Walang lingon-likod na umalis si Vivien. Tanging ang kanyang pitaka lang niya ang nadala. Una niyang destinasyon ay ang prisinto. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng kanyang ama. Masyado siyang nag-aalala rito. Napatutop siya sa bibig nang makita ang itsura ng ama. May benda ito sa ulo. May mga pasa at gasgas sa kamay at braso. Hindi niya mapigilang lumuha habang pinipigilan ang sariling magpakita ng kahinaan sa ama. "Tay, bakit?"Hindi makatingin ng diretsa sa kanya ang ama. "Tay, tignan niyo ako? Please, bakit? Inutusan ba kayo ni Jayson? Tinakot niya ba kayo para gawin iyon?" Umiling ito. Nakatingin pa rin sa mga kamay na may posas. "Tay?" hindi niya mapigilang tumayo at lapitan ang ama. Niyakap niya ito ng sobrang higpit. Yumugyog ang balikat ng matandang Rivas. Alam niyang umi

