“Eunice, sa’n ka pupunta?” I heard Cali going after me. “Babalik ako sa rest house.” “Have you lost your mind? Gusto mo na bang mamatay? Dina didn’t mean it—bumalik na tayo ro’n!” “Leave me alone and go back to them. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita at nakakausap si Terrence.” Sandaling katahimikan ang namayani bago ako napasinghap dahil sa marahas na ginawa niyang paghila sa braso ko paharap sa kaniya. Natigilan kaming pareho sa paglakad sa gitna ng gubat. “Hindi ka babalik sa bahay na ‘yon.” I gave him an incredulous, almost sarcastic look. “And who are you to decide that for m—” “You’re not that stupid. Kung gusto mong bumalik do’n, sasama kami—pero kailangan natin ng plano.” Ilang beses akong kumurap at natulala sa kaimposiblehan ng sinabi niya. Did he think I wa

