“Eunice! Get to the house!” sigaw ni Cali sa dalagang panandaliang naestatwa sa kinatatayuan. Hindi niya ininda ang mga tamang sinapit sa lalaki kanina lang at patuloy pa rin sa pakikipagbunuan dito sa hawak na baril. While putting pressure using his arm on the man’s throat, he took a quick glance at Eunice’s direction—patungo na ito pabalik sa rest house. At kailangan niyang pigilin ang lalaking ito hanggang sa marating ng dalaga ang huling kwarto—para alamin kung ano ang naroon. Hindi man maganda ang kutob ay wala na silang ibang magagawa pa kundi ang sumugal. Nang muli niyang binalingan ang lalaki ay sinalubong siya nito ng isang suntok. But it only ended up grazing his cheek because the man was becoming weak from choking. Sinamantala ni Cali ang pagkakataon upang agawin ang hawak nit

