Chapter 4

4851 Words
Malungkot na tinatanaw ni Alexis ang mga wala nang buhay na mga kasama. Isa isa niya itong nilapitan at dinasalan saka sinaluduhan bilang paggalang sa kanilang katapangan. Bakas sa mukha ng dalaga ang matinding pagkabigo na hindi niya sila naipagtanggol. Kuyom ang mga kamao nito habang nakamasid sa paligid. Isa isa namang isinakay sa ambulansiya ang mga kasamahang nasugatan. Kasama na dito ang binatang si Brent Chavez. Nagmamadaling hinabol ng dalaga ang sasakyan upang kamustahin ang lagay ng kasamahan. "Hey, pasensiya na kung di man lang kita na protektahan." Seryosong wika nito. Napatawa naman ang binata at biglang napangiwi dahil sa tama ng bala. "Inspector, pulis ka hindi si super hero." Pilit itong natatawa kahit bakas sa mukha ang kirot. "Mas gustuhin ko pang ako ang mabaril kesa naman na ikaw. Nakahanda akong saluhin ang balang tatama sa katawan mo. Ayokong makita kang nasasaktan. Yun ang hindi ko matatanggap na " Madamdaming sagot nito sa dalaga. Bigla naman namula si Alexis dahil sa sinabi ng binata at nakatitig pa ito sa kanya. Hindi naman makatingin ng diretso ang dalaga sa mga mata ng lalaki kaya nagkunwari na lamang itong sumulyap sandali sa iba pang kasamahan. "Oo na hindi na ako si super hero. Pero hindi ko pa rin matanggap na may nabawas sa kasamahan natin tapos ikaw may sugat. Mabuti na nga lang at hindi ka napuruhan. Mag lintik sila. Basta magpagaling ka ha, mas mainam pa rin na nasa office ka at least may mapagtanungan ako. Sige inspector maiwan na muna kita. Asikasuhin ko muna ang iba pa nating mga kasamahan. Dadaanan kita sa hospital kapag tapos na duty ko bukas." Paalam nito sa binata na tanging isang pagtango at pagngiti ang tanging naisagot nito sa kanya at lumapit sa kanilang hepe. "Chief, wala bang balita sa mga nakatakas?" tanong sa hepe habang ang mga mata nakatanaw sa mga swat team na masusing nag iimbestiga sa nasabing encounter. May mga taga media at mga taong nag uusyuso. Sinagot naman ng kanilang hepe ang kanyang tanong ng isang pag iling. Lalong nagngingitngit sa galit ang dalaga. Madalas itong napapabuntong hininga. Hindi makapaniwala sa kanilang sinapit. Nagulat ito ng tinawag ang pangalan niya ng kanilang hepe. "Miranda! Gusto kong ikaw ang humawak sa kasong ito. Alamin mo kung sino ang traydor na nagtip sa mga nag ambush sa inyo. Malakas ang kutob ko na may isa tayong kasama na galamay ng mga nakalaban niyo." Giit ng nasabing hepe. "Yes chief. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko malaman ko lang kung sino sa mga kasamahan natin ang traydor." Walang ka emosyong sagot sa kanilang hepe."Yun din ang nasa isipan ko kanina bago kami umalis ng headquarters, ramdam ko na may masamang mangyayari pero pinagsawalang bahala ko lang dahil ayoko namang magkamali." "Hinding hindi talaga sila titigil. Kaya kailangan na rin nating maging mapagmatyag sa paligid. Mag-iingat ka Miranda dahil alam ko ikaw ang kanilang tinatarget dahil sa pagsira mo sa kanilang mga plano at operation ng droga. Handa silang pumatay ng inosente." giit ng kanilang hepe. Sandaling natahimik ang dalaga dahil sa sinabi ng kanilang hepe. Oo ilang malalaking operasyon ng droga na ang kanyang nasira, ilang malalaking tao na ang kanyang naipakulong pero hindi pa rin sila naubos ubos. Bumuntong hininga na lamang ito. Ilang sandali pa sumaludo ito sa kanilang hepe saka tumalikod upang kausapin ang kasamahang si Rebaldo na panay kalikot sa cellphone nito. Nagulat naman ito ng marinig ang boses ng dalaga. "Rebaldo, anong balita? Anong sabi ng mga nakausap mo?" tanong sa kasama ngunit nasa paligid ang mga mata nito at nakikiramdam. "Nalusutan ang checkpoint ng mga hinayupak." Nanggigil na sagot Sa dalaga. "Kung saan man sila nagkukuta, oras Na para puksain Ang kanilang kasamaan. Hindi dapat sila hayaang mamuno dito Sa mundo." Inis Na sambit hanggang sa may nagtext. "Si Inspector Chavez nagtext na huwag na tayong mag-alala dahil safe na daw siya. Maging ang ibang kasamahan natin na may mga tama, ligtas na sila. May naririnig akong usap usapan kanina habang nag iimbestiga ako, grupo ni Lil Johnny ang nakalaban natin. Tauhan nila ang dalawang nahuli natin. Napatay natin ang isa, nakatakas pa yung isang nasa kamay natin." Salaysay nito saka napahilamos sa mukha sa sobrang pagkabigo na maisalba sana ang mga kasamahan. "Hayaan mo Rebaldo hindi din magtatagal ang mga hayop na yun.Hayaan muna natin silang manalo sa laban na ito. Sa susunod na mag cross ulit ang landas namin ng Lil Johnny nay an, sisiguraduhin ko na hindi na siya sisikatan ng araw." Madiing turan nito sa kasama. Walang bakas na anumang awa. Nasa dibdib ang poot at paghihiganti. "Ano ngayon ang plano mo?" tanong ng kasama. "Alamin ang lungga ng mga daga. Tawagan mo ang isang bata natin, alamin mo kung ano na ang balita doon sa pinapasundan natin. Magtanong tanong muna ako dito sa paligid. Makiusyuso sa mga tao baka may masagap tayo." Tumango lang ang lalaki. Si Alexis naman naglakad lakad. Binalikan ang lugar kung saan niya hinabol ang dalawang suspect. Bawat sulok tinitignan, lahat inaalam. Bawat bagay na pwedeng makapagturo sa kuta ng mga sindikato inaalam niya. Sa kakalakad niya nakarating ito sa may kabilang kalsada. Dito niya huling nakita ang sasakyan. Dito nagtago ang iba upang hintayin ang dalawang bihag. Sa kasamaang palad, namatay ang isa. Lots of empty bullets can be seen on the ground. May mga numero ito. May mga taga SOCO nagkalat sa paligid, maging mga taga pagbalita naroon din. Sigurado siyang makikita na naman ang mukha niya sa tv. Dito siya nagiging sikat dahil sa pakikipagbakbakan niya sa mga kalaban. Naisip niyang sermon na naman ang aabutin niya sa ama ng kanyang anak. Napailing ito sa kanyang sariling isipan. Kailangang masugpo na ang sungay ng mga walanghiya bago pa sila makapanakit ulit at meron na namang magbuwis ng kanilang mga buhay. Biglang dumating ang kasamahang si Rebaldo. Agad niya itong pinaulanan ng katanungan. "Anong balita? Alam na ba niya kungvsaan sila matatagpuan, anong oras sila naroroon at kung-" hindi na niya nasabi pa ang iba sapagkat pinutol na ito ng kasamahan. "Inspector relax ka nga muna masyadong kang HOT." Nasa tono nito ang pagbibiro. "Wala na akong panahon para mag relax Rebaldo! Gusto kong matapos na ang misyon na ito at matahimik na ang buhay ko kasama ng anak ko! Ngayon sasabihin mo ba sa akin o ako ang magtatanong sa informant natin?" seryosong tanong sa kasama. "Tsk! Oh ito yung address ng club na madalas puntahan ng kanilang lider. Bagong bukas daw yan. Sa umpisa medyo okay pa ang palabas pero pagdating ng kalaliman ng gabi naging malaswa na ang pinapalabas. At ito pa puro menor de idad ang mga babae diyan. Ano nga ba Ang lintek Na pangalan ng club?? Basta may langit." Pagbabalita nito. "Langit?? Heaven? Parang narinig ko Na yan ah. At saka, ANO! Mga BATA?! Talagang mga hayup sila. Sinisira nila Ang kinabukasan ng mga bata." hindi makapaniwala sa narinig mula sa kasama. Naglakad lakad pa sila habang pinag uusapan ang mga gagawin ng may mapansin sa may bandang damuhan si Alexis. Pinulot niya ito. A crumpled piece of paper. Tiningnan nila ito at nakasulat doon ang isang address at direction how to get there. Nagkatinginan silang dalawa. "Sa tingin mo may kaugnayan ito sa mga hinayupak? Parang hideout. Hindi matao Ang lugar Na ito. Malalayo Ang bawat kabahayan. Matataas Ang pader. Gusto mo check natin?"tanong sa kasamahan. Hindi naman alam ng lalaki kung ano ang isasagot maliban sa isang pagkibit balikat nito. "Walang masama kung puntahan natin ang lugar na nakasulat diyan para sigurado tayo. Tapos pwede din natin pamanmanan ang lugar kapag negative di ba. Doon muna tayo magmanman sa bar. Alamin ang kanilang bawat galaw. Saka natayo kikilos kapag kabisado na natin lahat." suhestyon nito sa dalaga. "Aba Rebaldo, medyo nagkaron na ng saysay yang utak mo ah. Uminom ka ng maraming gatas ano? Sabagay tama ka. Wala naman masama kung alamin natin ang address na ito. Pwede kaya natin puntahan mamaya? May ibang lakad ka ba after ng duty mo dito?"pagbibiro sa kasama, kakamot kamot naman sa kanyang batok ang lalaki. "Inspektor naman masyadong hard. Pero wala naman akong planong puntahan. Bali dadaan siguro ako kay Inspector Chavez. Kung gusto mo na mamaya natin puntahan ang address na iyan sige." "Dadaan muna ako sa hotel kung saan naka stay si Tyler. Andun kasi si Tim. Tsk sigurado hindi bala ang sasalubong sa akin kundi sermon ng lalaki na yun." "Syempre worried din sayo si pogi. Paano na lang kung mawala ka, yang anak mo baka maltratuhin ng magiging misis ng ama ng anak mo. Kawawain, yung mga ganun. Minsan ang mga madrasta masyado din lalo na kung mapera ang lalaki di ba. Parang kagaya sa mga pinapanood ko." "Subukan lang nila, dahil bago nila gagawin yun naunahan ko na sila. Walang sino man ang pwedeng manakit sa anak ko dahil kung meron man hahabulin ko sila kahit makarating pa kami ng impyerno." turan ng dalaga sa kasamahan na ikinatahimik nito. ****** KINABUKASAN Habang nagroronda ang magpartner, naisipan nilang tumambay muna sa may isang malapit na tindahan. Masyadong mainit ang panahon kaya madali silang makaramdam ng uhaw. Sakay ng kanyang motor si Alexis at police car naman ang kay Rebaldo, pumarada ito sa isang tabi. Bumili ang mga ito ng softdrinks at crackers. Nakaupo sa kanyang motor ang dalaga, samantalang sa hood ng kotse si Rebaldo. "Uy Rebaldo nabalitaan mo ba yung bagong modus na naman ng mga sindikato? Nangingidnap ng mga bata. Tapos kunin ang kanilang mga body parts para ibenta. At meron pa, magnanakaw ng mga mamahaling alahas tapos doon itago sa loob ng kabaong, pagkatapos Isinasakay daw ito sa itim na sasakyan na mukhang hearse daw. E paano natin malalaman na yun nga ang magnanakaw di ba?" kwento sa kasama sabay sipsip sa softdrink nito at kagat ng kanyang bisquit. Napaisip naman ang kasama. "Hmmm. May punto ka diyan. May naisip ako na makakatulong sa atin tungkol sa bagay na iyan. Malalaman natin ang sasakyan dahil sa plate number nito." Sagot nito sa kasama. "Mukhang malabo, alam mo bang pwede silang magpalit niyan para hindi sila ma trace." Nasa kasarapan ng kwentuhan ang dalawa ng magradyo ang kanilang dispatch. 'Bravo 1! Bravo 1, may namataang itim na sasakyan ang umaaligid sa may kalye DI MAHANAP .May nagreport na pinasok nila ang Jewelly shop. Inform me kung sino ang malapit sa lugar over. Team Genius! Team Genius! (Alexis and Rebaldo) malapit ba kayo sa area? Over." "Ten-four. Malapit lang kami sa area. Kami na ang reresponde. At tutulong sa pag imbestiga. Over and out." Sagot naman ni Rebaldo habang nasa tabi lang ang dalaga at nakikinig. Pagkatapos makausap ang nasa kabilang linya, nagtanguan ang dalawa. Dali daling sumakay sa kanyang motor ang dalaga at pinasibad ito. Sumunod ang naka police car na si Rebaldo. Pagdating sa area nakita nilang madaming tao ang nandoon. Even on the broad day light nagawa pa nilang looban ang nasabing tindahan ng walang kapagod pagod. Pagkatapos magsagawa ng kanilang imbestigasyon at makapagtanong sa paligid, pumunta ang dalawa sa kani-kanilang sasakyan. "Hindi kaya andito pa ang mga yun sa paligid at nagmamatyag? Ano kaya kung mag ikot ikot muna tayo marahil hindi pa nakakalayo ang mga yun. Dito ka dumaan at doon naman ako sa kabilang eskinita. Magtawagan na lang tayo Rebaldo." "Sige Inspektor. Mag-iingat ka." "Salamat. Ikaw din." saka mabilis na sumakay sa kanilang nakaparadang sasakyan upang Paikot ikot na silang dalawa sa nasabing lugar hanggang sa may namataan ang magpartner na itim na sasakyan at mabilis ang pagtakbo nito. Mukhang kaparehas ng description sa mga nangunguha ng bata. Hinabol ito ng dalawa. Hanggang sa naghiwalay ang magpartner. May time na nawawala sa kanilang paningin ang nasabing sasakyan. Kung saan saan kasi ito dumadaan. Dumaan sa kabilang eskinita si Alexis samantalang nakabuntot lang ang lalaki. Hanggang sa lumiko ang sasakyan sa maliit na eskinita, liko sa kanan, kaliwa, paikot at kung ano anong klaseng lugar ang pinagdadaanan nito. Hanggang sa mawala sa kanyang paningin. Ngunit hindi ito tumigil sa paghahanap hanggang sa namataan niya ito sa isang pribadong sementeryo. Napangiti naman ang lalaki ng muli niya itong makita. Dahan dahan niya itong nilapitan. Umupo muna ito sandali sa medyo malapit na tama lang para marinig kung ano ang kanilang pinag uusapan. Isang lalaking nakaitim ang nagsasalita at nakatalikod. "Walanghiya! Dito pa talaga kayo nagkukuta sa SEMENTERYO?! Pinagod niyo ako ah." sabay lapit nito sa nakaitim na lalaki. Ang pastor. Ang mga tao sa paligid hindi nakapagsalita sa takot na baka mabaril ang mga ito. "Matagal mo na ba itong gawain." tanong sa pastor na ikinatango naman nito. Ngingisi ngisi naman si Rebaldo. "Ang galing niyo din magpanggap. Pinagod niyo pa ako sa kakahabol sa inyo eh dito lang pala kayo pupunta at pag usapan kung anong gagawin niyo sa lahat ng alahas na pinagnanakaw niyo!" "A-alahas?" "Anong alahas ang pinagsasabi niya." Ito ang maririnig mula sa mga taong nakamasid sa paligid. Punong puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha. Maya't maya lang lumapit sa may kabaong at biglang umupo saka kinatok katok ni Rebaldo Ang nasabing kabaong. "Hmmm. Madami ba kayong nakuha? Siguro milyon ang makukuhang pera niyo dito. Tok Tok Tok!" saka inilapit pa ang tenga nito sa kabaong habang kinakatok gamit ang kanyang baril. Napapa ahhh naman ang mga tao dahil sa inakto ni Rebaldo. Ang ilan sa kanila napapa sign of cross. Biglang may nagsalita sa kanilang likuran. Si Alexis. "Ba-Basilio, kanina pa ako paikot ikot sa paghahanap sayo. Andito ka lang pala. I-ibaba mo na yang baril barilan mo baka pumutok masasaktan sila di ba. Gusto mo ba na may masaktan sa kanila?" seryosong tanong ng dalaga na ikinataka naman ni Rebaldo bakit ganun ang pananalita ni Alexis. "Pasensiya na po kayo. Ako po ang kanyang caregiver at ahm nalingat lang po ako sandali dahil puputok na ang panubigan kokaya iniwan ko muna siya ng saglit pero pagbalik ko wala na siya doon sa pinag iwanan ko kaya ayun hehe tinakasan ako at dito pala siya napunta. Dati po siyang pulis kaya akala niya nasa misyon na naman siya. Pasensiya na po kayong lahat sa abala. Basilio, akina na yang baril mo." Nakuha naman ni Rebaldo ang palabas ni Alexis dahil na rin sa mga gestures ng dalaga kaya sinakyan naman ito ng lalaki. Dahil sa alam na niyang may pagkakamali na ito Kaya nakisabay ito sa drama ng kasama. Dahan dahan naman itong inaabot ng lalaki ang kanyang baril sa dalaga. Pagkatapos dahan dahan itong naglakad papunta sa kinaroroonan ng babae at nagsalita ng parang bata. "Guto ko bili mo ko ng i-tream(ice cream)" turan ng lalaki na panay kindat. Ngumiti naman ang dalaga saka tumango. "Of course bibili tayo ng maraming ice cream. Di ba gusto mo ang CHOCOLATE?" "Yeppeeeyyyy...I-tream talap talaapppp!" "Oh halika na bibili tayo ng ice cream at kailangan mo pa uminom ng gamot. Magbabye ka na sa kanila." "Paalam na ta inyong lahat. Talamat po. Bili kami i-tream! Yetttt! i-tream!i-tream!" saka mabilis na naglakad palayo. "Bilisan mo ang paglakad mo leche ka!"pabulong na sabi ng dalaga. "Ito na nga binibilisan ko na ang paglakad." sagot ng lalaki habang kumakaway sa mga taong nakatingin pa din sa kanila "Oh tapos na ang palabas. Goooo!Takbo na!!." "Bilissssss.. Goo!! Runnn!!" Parang hurricane sa bilis ang dalawa. Tumakbo ito papalabas ng sementeryo. Sa sobrang kahihiyan, mabilis na nilisan ng dalawa ang sementeryo. Samantalanang sobrang sama nman ng tingin ng dalaga sa kasama. Kung nakakamatay lang ang mga titig ni Alexis malamang nilibing niya na rin ang katawan ng lalaki dahil sa mga kapalpakan nito. Binatukan niya ito sa sobrang inis dahil sa ginawang kapalpakan na naman. Unsolve case na naman ang ninakawang jewelry shop. ************* Alas sais ng gabi, parehong naghahanda Ang magpartner upang puntahan at magmanman Sa nasabing club. Napag desisyunan ng dalawa Na itago Ang kanilang mga totoong image. Pabalik balik naman sa nasabing silid si Alexis habang hinihintay Ang kasama dahil inutusan niya itong magdala ng kanilang isusuot. Pinag iisipang mabuti ang bawat hakbang na gagawin. Maya maya nakarinig Na ito ng mahinang katok Sa pintuan. Dali Dali niya itong pinagbuksan. "Akala ko Hindi ka Na darating o kaya nakatulog ka Na. Oh nasaan Na Ang mga pinapakuha ko sayo?" Nakanguso Na tanong Sa kasama. "Grabe ka naman Inspektor, nahirapan Kaya akong mamili Kung ano Ang para sayo. Kaya Ayan Bahala ka Na Kung okay ba yan sayo." Sabay abot ng dalang plastic bag. Kinuha namna ito ng dalaga at tiningnan Ang dala ng lalaki. Bigla naman nanlaki Ang mga mata ng makita Ang pinamili nito.O_O "REBALDO! Bakit ganito Ang pinagbibili mo? Para Na akong stripper Sa mga kasuotan Na Ito ah? Leche! Ayoko niyan! Ang iksi ng skirt, kunting galaw ko Lang Aba KITA Na Ang langit. At itong pantaas, makakahinga pa ba ako dahil parang Ang liit at hapit Na hapit Sa katawan ko. Ano ba naman yan. Tapos black boots na may mataas na takong? Makakalakad pa ba ako nito?" "Inspektor Kaya nga iyan Ang pinagdadampot ko Kasi naisip ko, mas okay yan Na pang disguise. At saka madami kang pagpipilian diyan sa mga pinagdadala ko, mamili ka na lang. Bilis na para makarating tayo doon ng mas maaga. Kailangan natin makahanap ng pwesto na malapit sa mga suspect. May maskara diyan na mata mo lang ang makikita. Okay na yan para di sila makahalata. Sino Ang mag aakala Na pulis ka. At saka Ang baril pwede mo naman itago Sa ano mo..." Hindi Na natapos ng lalaki Ang sasabihin dahil padabog Na itong hinablot ng dalaga saka mabilis Na pumasok Sa isang silid upang makapagpalit. Makalipas Ang ilang sandali Lumabas Na Ito ng kwarto at nakabihis na. Halos nanlaki naman ang mga mata ni Rebaldo sa nakitang tranformation ng kasama. O_O "Pucha!! Inspektor ikaw Na ba iyan!? Hahaha!! Hindi KITA na kilala ah. Sigurado madami magkakandarapa sayo doon para matable ka!" Nilabas Ang pitaka saka nakakunot Ang noo Na waring nag iisip. "Anong sinisilip mo sa pitaka mo? Bakit madami ka bang pera?" "Tsinik ko Lang Kung kasya Ang pangbayad ko sayo. Ako na lang ang magtatable sayo inspektor." Ngingisi ngisi nitong sagot. Pinanlakihan naman ito ng mata ng dalaga. "Hoy nangarap ka ng gising. Ikaw ang huling itable ko kapag wala na akong makuhang matino. Pwede na kitang pagtyagaan." "Wow! Sa gwapo kong ito! Aba maraming naglalaway sa katawan ko. Hindi mo lang nakita." pagmamayabang ng lalaki. "Baka noong hindi pa uso ang technology hahahhaha!! Pwede ba Ikaw magbihis ka na din. Magsuot ka ng kasuotan na hindi ka makilala na pulis ka. Meron akong dala para sayo. Kaya Gora ka na sisteret...Promise bagay na bagay sayo yung dala ko para sayo." sabay kindat ng dalaga sa lalaki at ngumiti ng nakakaloko. Nagkasundo kasi ang dalawa na ang dadalhing kasuotan ay para sa isat isa. Habang tinitingnan ni Alexis ang sarili sa salamin may biglang tumili. "Inspektorrrrrrrr!" Tawa ng tawa si Alexis sa harap ng salamin. Alam niya na ang dahilan. "Bilisan mo na ang arte eh. Dali suot mo na yan. Ayoko ma late." ngingisi ngising sagot nito. "Ayokong magsuot ng pambabae! Hindi ko kayang isuot ito!" "Gusto mo mabuko tayo at once nalaman nilang pulis tayo gusto mo sumayaw sa bala? Kung mahal mo ang buhay mo at gusto mo pang makakita ng bukang liwayway isuot mo na yan. Pwede bilisan mo na!" sigaw ng dalaga sa sala. "Ahhh! Bwesit na buhay to!" ang tanging sagot ng lalaki mula sa loob ng silid. Makalipas ang mahigit limang minuto, lumabas ang naka itim na mini skirt na si Rebaldo, may black tights, black boots, naka red tube ang pang taas at sinuotan ng itim na black leather jacket at may pocket sa loob na pwede sukbitan ng baril, nagsuot din ito ng kulay brunette na wig na hanggang balikat. Halos sumayad naman sa sahig ang nguso nito. Lumapit dito ang dalagang pinipigilan ang sarili sa pagtawa at nilagyan ito ng lipstick, face powder at blush on. "Wow! Tara partner selfie tayo!" excited na turan ng dalaga. Sabay lapit naman nilang dalawa sa isa't isa at nag selfie selfie. Nakailang shot din sila sa kanilang mga sarili. Are you ready to kick some ass tonight Cherry?"taas kilay na tanong ng babae Na ngingisi ngisi. "I'm ready pakner este ano tawag ko pala sayo?" Tanong Sa kasama. Nag isip naman sila. "Ah alam ko Na call me honeydew. Di ba Ang ganda." Nagpuppy eyes pa Ang dalaga. "Let's go honeydew. Ay naalala ko na, STAIRWAY TO HEAVEN Ang name ng club." Exclaimed Rebaldo. Saka nagpakimbot kimbot ng lakad hanggang sa... "Arayy!" Sigaw nito ng mawalan ito ng balansi dahil Sa Taas ng takong Na suot nito.  Pigil naman Ang tawa ng dalagang nasa likuran. ********* YANA POV Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko mula states. Pinadala ako dito para tumulong sap ag investigate sa isang kaso. Ayoko man pero ako ang parating napipili everytime na nangangailangan ang pilipinas ng tulong mula sa aming agency. Tamang taman naman na kailangan ko din imbestigahan ang kaso tungkol sa RTC nap ag-aari nina Trixie at Alex. I can't say no to these people dahil malapit ko silang kaibigan. Kaya labag man sa loob ko ang pumarito, wala na akong magagawa. Nasa claim baggage area ako at kinuha ang luggage ko. Habang papalabas ako ng lobby ng airport bigla akong nakaramdam ng kaba. I don't know why pero ang panget ng pakiramdam ko. Naghihintay na ako ng sundo ko ng malingat ako sa isang newspaper stand. Kumuha ako ng magazine at nagbasa muna while waiting for someone to pick me up. I returned the magazine and picked up the newspaper. It was something ambush. Police na inambush sa daan. I was about to turn the page about that news ng dumating ang sundo ko. "Hey Yana babe. Welcome back! Or welcome home?" salubong sa akin ng super hottie na si Jade. Dating kaibigan at kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Magkasundo kami pagdating sa taong gusto dahil kagaya ko, babae din ang gusto niya. "Looking great babe. Tagal mo naman akala ko nakalimutan mon a akong puntahan dito." Reklamo ko sa kanya habang niloload namin sa sasakyan ang bagahe ko. "Huwag ka na magtaka dahil po nasa Pilipinas kana." Natatawa niyang sagot. "Naku, yang excuse mo super old na, lame pa. Hahahaha! Nambabae ka lang eh." Tukso ko sa kanya. Hinampas naman ako sa balikat. "Bakit pa ako titingin sa malayo kung andito ka naman.Hahhaha!" alam ko biro lang ang lahat. Ganito kaming dalawa kung mag usap akala mo may namumuong peg-ebeg pero ang totoo wala. Kasi magkaiba kami ng taste pagdating sa babae. At kung ano man iyon sarilinin ko na lang. Pagkapasok ko sa passenger seat and buckled myself up, I put my aviator dahil sa masakit ang mata ko sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. I rolled my window a bit para makapasok ang hangin, but I guess wrong move kasi mainit din ang hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan. Gosh, parang gusto ko nang bumalik sa New York agad agad. Ramdam ko na ang pag usad ng sasakyan, nasa labas ng bintana ang mga mata ko. Ilang taon na din ang nakalipas nang nilisan ko ang lugar na ito. Kung hindi lang ako pinakiusapan ayoko nang bumalik dito. Wala na talaga akong mukhang ihaharap pa sa taong pinangakuan ko. How stupid of me leaving her all by herself. Yana, Yana, Yana. Hindi ka na nga dapat magpakita pa sa kanya. Dahil sa lamig na tumatama sa buong kalamnan ko at sa bawat pag uga ng sasakyan na pakiramdam ko ako'y dinuduyan, nakaramdam ng pagod ang mga mata ko. ~~~~DREAMLAND~~~~ "Ewan ko ba kung bakit ako umibig sa isang katulad mo na ang puso'y umiibig lamang sa lalaki at hindi sa aming mga babaeng may puso ng lalaki. Pinilit ko na huwag mahulog sayo pero wala. Hay suwail kasi itong puso ko dahil sayo pumintig. Kaya ayan Mahal ka na daw niya. Parang kagaya sa kanta, every day I love you." "Ahhhhh!! Yanaaaaa!! Hindi ko na kayaaaa!!! AAAAhhhhh!!!" "Oh my goshhhh Babeeeee!! Sandali lang, wait.. um... ano nga pala ang gagawin ko?! Fvck! Focus Yana focus manganganak na si misis este basta ano..." "Yana, magpakulo ka ng tubig." Ito ang narinig ng dalaga na sigaw ng midwife or doula. "Comin' right up." Takbo ito sa kusina para magpakulo ng tubig. Pagbalik ni Yana sa kwarto at nailapag ang dalang tubig, kaagad na lumapit ito sa nakangiwing dalaga at panay ang punas sa noo nitong puno ng pawis. "Kaya mo yan babe. Keep breathing!" ito ang madalas niyang sambitin habang hawak ang mga kamay nito. Kasama sa loob ng kwarto ang midwife at ang may idad nang caretaker habang nasa labas naman ang mister nito naghihintay ng kung anuman ang maiutos sa kanya. "Okay Alexis, bigyan mo ako ng tatlong malalaking iri ok!" utos ng midwife. Tumango naman ang dalaga at huminga ng malalim at umiri... "Hmmm... AAhhhh!! Hmmmm aahhhhhh!! HHhmmm AAAHhh!!" "Malapit na. Kaya mo yan babe. Just keep breathing." Ang natatarantang si Yana although nasa mukha ang pananabik na masilayan ang baby. "Ok, another big push Alexis." "AAAAHhhhh! HHHmmm AAaahhhhh!" "Good girl, I can see the head. Another push." "HHHHHmmmmm... AAAAAaahhhhhh!!!" And there he goes.. In the sunlit silence that followed they could hear the first cry of the healthy baby boy inside the house, a long, hitching sound, thin and tired, as if the child had little energy left to complain about the summer heat that filled the bedroom. Everyone's faces were so delighted seeing the cute little guy for the first time. "Waaa! Waa!! Waahh!!" Kaagad nilang pinatong ang umiiyak na baby sa ibabaw ng dibdib ni Alexis, kaagad naman tumahan ang bata ng maramdaman ang init ng katawan ng ina. This is what they normally called skin to skin contact. (There are now a multitude of studies that show that mothers and babies should be together, skin to skin (baby naked, not wrapped in a blanket) immediately after birth, as well as later. The baby is happier, the baby's temperature is more stable and more normal, the baby's heart and breathing rates are more stable and more normal, and the baby's blood sugar is more elevated. Not only that, skin to skin contact immediately after birth allows the baby to be colonized by the same bacteria as the mother. This, plus breastfeeding, are thought to be important in the prevention of allergic diseases. When a baby is put into an incubator, his skin and gut are often colonized by bacteria different from his mother's.) Matapos malinisan at masigurong okay na ang mag ina, they wrapped the baby with his blanket at kinarga kaagad ito ni Yana. They just let Alexis rest for awhile. "Hello little guy, ang cute cute mo." Ang naiiyak sa tuwang si Yana. Nasa sala ang mga ito at naka upo sa rocking chair. Mahimbing namang natutulog ang bata sa mga braso nito. While Manang, nagluto ng sabaw at nilagyan ng madaming gulay para sa bagong panganak na si Alexis. The midwife stays for another night to monitor Alexis. Request ito ni Yana, just making sure na okay na okay na ang bagong panganak na iwanan. Pumasok sa kwarto si Yana bitbit ang baby nang mapansing gising na si Alexis. Lumapit siya dito at binigay ang bata. Then sumunod ang midwife and she guided the new mom on how to breastfeed her baby, the proper way. Nakangiti naman sa isang tabi si Yana habang pinapanood ang mag-ina. "Babe, are you hungry?" sabay lapit dito at hinalikan sa kanyang noo, then kissed the baby. "Thirsty lang ako babe. Mamaya na ako kakain pagkatapos ni Baby dumede." Inabutan naman ito ni Yana ng maligamgam na tubig at inalalayan itong makainom. "Salamat babe." Tipid na sabi ng bagong ina. Yana sat down beside her at hinagod hagod ang likod ng baby. "Ang cute niyo tingnan sa totoo lang. Um, Alexis thank you for sharing this very special moment with me. Ang saya saya ko sa totoo lang." nakangiti nitong sabi. "Ano ka ba. Kami ang dapat magpasalamat sayo kasi ito ka, ibinigay mo ang lahat sa amin ng anak ko. Kaya sobrang thankful ako sayo. Hindi ko nga alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng ito." Madamdaming wika ng bagong ina. "Ganun siguro kapag mahal mo." Anas ng dalaga. "Huh? Ano yun?" hindi niya ito narinig dahil nagsabay ang iyak ng bata at ang pagkasabi ni Yana. Dumating ang matanda, dala ang pagkain para kay Alexis. "Iha, ito ang sabaw maganda yan sayo dahil nagpapadede ka. Kainin mo din ang mga gulay na ito para magkagatas ka. Lalaki pa naman ang anak mo, sigurado malakas dumede yan." Si Manang sabay lapag ng dala nitong pagkain malapit kay Alexis. Karga karga naman ni Yana ang baby at naupo sa kanilang rocking chair. Natutuwa naman si Alexis sa nakikitang excitement sa mga mata ni Yana. Hindi niya maintindihan ang saying hatid nito sa kanya. Mga simpleng gawain ng dalagang si Yana ngunit sobrang saya ang hatid nito sa bagong ina. to be continued---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD