HINDI makapaniwala si Bellona nang magising siya at masilayan ang nakangiting si Myer. Nasa loob sila ng isang estrangherong silid. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid, kulay rosas ang bawat sulok, pati na ang kama na kanyang hinihigaan at ang mga kurtina. Ang mga upuan ay kulay rosas din, pati ang amoy ng silid ay rosas. Hindi maipagkakaila na ito ang silid ni Myer dahil na rin sa kanyang amoy na humahalo sa hangin. "Bakit ako narito? At sana si Deianira?" Tinuro ni Myer ang puting pinto sa kaliwang bahagi ng silid kaya nagtaka ako kung ano ang nais niyang iparating sa akin. "I mean, Deianira is there inside. Currently resting because of the attack," aniya sa malumanay na tinig. Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa pagtataka, hindi ganito ang kilala kong Myer. Naiinis iyon sa aki

