Segundo lamang ang lumipas nang mapatili ako matapos walang habas niyang tinadyakan ang likod ni Cali. Ang paa niya’y nanatiling nakadiin sa likod nito nang bumagsak ang huli sa madamong lupa. “Cali!” Ang pamilyar na takot ay nakahanap ng lugar sa akin nang muling itinutok ng lalaki ang baril sa ulo nito—ang daliri ay naroon na sa gatilyo at handa nang kalabitin iyon. “Mga bata nga naman—hindi marunong umintindi,” mariing usal ng lalaki pagkasulyap sa akin. “Ano sa sinabi kong umalis kayo rito ang hindi ninyo maintindihan?!” Napatalon ako sa bigla niyang sigaw. May ilang ibon ding nagliparan na animong nabulabog dahil sa lakas ng boses niya. Tinangay ng nagdaang malakas na ihip ng hangin ang ilang tuyong dahon at maliliit na sanga sa lupa. Cali groaned. “How the hell are we supposed t

