Sa isang cafe niya i-mi-meet ang kausap at magiging kasosyo kapag nagkataon. Hindi naman siya late sa oras. Sakto lamang ang pagdating niya dahil kadarating din lang naman nito. Agad niyang binati ang isang matangkad na binata. "Art!" Lumingon ito sa kanya. May ningning ang mga matang pinagala ang tingin sa kabuuan niya. Hindi pa rin talaga nagbago ang lalaki sa paraan ng pagtitig sa kanya. Napailing na lamang siya at iminuwestra na umupo na sila. "Vien," malawak ang ngisi nitong tawag sa kanya. Napasimangot siya sa lalaki. "Please, Art. Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw kong natatawag ng ganyang pangalan..." "Why? Vien suits you better. Ang ganda kaya," palatak nito mas lumawak pa ang ngisi sa labi. Inirapan niya ito. Natawa tuloy ang lalaki. Gustong-gusto talaga siyang inaasar.

