"Alam mo ikaw, ang kulit mo. Mabait lang ang kuya mo. Pero hindi ibig sabihin no'n gusto ko na siya," wika naman ni Belinda na nakangiti sa bata. "Kawawa naman ang kuya ko, wala pa lang pag-asa sa iyo," wika naman ng batang si Janice na biglang nalungkot ang mukha. "Marami pa namang iba diyan. Bukod sa akin. Saka mabuti pa bumili na lang tayo ng ulam sa labas," wika na lamang ng dalaga. "Sige po, pero dapat magsaing po muna ako," wika naman ng bata. "Sige, sasamahan na kitang magsaing," wika naman Belinda. "Ay, kailangan ko pa pong mag-igib ng tubig. Mag-iigib lang po muna ako," saad ng bata. "Samahan na kita," wika naman ni Belinda. "Hindi po kayong puweding dipo ba? Dito na lang po kayo. Baka mo mamaya may makakita pa po sa inyo," nag-aalalang saad ng bata. "Baka mabigat iyang b

