Tahimik niyang binabaybay ang daan habang nagmumuni-muni. Ang malamig na hangin sa umaga ay dumadampi sa kanyang balat. Tahimik ang lugar na para bang walang tao sa mga kabahayan na kanyang nadadaanan. Minabuti niyang namnamin ang katahimikan ng paligid habang naglalakad. Pilit niyang winawaksi ang lungkot sa kanyang puso. Nang ang katahimikan na iyon ay napalitan ng ingay mula sa plaza. Naulinigan niya ang tila pa pagtatalumpati ng isang tao. Napadako tuloy ang tingin niya sa mga nakasabit na Tarpaulin sa paligid. Buwan ng Abril, botohan na naman. Gusto niya sanang umiwas doon pero wala naman siyang ibang dadaanan patungong sementeryo. Wala siyang magawa kundi ang magpatuloy. Abala naman ang mga tao kaya walang makakapansin sa kanya. Meron man siguro pero alam niyang hindi na siya makik

