Napakunot ng noo si Lando at kita sa mukha nito ang pagkabigla dahil sa sinabi ni Myra. "Hindi ba, hon?" wika muli nito sa binata at bahagyan pa nitong kinurot sa braso ang binata sabay ngiti ng hindi maintindihan at lumalaki rin ang mga mata nito na nakatingin kay Lando. "Opo," maikling sagot na lang ni Lando sa ama ni Belinda at seryoso ang mukha nito. "Talaga bang wala kayong alam kung nasaan si Belinda? Oh, baka naman tinatago niyo sa amin?" sabat naman ni Alex na seryoso rin ang mukha. "Bakit naman namin itatago si Belinda? Matanda na siya at alam na niya kung ano man ang ginagawa niya," saad naman ni Lando. Napatingin naman si Myra kay Lando na may paghanga dahil sa sagot nito. "Mukhang matabil ang dila nitong boyfriend mo. Saan mo ba ito nakilala? Alam mo, p're. Manahimik ka

