GUMUGULO pa rin sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Dominique. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung may katotohanan ba ang mga balitang isiniwalat niya sa akin, maging ang ilang mahalagang bagay na parte ng aking pagkatao. Nais ko siyang pagkatiwalaan ngunit may parteng nagsasabi sa'kin na hindi ko siya dapat pakinggan, sapagkat maaari itong maging mitsa ng kapahamakan, hindi sa aking kung hindi maging sa mga nilalang na nakapaligid sa akin. "Isipin mo ang lahat at bumalik ka rito sa oras na malaman mong totoo ang isinasalaysay ko sa iyo. Narito lang ako, Bellona." Iyon ang bilin ni Dominique bago siya bumalik sa kanyang anyo bilang isang Garuda. Kung naguguluhan ako ay batid kong pati rin siya, kita ko iyon sa mga mata niya. "Kanina ka pa wala sa iyong sarili, Bellona? Ano an

