"Ayos ka na ba, Mateo?" Napasulyap si Mateo sa ama niyang kapapasok lamang mula sa paliligo sa labas. Nasa hapag na sila ni Mayang at hinihintay na lamang talaga ito para makapaghapunan na sila. "Opo itay," sagot niyang kinuha ang kamay ng ama upang mag-mano. Pagkatapos noon ay sinulyapan niya si Mayang na atubiling tumayo mula sa kinauupuan upang lapitan ang ama at magmano rin. "Kain na po tayo;" anyaya ni Mayang sa ama. Naglagay na siya ng pinggan para rito. "Nagluto po ako ng sinigang na isda..." Pinanood ni Mateo ang kilos ng ama na tumango lamang at naupo sa gilid. Kanya kanya silang sandok ng kanin at ulam na inilagay sa kani-kanilang mga pinggan. Habang kumakain ay hindi niya maiwasang mapansin na nag-iiwasan pa rin ang kapatid niya at ang ama. "Tay, kailan po ba ang anihan

