NASA loob kami ng isang silid, lahat ng kasapi ng Fiery League. Narito ang mga gabay kasama si Ginoong Peridon, na siyang pipili kung sino ang mapupunta sa Infernal o mananatili sa Fiery. Nakaupo kami ni Deianira sa likuran at tahimik na nagmamasid. Inoobserbahan namin ang bawat galaw ni Myer dahil nadiskubre namin ang ginagawa nito. Batid na rin namin na siya ang gumamit ng katawan ni Garreth kaya nagkaroon kami ng kaunting alitan. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon upang mapunta sa kanya ang atensyon ni Garreth. Subali’t hindi namin siya kinausap tungkol sa bagay na ito. Hahayaan namin siyang gamitin kami upang mahuli namin siya sa akto. Hindi lang namin inaasahan na magiging tahimik siya sa mga nagdaang araw, hindi siya nagtangkang lapitan o kausapin ang kahit na isa sa amin. Agad s

