Mabilis na inubos ni Lando ang kinakain nito at mayamaya ay tumayo na ito. 'Makaalis na nga lang," wika ng binata sa isipan nito habang naka kunot ang noo at naglakad na papuntang pintuan palabas. "Hoy! Bastos ka, ah. Aalis ka na ng walang paalam," kunot-noong wika ni Myra mula sa likuran ng binata. "Atat ka ng paalisin ako, 'di ba? Kaya nga ito naglalakad na ako paalis. At isa pa, may kausap ka sa fone. Nakakahiya sa iyo kung iistorbohin pa kita," wika naman ni Lando. "Oy, may hiya ka pa pala?" nakakainsultong saad ng dalaga. "Kahit naman, sa squatter ako nakatira. May hiya naman ako at higit sa lahat marunong din akong gumalang," wika naman nito. "Aalis ka na, pero kinalimutan mo ang pakay mo," wika pa ng dalaga. "Pakay? Ano'ng sinasabi mo? Babae, huwag kang mag-isip na type kita.

