Hindi alam ni Jayson kung paano haharapin ang kanyang ina. Ayon sa kanyang Ninong, naging agresibo ito at nagwawala kaya napilitan itong turukan ng pampakalma kagabi. Buti na lamang at hindi ito iniwan ng amain. Napabuga siya ng hangin. Nagkakape siya sa terasa. Noong gumising siya, wala na si Vivien sa tabi niya. Kinabahan siya at napahalughog sa mga gamit nito. Laking ginhawa niya dahil naroon pa ang mga iyon. Huminga siya ng malalim. Napakasarap sa pakiramdam niya ang pagkawala ng bigat sa kanyang dibdib. It's not over yet, but he's happy. He's starting to open up, at sisiguradihin niyang ituloy-tuloy iyon. Sana lang talaga ay maintindinhan siya ni Vivien at manatili ito sa tabi niya kahit anong mangyari. Kahit ano pa ang malaman nito. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ni Viv

