bc

Beloved Stranger (Verdadero Series)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
9.0K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Ephraim na muli niyang makikita ang babaeng minsang tinulungan niya sa isang bar. Higit pa roon, hindi niya inaasahan na si Cecilia pala ang kasintahan ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Ephesian at nagdadalang-tao umano sa magiging anak nito.

Dahil sa pagpanaw ni Ephesian dulot ng malubhang karamdaman, ayaw ni Romano na lumaking bastardo ang una niyang apo. Kaya bilang kapalit ng kumpanyang matagal nang minimithi ni Ephraim, ipinagkasundo niyang ipakasal ito kay Cecilia.

Hindi man bukal sa loob ni Cecilia ang mapangasawa ang isang lalaking walang pagmamahal sa kaniya, wala rin siyang ibang pagpipilian. Upang tuluyang makalayo sa kalupitan ng sarili niyang pamilya, tinanggap niya ang kasunduang pakasalan si Ephraim.

Ngunit paano kung matuklasan ni Ephraim na hindi pala talaga nagdadalang-tao si Cecilia? Pipiliin ba niyang hiwalayan ang babaeng minsang minahal ng kaniyang kapatid, o siya mismo ang gagawa ng paraan upang magdalang-tao ito? At sa gitna ng isang kasalang nagsimula sa kasinungalingan at kapalit na kasunduan, matututunan kaya niyang mahalin ang babaeng unang inibig ng sarili niyang kapatid?

chap-preview
Free preview
Prologue
"TIYA, hindi po ba masyadong maikli itong suot ko?" nag-aalangan niyang tanong habang pilit na hinihila pababa ang mini skirt na ipinasuot sa kaniya. "Maikli ka riyan! Huwag mo nang ibaba iyan. Bagay na bagay sa'yo." Muli itong yumuko at inayos paitaas ang laylayan ng kaniyang palda. "Pero po kasi, Tiya—" "Ayan na si Mama Sang. Bilisan mo!" Putol nito sa sasabihin niya habang hinahatak siya papalapit sa isang matandang babae na makapal ang make-up sa mukha. "Siya na ba ang sinasabi mo, Minerva?" Tanong nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa bago muling itinuon ang tingin sa kaniyang mukha. "Siya na nga, Mama Sang." "Abay, mabibenta ito. Kay gandang babae." Kumislap ang mga mata nito na para bang may nakitang napakahalagang bagay. Naguguluhang salitan niyang tiningnan ang dalawa. "Tiya, ano hong ibig ninyong sabihin na mabibenta? Hindi ba ang sabi mo sa akin, magwi-waitress lang ako rito?" Agad siyang pinanlakihan ng mata ng kaniyang tiyahin. "Iyon ba ang sinabi mo sa kaniya? Ilang taon na ba ito? Baka mademanda pa tayo." "Naku, hindi po. Bente uno na ang pamangkin ko." Muli nitong hinigpitan ang hawak sa kaniyang braso saka siya pinandilatan. "Ganoon ba? Sigurado ka riyan, ha? Ayoko ng gulo sa negosyo ko." "Oho naman, Mama Sang." "Sige. Ipapasama ko siya kay Maribel para maturuan kung ano ang gagawin niya." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na sila nito. Pagkaalis ng matanda ay agad siyang dinuro ng kaniyang tiyahin. "Hoy! Umayos ka! Huwag mo akong ipapahiya, punyeta ka! Isipin mo, ang kikitain mo rito ang ipantatapal mo sa kumakalam mong sikmura. Magkaroon ka naman ng silbi sa akin." Tahimik siyang yumuko. "Oho, Tiya." Hindi nagtagal ay lumapit sa kanila ang isang babae. "Halika na." Walang anu-ano siyang hinila nito papunta sa isang maliit na kuwarto. "Dahil may make-up ka na at maayos na rin ang suot mo, puwede ka nang magsimula." "Teka, Maribel... Ano ba talaga ang magiging trabaho ko rito?" Ngumuso ito at bahagyang napailing. "Mukhang wala ka talagang alam sa ganitong klaseng trabaho. Sige, ipapaliwanag ko sa pinakasimpleng paraan. Kapag may guest na pumili sa'yo, papasok ka sa VIP room, uupo ka sa tabi niya, at ie-entertain mo siya." "Ganoon lang?" "Umiinom ka ba ng alak?" Marahan siyang umiling. "Kung ganoon, masanay ka nang uminom. Parte iyan ng trabaho mo rito." "Uupo lang ba talaga ako sa tabi ng guest?" Napabuntong-hininga si Maribel na tila nauubusan na ng pasensya. "Anong pangalan mo?" "Cecilia." "Okay, Cecilia. Sa tingin mo ba, sa trabahong ito hindi katawan ang puhunan? Kung hindi ka maganda at walang hubog ang katawan mo, hindi ka matatanggap dito. Huwag kang mag-alala, sa umpisa lang iyan. Kalaunan, masasanay ka rin. Malaki naman ang kita rito kaya hindi ka lugi kahit mawala ang pagkabirhen mo." Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Mawawala ang pagkabirhen ko rito? P-paano naman?" Napapikit si Maribel at napailing. "Paano nga ba?" Napakamot ito sa batok bago muling nagsalita. "Anyway, huwag mo na munang isipin iyan. Hindi ka naman pipilitin na magpa-take out kung ayaw mo. Magpa-cute ka na lang sa customer o kaya'y utuin mo." "G-ganoon ba?" Bahagyang gumaan ang loob ni Cecilia sa narinig. "Tara na. Baka mapagalitan pa tayo ni Mama Sang." Hinila siya nito palabas ng kuwarto at pinaupo sa hallway kung saan dumaraan ang mga guest. Hindi nagtagal ay may unang lumapit kay Maribel. "Hoy, tandaan mo ang bilin ko. Kapag ikaw ang napili, magpa-cute ka lang at utuin mo ang customer. Magkakadatong ka niyan," pabulong nitong sabi bago sumunod sa lalaking pumili rito. Kinakabahang pinaglaruan ni Cecilia ang kaniyang mga daliri habang naghihintay. Ngunit ang totoo, taimtim siyang nananalangin na sana ay walang pumili sa kaniya. Hindi niya ginustong mapunta sa lugar na iyon. Napilitan lamang siya dahil tinakot siya ng kaniyang tiyahin na palalayasin siya sa bahay kapag hindi siya pumayag. Noon pa man ay pangarap na niyang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit hindi iyon natupad. Hindi siya pinayagan ng kaniyang tiyahin na ipagpatuloy ang pag-aaral at agad siyang pinagtrabaho kaya hindi man lamang siya nakatapos ng high school. Maayos pa sana ang buhay nila noon habang nabubuhay ang kaniyang mga magulang, ngunit isang malaking sunog ang kumitil sa buhay ng mga ito at tuluyang nagpabago sa kaniyang kapalaran. "Mamili ka na ng babae, Bro," narinig niyang sabi ng isang lalaking bagong pasok. Napatingala siya. Tatlong lalaki ang pumasok, at ang dalawa sa mga ito ay nakapili na ng babaeng makakasama. "I already told you, I don't want to. Hindi iyan ang dahilan kung bakit ako pumayag na sumama sa inyo," malamig na sagot ng isa. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Makapal ang mga kilay nito, matangos ang ilong, manipis ngunit mamula-mulang mga labi, at may bahagyang bigote at balbas na lalo lamang nagdagdag sa taglay nitong kaguwapuhan. Ngunit ang higit na nakatawag ng kaniyang pansin ay ang pambihirang kulay berdeng mga mata nito. "Kaya ka nga namin dinala rito para makalimutan mo si Francesca," ani ng isa nitong kasama. "Sino ba ang nagsabing dalhin ninyo ako rito?" "Come on, Bro. Nandito na tayo. Let's just enjoy the night while we can," saad naman ng blondeng lalaki. Napahigpit ang hawak ni Cecilia sa kaniyang mga kamay nang biglang mapatingin sa kaniya ang guwapong lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Siya na lang." Bahagya siya nitong itinuro. "All right!" Nag-high five ang dalawang kasama nito. "Lumapit ka na, Cecilia," bulong ng isa niyang kasamahan. "S-sige." Kabado siyang lumapit. "H-hi..." Ngunit hindi man lamang siya nito binati pabalik. Tumango lamang ito at naunang naglakad papunta sa VIP room kaya tahimik siyang sumunod. Sa loob ng silid ay magkatabi silang nakaupo. Tahimik lamang itong umiinom habang siya nama'y hindi alam ang gagawin. Samantala, ang dalawa nitong kasama ay abala sa pagkanta, pag-inom, at pakikipagkuwentuhan sa mga babaeng napili nila. "Um... First time mo rin ba rito?" lakas-loob niyang tanong. Tinaasan siya nito ng kilay. "Why do you ask?" Bagaman hindi siya nakapagtapos ng high school, nakaiintindi naman siya ng Ingles. "Kasi... ang tahimik mo. Parang hindi ka komportable." "It's not my first time. Hindi ko lang talaga ugaling pumunta sa mga ganitong lugar." "Ganoon ba?" Muli siya nitong sinuri. "First time mo?" Marahan siyang tumango. "Halata nga. Ni hindi ka umiinom." "Gusto mo bang uminom ako?" "Kung ayaw mo, huwag." Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. "Pasensya na. Hindi ko naman talaga gustong magtrabaho rito." Nangunot ang noo nito. "Then why are you here?" "Kailangan." Napailing ito habang bahagyang natatawa. "Gasgas na palusot. Maraming matinong trabaho ang puwede mong pasukan, pero sa huli, dito ka pa rin napunta." Hindi na siya sumagot. May punto rin naman ang lalaki. "How old are you?" "Twenty-one." "Too young for this kind of job." Naningkit ang mga mata nito. "Ginagamit mo ba ang pagiging inosente mo para manguto ng mga lalaki? Pang-ilan na ako?" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. "Para sa kaalaman mo, birhen pa ako!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw. Dahil doon ay napatingin sa kanila ang lahat ng nasa loob ng silid. "Woooh!" Agad siyang yumuko dahil sa matinding hiya. Narinig niya ang mahinang pagtikhim ng lalaki. "Is that true?" Marahan siyang tumango. "Pinilit lang ako ng tiyahin kong magtrabaho rito. Hindi ko talaga gustong mamasukan dito." Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kaniyang kamay. "Lalabas lang kami." Hindi na nito hinintay ang reaksiyon ng mga kasama at hinila siya palabas ng VIP room. "Saan tayo pupunta?" "Iuuwi na kita." Mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay. "Hindi puwede. Magagalit ang tiyahin ko." "Magkano ang kailangan mo?" Hindi siya agad nakasagot. "Magkano ang kailangan mo? Tell me." Kinuha nito ang makapal nitong wallet mula sa bulsa. Mabilis siyang umiling. "H-hindi mo kailangang gawin iyan." "Kung hindi mo talaga gustong magtrabaho rito, then don't." Naglabas ito ng makapal na bungkos ng pera at marahang inilagay iyon sa kaniyang mga kamay. "Sa halagang iyan, puwede ka nang magsimula ulit." Mabilis siyang napailing. "H-hindi ko puwedeng tanggapin ito." "Come on. Kapag hindi mo ito tinanggap, iisipin kong nagsisinungaling ka lang." "Hindi ako nagsisinungaling." "Then accept it." "P-pero... ayokong isipin mong pinagsasamantalahan ko ang kabaitan mo." "It doesn't matter. Hindi mo naman ako pinilit." "S-sigurado ka ba?" "Mukha bang hindi?" "Pero... baka mawalan ka ng pera. Puwede naman nating hatiin." Napatawa ito nang mahina. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. "Don't worry about me. Sarili mo muna ang isipin mo." "S-salamat." "Basta ipangako mo sa akin na hindi ka na babalik sa lugar na ito." Mabilis siyang tumango. "Gagamitin ko ito sa tamang paraan, Mr..." "You can call me Raim." "Maraming salamat, Raim. Napakabuti mo." Tumango lamang ito. Hindi akalain ni Cecilia na sa lugar na puno ng takot at pangamba ay makakatagpo siya ng isang estrangherong handang tumulong sa kaniya nang walang hinihinging kapalit. "Sige, mauuna na ako." "Sige... Maraming salamat." "Iyong pangako mo." "Oo. Pangako." Tahimik niya itong pinagmasdan habang sumasakay sa sasakyan hanggang sa tuluyan itong nawala sa kaniyang paningin. "Paalam, Raim..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook