"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" bulyaw ni Elaine sa pagmumukha ni Robert. Pilit siyang nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng lalaki sa palapulsuan niya. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito doon dahilan upang mas lalo siyang magngitngit sa galit. "Robert!" Binitiwan siya nito ngunit mabilis na hinarap siya. Halata sa itsura ni Robert ang tinitimping galit. Nanlilisik ang mga mata nito at namumula. Maging ang paghinga nito ay hindi kalmado. "Is this how you act, Elaine? May anak ka ng tao para magsasayaw ng ganoon at makipag-flirt sa kaninong lalaki!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Elaine sa pisngi ni Robert kasabay ng pagdausdos ng luha sa mga mata niya. Dinuro .iya ito sa dibdib. "Wala kang karapatang husgahan ako! Wala kang karapatang pigilan ako sa gusto kong gawi

