Squatter

1032 Words
"Ano'ng nangyari, Alex?" nag-aalalang tanong ni Eduardo. "I'm sorry, sir. Naging panatag ako. Pasinsya na sa kapabayaan ko. Hindi ko talaga akain at naisip na makakatakas pa siya sa loob ng bahay n'yo. Patawad po," nahihiyang paumanhin ni Alex. 'Humanda ka sa akin, Belinda. Kapag nakita kita. Wala tuloy akong maiharap na mukha sa ama mo," wika nito sa kaniyang isipan, habang nakayuko at naikuyom ang kamao nito. Pero nagulat ito nang bigla siyang hinawakan sa balikat ni Mr. Ramirez. "Alam kong hindi magtatagal ay mahahanap mo ang anak ko," wika nito na panatag. "Patawarin n'yo po ako, sir. Hinding-hindi na po ito mauulit pa," paumanhin muli ng binata. "Wala na tayong magagawa. Nangyari na at alam ko na ginawa mo ang trabaho mo. Hindi ko lang lubos maisip na talagang sinuway niya ako at ayaw niyang magpakasal sa 'yo. Pero wala siyang magagawa. Dahil oras na makita natin siya. Kinabukasan ay ipapakasal ko kayo agad," saad naman ng matanda. Tiningnan nila ang CCTV ng bahay nila sa monitor roon mismo sa likod ng bahay at kung saan dumaan si Belinda sa banyo nito. Sa bawat sulok ng kabahayan nila. Pinagmamasdan 'yon ni Alex habang napapangiti ito. At napahanga sa dalaga ng palihim. Kung paano ito nakatakas. "Hindi ko akalain na ganito siya ka utak, sir. Alam niya na hindi ako makatingin sa kaniya. Dahil nakatapis siya ng tuwalya. Pero iyon ang kahinaan ko na sinamantala niya," wika ni Alex. "Alam ko na mautak ka, Alex. Pero hindi ko akalain na mas mautak pala ang anak ko, kaysa sa iyo. Pero okay lang 'yon. Inuulit ko, ikaw lang ang gusto kong maging asawa ng anak ko." Hanggang sa nakita nila ang plate number na sinakyang taxi ni Belinda at sinundan nito sa bawat kanto na madaraanan. Hanggang sa mapunta ito sa pinaka main na high way. Kung saan halo-halo na ang dumaraang sasakyan at hanggang sa kung saan-saang ito sumiksik at nawala na ito sa main road. Hindi na rin sakop ng CCTV ang dinaanan nitong daan kaya nawala na ito. "Sisiguraduhin ko na maibabalik ko si Belinda. Bago ang araw ng takdang kasal namin," saad ng binata at agad na itong naglakad paalis. SAMANTALANG kararating lamang ni Belinda sa squatters area. "Pagpasinsyahan niyo na po itong lugar namin. Pero huwag kang mag-alala kapag may bakante na roon sa pinakamalapit na hotel dito sa amin ihahatid ko kayo agad," saad ng driver. "Okay lang 'yon. Kaysa naman nakakulong ako. Siya nga pala, may parating kasi akong bisita ang kaibigan ko si Myra. Puwede ba natin siyang hintayin muna," wika naman ng dalaga. "Puwede naman kaso mainit na rito. Mabuti pa doon muna tayo sa bahay namin. Tapos kapag narito ang kaibigan mo, ako na lang ang magsusundo," wika naman nito. "Sige," agad na saad naman ni Belinda at naglakad pa sila patungo sa bahay ng driver. Maya maya pa at nakarating na sila. Nasilayan ni Belinda ang bahay kubo na yari sa sawali ang dingding at dahon ng nipa ang ginamit na bubong. "Kuya, sino iyang kasama mo?" agad na tanong ng kapatid ni driver nang makita nito ang kasamang babae ng kaniyang kuya. "Si Ate mo--" pero naputol ang sasabihin nito nang magsalita ang dalaga. "Hi, ako si Ate Lyn mo. Kaibigan ako ng kuya mo. Ang kyut mo naman, ano naman ang pangalan mo?" pakilala agad ni Belinda sa hindi tunay nitong pangalan. "Salamat po, kayo rin po ang ganda niyo. Ako po, Janice. Ako po ang nakakababatang kapatid ni kuya Lando," nakangiting sagot ng inosente bata. "Umupo ka muna. Janice, bumili ka ng coke kay Aling Rosing ito ang pambili," utos nito sa kaniyang nakababatang kapatid at agad na binigyan ng pera ang bata. Mabilis naman na kumilos ang bata at nagtungo sa tindahan upang bumili ng soft drinks. "Pagpasinsyahan mo na rito sa bahay. Maliit lang at medyo magulo. Dalawa lang kasi kami rito sa bahay ng kapatid ko," saad naman ni Lando. "Okay lang, exiting nga, eh. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Ang daming bata, parang factory yata dito bata. Tapos dikit-dikit ang mga bahay," nakangiting saad ng dalaga habang pinagmamasdan ang kapaligiran. "Ngayon ka lang talaga nakapunta rito, ano?" saad naman ni Lando. "Oo, at sa tingin ko magtatagal ako rito. Mga isang linggo siguro," nakangiting saad ng dalaga. "Naku! Hindi ito bakasyonan. Saka wala kaming pagkain dito ng mayayaman. Isa pa hindi ka magiging kumportable dito. Maingay dito, tapos mainit, higit sa lahat iyong tubig dito galing sa puso. Iniigib lang, kaya mahihirapan ka rito," pagsasabi ng totoo ni Lando. "Parang ayaw mo talaga akong manatili rito sa inyo," saad ng dalaga na nagpapaawa effect. "Naku! Hindi naman sa gano'n. Sinasabi ko lang talaga ang buhay dito. Saka magulo rito," agad na wika naman ng binata. "Sa totoo lang mas gusto ko nga rito, eh. Simpleng buhay lang at higit sa lahat malaya." "Kuya, ito na po ang softdrinks. Ate, wait lang po kukuha ko kayo ng baso," wika ng bata at inilapag ang bote ng soft drinks sa lamesang maliit. "Kayo lang bang dalawa rito?" tanong pa ng dalaga. "Oo, wala na kaming magulang. Kaya itong kapatid ko na lang ang pamilya ko at binubuhay," sagot naman ni Lando. "Ayon naman pala, kasya pa naman ako rito, eh," nakangiting saad ni Belinda. "Wala kaming malambot na kama rito. Banig lang ang meron kami, tapos itong electricfan isa lang," saad naman ng binata. "Okay lang, masasanay din ako. Saka gaya ng sinabi ko ilang araw lang ako rito. Ayokong madamay kayo," saad ni Belinda. "Ate, ito na po ang baso niyo uminum na po kayo," saad ng bata. "Thank you," nakangiting saad naman ng dalaga. Pagkatapos nitong uminum ng soft drinks ay biglang tumunog ang celebrates nito. Agad niyang binasa ang text. "Andito na ako. Nasaan ka na ba?" Fr. Myra. "Lando nadiyan na ang kaibigan ko." "Sige, sabihin mo papunta na ako. Lando ang pangalan ko," saad naman ng binata at lumabas na ito ng bahay. "Ikaw ba si Myra ang kaibigan ni Belinda?" tanong nito sa dalaga. "Ako nga." "Sumunod ka sa akin at hinihintay ka niya sa bahay," saad naman ni Lando. Agad naman na sumunod si Myra sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD