Naglalaro ng putik ang isang matabang batang lalaki. Masayang nagtampisaw ito sa tubig ulan, ang ina nito ay nakamasid lang at tuwang-tuwa sa sayang nakikita sa anak. "Mom, there's an earthworm!" Excited na saad ng bata, pinulot ang uod at ipinakita sa ina. "Put it down beb," utos niyang nakangiti. "Can I pet this, please mom," paki-usap ng cute na bata sa inang napataas lang ang kilay sa sinabi nito. Malawak ang ngiti sa labing nilapitan ang anak. "You can't beb, hindi sila mabubuhay kapag inalis mo sila sa lupa." Paliwanag niya sa kanyang anak. Hinaplos ang mukha Malungkot na tinitigan ng bata ang hawak na uod. Napalabi ito. "Why? They are not dangerous. I will feed him, and I will take care of him." Napanguso siya pero mababanaag sa mga mata ang aliw na nararamdaman sa anak. "

