chapter 7

1035 Words
"Ano ba 'yan, ang init-init dito," reklamo at naiiritang saad ni Myra. "Tapos ang ingay-ingay pa," dagdag pa nito. Habang naglalakad sila. Wala namang nagawa si Lando kung hindi manahimik na lamang habang naglalakad sila na sinusundan ng dalaga. Nang makarating na sila sa bahay ni Lando ay nadatnan nito si Belinda na nakatayo at nakatanaw sa bintana. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo diyan?Mukhang gusto mo yata rito, ah?" wika nito sa kaibigan. "Hindi naman, siguro na amaze lang ako sa lugar na ito. Imagine ang daming tao, ma pa bata man or matanda. Masaya sigurong manirahan dito. At hindi na nila ako matutonton pa. Kapag, dito ako naglagi, " saad naman ng dalaga. "So, ano na ngayon ang plano mo? Gusto mo ng tumira rito?" tanong muli ng kaibigan nito. "Uminom po muna kayo ng coke," walang pasintabing wika naman ng kapatid ni Lando at nagsalin ito ng softdrink sa basong walang laman, para sa bagong dating nila na bisita. "Salamat, pero hindi ako umiinum ng softdrink. Tubig na lang iyong malamig sana ang init kasi," wika ni Myra. "Okay po. Kuya, sa akin na lang ito, ah?" paalam pa ng bata sa kuya Lando nito. "Kunwari ka pa. Iyan talaga ang inaabangan mo kanina pa. Sige uminom ka na at pagkatapos ay uminom ka rin maraming tubig. Baka mamaya sumigi iyang UTI mo," wika nito. "Okay po," nakangiting wika naman ng nakababatang kapatid nito at agad na inimon ang isang basong softdrink. "Janice, bago ka lumabas at makipaglaro sa mga kalaro mo. Bumili ka muna ng ice at mineral wate sa tindahan," bilin ng kuya nito. "Opo," sagot naman ng batang si Janice at naglakad na ito palabas. "Oy, ano na? Dito ka ba talaga maninirahan sa kubo-kubo na 'to?" tanong muli ni Myra. "Oo, may hihingiin lang akong pabor sa iyo," sagot naman ni Belinda. "Alam ko na iyan. At huwag kang mag-alala. Kung pupuntahan man ako ng Daddy mo, oh si Alex. Wala akong sasabihin," agad na wika ng kaibigan nito. "Alam ko naman 'yon. Puwede bang ibili mo ako ng damit ko? Tapos, sumbrero na rin. Please," pakiusap nito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pero, Belinda mag-iingat ka rito. Alam mo naman itong lugar na ito. Saka isasama ko na itong driver mo." "H-Ha? Ako, bakit?" takang tanong naman ng binatang si Lando. "Lando, please. Pumayag ka na. Kasi kung ako ang sasama, malamang ngayon nakabantay na sila sa bahay nila Myra at hinihintay ang pagbabalik ang pagbabalik niya sa bahay nila. Kaya hindi ako puweding sumama sa kaniya," pakiusap at saad naman ni Belinda. "Ayokong makialam diyan. Baka madamay kami ng kapatid ko, isa pa patitirahin na nga kita rito, eh," tanggi ni Lando. "Ikaw na lang ang makakatulong sa akin. At huwag kang mag-alala. Babayaran kita at sisiguraduhin kong hindi kayo madadamay ng kapatid mo," paninigurong saad ng dalaga. "Tulungan mo ang kaibigan ko. Sa iyo na lang kami umaasa," pakiusap naman ni Myra sa binata. "Ano bang gagawin ko?" napaĺitang tanong ng binata at walang nagawa. "Sasamahan mo lang akong mamili ng gamit ni Belinda, iyon lang. Saka huwag kang mag-alala hindi magtatagal ang kaibigan ko rito. Hahanap ako ng paraan at bagong matitirahan niya," wika naman ni Myra. "Sige," napilitan na wika ni Lando. "Kuya, saan po kayo pupunta?" maang na tanong ni Janice sa kaniyang nakakatandang kapatid. "May bibilhin lang kami, pero babalik kami agad," sagot naman ng kuya nito. "Paano po 'tong binili kong tubig?" tanong pa ng bata habang hawak-hawak ang plastic bottle. "Thank you," wika naman ni Myra na kinuha ang plastic bottle na may lamang malamig na tubig. "Welcome po, ingatan niyo po ang kuya ko, ha?" wika nito kay Myra. "Bakit ko naman iingatan ang kuya mo? Dapat ako ang ingatan niya kasi ako ang babae," wika naman nito sa bata. "Huwag kang mag-alala, Janice. Dahil ibabalik niya ang kuya mo ng walang kulang o bawas," saad naman ni Belinda na may nakakalokong ngiti. "Hay naku! Kung ano-ano na ang sinasabi mo sa bata. Mabuti pa umalis na kami at baka madatnan ko pa ang daddy mo sa bahay namin," saad ni Myra sa kaibigan nito. "Mag-ingat kayo at i-update mo ako," wika pa nito kay Belinda. "Salamat at kayo rin ingat kayo," nakangiting saad naman ni Belinda. "Ate, ano po kayang ipapakain ko sa inyo? Wala pa naman kaming ulam," saad ng batang Janice. "Wala bang mabibiling lutong ulam sa labas?" balik tanong nito sa bata. "Meron po at marami," agad na sagot ng bata. "Kaso lang hindi ako puweding lumabas eh. Hindi naman kita puweding pabayaan," saad naman ng dalaga. "Ate, bakit po hindi kayo puweding lumabas?" inosenteng tanong ng bata. "Kasi, nagtatago ako," sagot naman ni Belinda. "Bakit ka po nagtatago?" tanong muli nito. "Kasi, ipapakakasal ako ng ama ko sa lalaking kinaiinisan ko at isa pa, ayaw kong mag-asawa. Kaya lumayas ako sa amin," pagpapakatotoong sagot ng dalaga. "Hala! Bakit po? Kaya po pala ngayon ko lang kayo nakita rito. May minamahal na po ba kayo?" walang pasintabing tanong ng batang si Janice. "Meron, dati. Pero dahil din sa tao na iyon kaya takot na akong magmahal pa," makahulugang sagot naman ng dalaga. "Talaga po? Ano naman po ang ginawa niya sa iyo? Bakit po parang galit na galit kayo sa kan'ya?" muling tanong ng bata. "Kasi, akala ko noon gusto rin niya ako. Akala ko noon parihas kami ng nararamdaman. Iyon pala hindi, kasi noong sinabi ko na gusto ko siya. Sinabi niya sa akin na kapatid lang ang turing niya sa akin at sinabi niya na hinding-hindi niya ako magugustuhan. Tapos ngayon bigla ko na lang malalaman na ipapakasal ako sa lalaki na iyon. Kaya sorry siya, galit pa rin ako sa kan'ya at hindi ako magpapakasal sa kan'ya," wika nito sa bata. "Eh, ang kuya Lando ko kaya. Guwapo rin naman siya. Mabait at higit sa lahat responsable? Magugustuhan mo kaya siya?" nakangiting tanong ng bata sa dalaga. "Alam ko iyon, kaya nga sa kaniya ako sumama, eh," wika naman ni Belinda. "Ilalakad ko po sa inyo ang kuya ko. At gusto ko po kayo para sa kuya. Wala pa po iyong nagiging girl friend," makahulugang wika agad ng batang si Janice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD