TATLONG araw na simula nang iwasan ko si Garreth. Sa tuwing makikita ko siya ay bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin, nararamdaman ko ang kurot at hapdi na dulot nito sa aking puso. Kaya lahat ay ginagawa ko upang hindi magtagpo ang aming landas. Kahit si Deianira ay ilang beses nang nagtanong sa aking kung bakit iniiwasan ko si Garreth, ngunit wala akong maibigay na sagot sa kanya. Kakatapos lang ng aming pagsusulit ngayong araw at pauwi na kami ni Deianira. Kailangan naming magpahinga dahil bukas ay magkakaroon ng pagsusulit kung saan malalaman kung sa anobg League kami mapupunta. Sana ay manatili ako sa Fiery League sapagkat ayaw kong makasama si Garreth. Dahil ayaw kong mapasama sa mataas na League, ginawa ko ang lahat upang hindi tumaas ang mga nakukuha kong puntos. Ka

