"Yuck! You are playing with the dirty water?" maarteng palatak ng batang babae sa batang lalaki na naglalaro ng putik sa likod bahay ng mga Perez. Ang batang lalaki ay napangisi at walang sabi-sabing pinahiran ng putik ang damit ng malaprinsesang batang babae. "Mommy!" matinis na hiyaw ng pitong taong gulang na si Roaine kaya napalabas ang mga matatanda mula sa kusina. Agad dinaluhan ni Elaine ang anak na si Roaine. Si Vivien naman ay agad na nilapitan ang anak na si Venson. "Mommy look what he have done." Maluha-luhang sumbong ng batang babae. Nagkatinginan si Elaine at Vivien. Napabaling ang tingin ni Vivien sa anak na nakataas ang isang kilay. "She's so maarte," matapang na sambit ng anim na taong gulang na batang lalaki, sa ina nakatingin. Muling nagkatinginan sina Elaine at Vivi

