23 : Friends

2936 Words

Apat na pares ng gulantang na mga mata. Limang segundong muling pagkakabingi dahil sa putok ng baril. Isang lagabog mula sa katawang humantong sa sahig. Hindi ko na alam kung paano ang huminga. “Aalis kayo rito o hindi na kayo makakabalik sa mga pinanggalingan ninyo?” anang lalaki matapos ang mahabang katahimikan. Walang kahit na sinong pumangahas na gumalaw sa aming apat. Ultimong paghinga namin ay tila limitado sa kabila ng paghangos. Tanaw ko mula sa sahig na kinasasadlakan ang pabilog na butas sa kahoy na dingding sa labas ng kwarto, sa gilid lamang ng nakatayo at tila nanigas nang si Mike. Si Dina ay laglag ang panga at tulala sa sahig na animong tinakasan ng kaluluwa sa sobrang gulat. Kita pa ang bahagyang pag-usok ng nguso ng shotgun na hawak ng lalaki dahil sa putok, ng sandali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD