Nang wala na si Mayang ay kagat ang labi ni Vivien na nagpalinga-linga sa loob ng pamamahay ng mga ito. Hindi niya alam pero sa tuwina ay tila bumabalik sa kanya ang nakaraan. Ang bahay nila ng tatay niya sa bundok. Ang payak na pamumuhay na meron sila noon. Ang kinalakhan niyang lugar. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Napawi nga lamang iyon nang marinig niya ang pag-ubo ni Mateo mula sa kuwarto. Walang sabi-sabi siyang pumasok roon. "Okay ka lang?" aniya. Inuubo man ay halatang gulat ang lalaki sa bigla niyang pagdalo dito. Ngunit dahil sa ubong hindi matigil-tigil ay ipinagsawalang bahala nito ang gulat. "Tu...big..." aniyang itinuro ang baso ng tubig. Medyo malayo kasi iyon sa kanya. Mabilis naman na kinuha ni Vivien ang baso ng tubig at iniabot sa lalaki. Tinulungan pa

