that Why can't it be like that? Cause I'm yours We keep behind closed doors Every time I see you, I die a little more Stolen moments that we steal as the curtain falls It'll never be enough It's obvious you're meant for me Every piece of you, it just fits perfectly Every second, every thought, I'm in so deep But I'll never show it on my face But we know this, we got a love that is hopeless?' Habang nakikinig ako sa song na ito, isang tao lang ang tumatakbo sa isipan ko. Kamusta na kaya siya?Silang dalawa? Napapangiti ako dahil sigurado malaki na ang aming baby boy. I missed them both. I wish na mayakap ko silang muli. Agent ako, anytime pwede ko silang makita but never na hinanap ko sila. Ganun ba ako kasama? Basta ko na lang silang iniwan at pinangakuan? Papa God, bahala ka na kung ano ang magiging tadhana ko. Naniniwala pa rin po ako sa inyong kakayahan. I let out a deep sigh. ?Why can't you hold me in the street? Why can't I kiss you on the dance floor? I wish that it could be like that Why can't we be like that? Cause I'm yours When you're with him, do you call his name Like you do when you're with me? Does it feel the same? Would you leave if I was ready to settle down? Or would you play it safe and stay? Girl you know this, we got a love that is hopeless? Sa kasarapan ng pakikinig sa nasabing music, damn it. Na pabilis pala ang pagmamaneho ko. And right there si Police officer nakasunod sa likuran. Damn! Pinatay ko ang radio, I pulled over on the side road and rolled my window down. Nakita ko siya sa side mirror, naglalakad papalapit sa car ko. "Lesensiya!" tipid nitong sabi. Wow! Wala man lang ibang sinabi. Kahit good morning miss, alam mo ba ang violation mo? Pero wala! For goodness sake. Kaya inabot ko sa kanya ang nasabing license ko. He looked at it then nakita kong nakakunot ang noo niya. He looked at me then on my license. Problema ng malaking tiyan na ito? Bakit? Hindi ba siya naniniwala sa nakasulat diyan? "Mawalang galang na po mam, siguro naman po alam niyo Kung Bakit ko kayo hinabol." Tumango naman ako. "Pero bakit po kayo nagmamadali may hinahabol po ba kayong dapat hulihin?" "Sir kung hindi mo din ako hinuli malamang naabutan ko yung hinahabol ko." Sagot ko sa kanya. "Pero hayaan mo na, mahuhuli ko din siya sa susunod." "Ay ganun po ba mam pasensiya na po, since first offence mo ito sige di na kita titikitan. Alam ko naman na alam mo ang mga ito. Lalong lalo na sa ibang bansa." Nakangiti nitong turan. Napangiti ako Sa kanya at tumango tango. Yes sanay po ako sa states na sumunod sa batas unless na lang may hahabulin kaming mga pasaway. "Salamat bossing. Mag ikot ikot na lang ako dito baka makita ko ulit yung hinahanap ko." Sumaludo naman ito sa akin saka hinayaan Na akong makaalis. WELCOME TO FAMILIA DEL MAR Ito ang makikita sa taas ng arkong gawa sa kawayan. Hindi basta basta makapasok ang sinuman sa lugar na ito dahil tanging kamag anakan lamang at malalapit na kaibigan ang pwedeng pumasok. Pagdating ng dalaga sa lugar may lumabas na nakaputing lalaki. Lumapit ito sa dalaga. "Mawalang galang mam, sino ang hinahanap nila?" Magalang na tanong ng guard. "Hello ako si YANA, kausap ko kanina si Mark, andito ba Siya?" Nakangiti nitong tanong. "Ay opo. Kanina pa po kayo hinihintay ng amo ko. Sandali lang po." Patakbo nitong iniwan ang dalaga upang buksan ang gate. Maya maya lang, bumukas ang kulay orange na gate ng dahan dahan at makikita ang malawak na front yard na pinapalibutan ng makukulay na mga bulaklak. Nakatayo ang isang malaking bahay. Malamang dito nag ipon ipon ang buong kamag anakan during holidays or any special event. Biglang lumabas ang kaibigang si Mark. Ang lapad ng ngiti ng makita ang dalagang palabas ng sasakyan. "Yow Bru, welcome back."Saka nagyakap ang dalawa at nag fist bump. "Hey Marky how are ya? Nice place huh. Never thought meron ka palang nakatagong paraiso." Biro ng dalaga sa kaibigan. "Well kung ikaw may nakatagong isla, ito naman sa akin. Hahaha." Sagot naman ng lalaki. "Oh halika, pakilala kita sa mga ibang ka tropa ko. Tara, dito tayo." Saka naglakad ang dalawa papunta sa likurang bahagi ng malaking bahay kung saan matatagpuan ang malawak na lupain nito. May mga pananim ng iba't ibang tropical fruits. Naka hilira ang mga nagkikislapang motor bike. "Everyone, I'd like you to meet my very good friend Yana, she just arrived from the states. Wait, aren't you tired? Jetlag maybe?" worried na tanong sa kaibigan. "Nah I'm good. I'm used to it Mark." Sagot ng dalaga saka lumapit isa isa sa mga kaibigan ng lalaki at nakipag kamay na rin. "Hey bru, try this new baby of mine. You'll definitely gonna love it."Lumapit naman dito ang dalaga saka hinimas himas ang halos wala pang gasgas na motor bike. Sumakay dito si Yana ng may ngiti sa kanyang mga labi. "Wow, this is soo cool bru. Saan mo binili ito? I like it, I mean I really love it." "Lahat nang ito, isang lugar lang ang pinagkunan namin. If you're interested give me a call and I am happy to take you there. Madami kang mapagpipilian." "Whoah, Mark akala ko she's your girl na." sambit ng isang lalaki. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito. "No, this girl here, my baby sister. Kapag may sumubok dito na manakit, kahit sa butas ng karayom susundan ko sila. Right bruh?" "At kapag may sumubok din na manakit sayo, kahit makarating pa kami ng impyerno, susunod ako para sayo bruh." Sagot naman ng dalaga. "Okay. Behave na kami. Katakot naman pala itong akala namin eh goddess. Hahaha!!" At muli pa silang nagkwentuhan hanggang sa nagdesisyon na ang dalagang kailangan na niyang makaalis habang mataas pa ang araw. Sumakay ang mga ito sa kani-kanilang motor bike. Nakiangkas naman si Mark sa kaibigan nito at hinayaang si Yana ang magmaneho sa bike nito. Nang makarating sila sa lugar kung saan nakaantay ang chopper, mabilis na nagpaalam si Yana sa kaibigan at sumakay sa chopper papuntang isla. Nagbilin naman ng kung ano ano ang lalaki sa magpapalipad ng nasabing chopper. "Bru, make sure na ibalik mo ang babaeng ito dito sa tahanan ko ha. Sige na, be careful you guys." Saka tinapik sa balikat ang nasabing lalaki. Binalingan ang ngingisi ngising dalaga, binigyan naman ito ni Yana ng isang pag irap na ikinangiti na din ng kaibigan. Mark gave her a hand salute saka nagbabye sa dalaga. Gumanti naman si yana ng isang blow kiss in her sexy way. They were both laughing. Saka lumipad na ang nasabing chopper lulan ang dalaga. ***** LUSSO PARADISE Makalipas ang ilang sandali, narating nila ang isla. Mabilis na umibis ang dalaga saka nilibot ang paningin sa buong paligid. Sobrang ganda pa rin ng nasabing lugar. Kung noon, punong puno ng tawanan at halakhakan ang lugar ngayon, tanging ang ingay ng dalampasigan at alon ang maririnig. Wala na yung matitilis na boses ng batang maliit. Parang nakikita pa ni Yana ang batang masayang nagpapahabol sa dalawang babae. Pilit naman na ngumiti ang dalaga habang binabaybay ang daan patungo sa bahay nito. Sinalubong ito ng babaeng kaedaran niya rin. Kasunod ang asawa nito na siyang namamahala sa pagkumpuni sa mga sirang gamit sa isla. Meron din silang speed boat in case of emergency, madali lang silang makarating ng bayan. "Mam Yana, magandang hapon po." Bati ng babae sa dalagang amo. "Magandang hapon naman sayo Bella. Oh andito din pala si Angelo. Akala ko nangisda na siya." Sambit ng dalaga. "Mamaya po mam. Medyo may kataasan pa ang araw. Pero marami po kaming nahuli kahapon mam. Pwede niyo po dalhin." Masayang wika ng lalaki, nasunog na yata ang balat sa kakabilad sa araw. Wala pa silang anak. Kaya dalawa lang sila ang naninirahan dito. Minsan nagpupunta din ang ilang kamag anakan nila at nakakarating naman ito kay Yana. "Ay naku gustong gusto ko yan. Meron ba kayong mga kailangan dito?Mga dapat ayusin sa bahay?" nasa loob na sila ng kabahayan. Pinag susuri naman ni Yana ang buong silid. "Wala naman po mam. Inaayos naman ni Angelo ang mga dapat ayusin. Kumpleto pa rin naman po kami sa pangangailangan dahil nagpupunta naman sa bayan si Angelo. Minsan sa dami ng kanyang nahuli, dinadala niya ito sa bayan para ibenta." Kwento ng babae. "That's a very brilliant idea. Kasi kayong dalawa lang dito. Bakit hindi mo yayain ang mga magulang mo Bella para may kasama kayo dito. Lalo na pagdating ng araw na may mga anak na kayo." Suhestyon ng dalaga. "Napag usapan na namin yan ni Angelo mam. Baka po luluwas kami para sunduin ang dalawang matanda. Since wala na din doon si Lola,wala na silang aalagaan pa. Kaya mas mainam po na andito sila. Mas makapag relax po sila dito at malayo sa mausok na lugar." Tumango tango naman si Yana. Habang inilalabas ni Angelo mula sa freezer ang mga nahuling isda at inilalagay sa isang cooler. Si Yana naman pumasok sa silid kung saan dito nabuo ang isang lihim na pag ibig. Ganito pa rin ang ayos. Maging ang kanilang litrato. Kinuha niya ito at tinitigang mabuti. Napapangiti habang nakatingin sa mga labi ng dalaga. Saka binalingan ang isang litrato kung saan karga karga niya ang bata habang kapwa silang tulog. May biglang ilang butil ang nahulog sa kanyang mga mata. Napahikbi ito. She's blaming herself for giving up on the person she's secretly in love. Bakit naging duwag siya sa ganitong bagay? Ito ang kanyang naitanong sa kanyang sarili. Guilt is killing her. Humiga ito sa kama habang nakapikit at nilagay sa dibdib ang kanilang litrato. Sobrang miss na niya ang dalawa.Natatawa ito sa picture ng batang nasa ilang buwan pa lamang. Ilang saglit lamang at ito'y dinalaw na ng antok hanggang sa siya'y nakatulog. Ilang oras ang lumipas, lumabas ito ng silid. Nakita niyang nag uusap ang mag asawa kaya Nakipagkwentuhan siya sa mga ito. Pinaghanda naman ito ng makakain at maiinom ng mag asawa. Nang masigurong wala namang gaanong problema sa isla, nagpaalam na ang dalaga sa mag asawa upang bumalik ng Manila. Hinatid naman ito ng mag asawa sa nag aantay na chopper. Matapos magbilin ng kung ano ano, nagpaalam na ito saka mabilis na umakyat sa chopper. Kumaway naman ito sa dalawa saka mabilis na nilisan ang kanyang paraiso na pinangalanan niyang STAIRWAY TO HEAVEN. ALEXIS POV Nasa loob na kami ng nasabing club, sobrang ingay. Shunga lang, wala namang club na tahimik. Baka lamayan ang napuntahan ko noon. Natatawa ako sa sarili ko habang naiisip ko ang sinasabi ko. Nagsimula na ring maging malikot ang mga mata ko. Of course, andito kami para magmanman. Kailangan ko memoryahin ang pasikot sikot sa lugar na ito. Suot ko ang dalang damit ni Rebaldo na sobrang hapit sa katawan at may kaiksian, nakasuot din ako ng malaking mascara na mariposa. Tanging mata ko lang ang makikita, ilong at ang labi. Marami ang napapalingon sa amin ni Rebaldo, pero pinilit kong huwag magpahalata otherwise bulilyaso ang lahat ng plano namin. Pumunta kami sa may pinakadulong table bitbit ang aming inumin. Ako naman, ginagalugad ng mga mata ko ang lahat ng bahagi ng bar. May mga pintuan, yun ang gusto kong malaman at alamin. Naging malalim na ang gabi, maraming mga kalalakihan ang pumasok. Pero tumuloy ang mga ito sa isang nakasaradong pintuan. Iyon ang gusto kong malaman. Maraming kabataan na din ang nagsidatingan. Mukhang may ibang nagaganap sa loob ng mga kwarto na ito. Sa labas akala mo ordinaryong club lang siya pero may hidden activities na nagaganap sa loob. May mga sumasayaw sa gitna, masyadong bata pa ang mga ito. Malamang hindi pa umabot bente. Pumunta kaming dalawa sa bar at umorder ng maiinom. Dala ng uhaw mabilis ko itong naubos. Umorder ulit ako, this time medyo slow lang muna. Baka kasi instead na mag imbestiga,nakatulog na pala ako. Nakita ko naman ang katabi ko halos di na kumukurap sa mga nakikita niyang sumasayaw. Sus, lalaki nga naman kahit anong tino kapag may nakitang grasya nawawala sa katinuan. Nasaan na yung sinasabi nilang "Pangako ikaw lang ang nakikita ng mga mata ko." Tarantado! Pasensiya ulam ko ampalaya kaya medyo mapait ang dila at panlasa ko.Naging malikot na ang mga mata ko ng magsidatingan ang ilan pang grupo. Kagaya ng unang grupo, ganun din ang ginawa ng sumunod na grupo. Pumasok din sila sa isang kwartong nakasarado. Tumayo kami ni Rebaldo at pumunta sa dance floor. Lintik, mukhang napadami ang nainom ko ah. Ang dating tuwid na daan pakiramdam ko naging baluktot. Oopppsss, lintik na takong. Dagdag pa itong suot ko na halos makita na ang kagubatan ko. "Inspektor, mukhang hindi na tuwid ang lakad mo ah." Puna niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi kasi tuwid ang dinadaanan ko at yung pakiramdam ko." Yan may laman ang sinabi ko. "At huwag mo akong tawaging inspector baka may makarinig." Bulong ko sa kanya. Medyo nahimasmasan naman siya sa sinabi ko kaya napatakip ito ng bibig. "Oo nga pala.. Lets go honeydew, sayaw tayo. Ang ganda ng tugtugin." Aya niya sa akin. Jusko! Hindi ko alam kung paano ko ito gagawin. Hindi naman kasi ako mananayaw. Paano ko ba ipadyak yung paa ko na walang matamaan, o kaya ihampas ang mga kamay na walang mukhang mabasag. Bahala na si superman. Pwede naman siguro yung tatalon talon na sayaw, o kaya para kang may kalaban na zombie na nakikipag suntukan. "Whooo! Ahh hoooo yeahhh!" hiyaw ko at panay kumpas. Syempre dapat makita nila na sayaw ang ipinunta namin dito. Nasa gitna na kami ni Rebaldo kasabay ng ilang mga kabataang idad 18-25. Sus, alam kaya ng mga magulang nila na andito ang kanilang mga anak? Nagulat naman ako ng magsalita si Rebaldo/ Cherry. "Honey, ikaw ba sumasayaw o nagpupunas ng windshield?" ang hayup kung makalait. "Mas mabilis pa ang totoong wiper kesa diyan sa sayaw mo eh. Gayahin mo ako, ganito lang yan oh, turo ko sayo." Pagkasimula ng nasabing tugtugin todo bigay na si Rebaldo... I gotta feeling that tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good, good night ??A feeling that tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good, good night ??A feeling, woohoo, that tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good night That tonight's gonna be a good, good night!. Ayun po, diyos na mahabagin, kapag ito sumayaw sa damuhan para na siyang nag lawn mower, nakita ko din na umuuga an gang kanyang dibdib. DIBDIB???? Hay naku leche na lalaki ito, baka sa kakakumpas ng kanyang kamay bigla na lang magliparan kung anuman ang nilagay niya sa kanyang bra para magmukhang s**o. Pinanlakihan ko nga ng mata sabay nguso sa dibdib pero anak ng pitong gating, hindi niya yata na gets ang ibig kong sabihin kaya ang ginawa ko, nilapit ko sa kanya ang mukha ko sabay sabing... "Cherry, dahan dahan diyan sa sayaw mong hindi ko alam kung anong tawag sa steps na iyan. Mukhang lilipad na kasi." Pabulong kong sabi sa kanya saka ngumiti ng pagkalandi landi. Lumapit siya sa akin at bumulong din. "Dawalang siopao yan Honey. Hayaan mo sayo yung isa, akin din ang isa. Kainin natin after ng magandang tugtugin na ito. At least mainit init pa siya kapag kinain natin." ngingisi ngising sambit niya. Gusto ko naman maduwal sa sinabi niya. Pinanlakihan ko nga siya ng mata ko. Lecheng lalaki na ito. Makintab na din ang mukha nito na pwede nang gamitin pang prito ng tilapia. Dala ng nainom na alak, nakisabay na din ako sa sayawan at tugtugan. Bahala na kung tatalon talon, pakumpas kumpas, pasipa sipa. Sayaw pa rin siguro ang tawag doon. Nasa kasarapan na ako ng pagsasayaw ng biglang pinalitan ang nasabing tugtugin. This time tagalog at sweet. Yakap By Ogie Alcasid. 'Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap Parang ibong sabik sa isang pugad...' "Babe may I have this dance?"Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko at inaaya akong maisayaw at nang lingunin ko ito muntik na yatang mahulog ang s**o ko este puso ko ng mapagsino ko ang taong ito. No other than the goddess of all the goddesses... Si YANA! What?!!! Rewind please. Lingon ulit. Si YANA??? Nakailang lunok na ako ng laway ko. Parang natuyo ang buong ilog pasig. Nanginginig ang buong kalamanan ko. Lecheng dibdib ka! Tumahimik! "Hey baby may I have this dance?" Ulit niyang sabi na pabulong sa may bandang nape ko. Parang may mga dagang naghahabulan sa loob ng tyan ko. Her voice, that lovely voice. How can i forget such sweet voice of her. I don't know what she did to me basta nalang akong naging sunod sunuran sa kanyang mga pinagsasabi. Dinala niya ako sa gitna hawak ang aking braso. Nang dumantay ang kanyang mga kamay sa balat ko, parang may dalang kuryente na nanunuot sa buong kasuloksulukan ng aking katawan. Sobrang lakas ng pintig din ng aking puso. Humihiyaw sa sobrang kaba, o di Kaya sa sobrang tuwa?? "Relax, hindi ako nangangagat." Ano daw relax? Okay lang siya. Kung alam niya lang na halos himatayin na ako. She grabbed my hand and put it on her shoulder. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Mabuti na lang may kadiliman sa dance floor. Teka wala na yata akong naiintindihan sa kanta. 'Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan Na 'di pa dinanas ng sinuman.Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan Hindi na 'ko muli pang lilisan Dahil kung ikaw ang yakap ko, Parang yakap ko ang langit At yakap ko pati ang 'yong ngiti.' Nang hawakan niya ako sa beywang, hehehehe.. May kiliti ako diyan. Malandi! Sigaw ng mahadirang utak ko. Tseeee!! Shadap! kastigo ko sa utak ko. Tuwang tuwa ka naman di ba,ang landi!!! sasagot pa eh. Hmp. Goshh! Huwag mo akong titigan, dahil unti unti na akong netetenew. Para akong dinuduyan. Nagulat ako ng mas inilapit pa niya sa akin ang kanyang katawan. Ayun, nabundol niya ang aking dalawang active volcano. Stop torturing me Yana. Hmmm, ang bango pa rin niya. She lean closer to me and whispered. "Your lips reminded me of someone I knew from the past." Sambit niya. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Nakatitig lang siya sa akin. Saint Michael, Peter, John and all the angels in heaven. Tulungan niyo akong hindi niya makilala na ako ito. "By the way baby I'm YANA, what's yours?" s**t focus. Kailangan iba ang boses ko... Teka hindi ko na yata naiintindihan yung kanta ay mali kailangan hindi niya ako mabosesan. Think Alexis think... Okay this is it. "Mey nem is heney.(my name is honey)" Jusko, maniwala ka. Nakita ko siyang muntik nang matawa. "Sorry baby, what was that again?" Pinapaulit niya sa akin ang sinabi ko. "Serey miss mey nem is heney. (Sorry miss my name is honey."Nagkunwari akong lasing at kunwaring muntik napasubsob pero mas maagap ito. "Whoah. Are you okay baby?" tumango tango lang ako. Dinikit niya lalo sa akin ang kanyang katawan at pinagpatuloy ang aming pagsasayaw. Oh s**t Alexis wrong move. Hindi ko na kayang patagalin pang makipagyakapan sa kanya. Nanghihina na ang tuhod ko. Hinagilap ng mata ko si Rebaldo. Ang walang hiya may kausap na amoy lupa. 'Init ng 'yong halik, wala nang kasing init Yakap pa rin nito yaring isip Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan Hindi na 'ko muli pang lilisan Dahil kung ikaw ang yakap ko, Parang yakap ko ang langit At yakap ko pati ang 'yong ngiti.' Muli kong tinignan sa mga mata ang aking kasayaw. Nakatitig din siya sa akin. Teka, teka bakit para yatang bumababa ang kanyang mga paningin. Nakatingin na siya sa mga LABI KO??? Kinagat niya ang kanyang lower lip, then she licked it. Leche!! Is she trying to seduce me?? Dahil kung yun ang ginagawa niya, YASSSSS, nadadala na ako. Ughh! Makasalanang mga mata ko. Bakit ba napapasunod niya ako. Lumunok ako ng laway, tumingin ako ulit sa kinaroroonan ni Rebaldo, nasa bar ito at naghihintay ng kanyang inumin at paglingon ko sa aking kasayaw... deym!UUmmpphh.. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD