Wearing a plaid shirt on top of a white t-shirt, black jeans and sneakers the same way Terrence dressed. “S-Sino ka?” ang tanging mga salitang nahugot ko mula sa magulong isip. Itinabingi nito ang ulo patagilid, hindi pa rin humuhupa ang namamanghang ngiti at tingin. “Hmn? Can’t you tell?” Matagal itong tumitig sa akin, unti-unting namimilog ang mga mata na tila hinihintay akong matanto ang gusto niyang ipakiwari. Sabay nitong iniangat ang magkabilang palad sa ere, iminaniobra ang sarili at saka humagikgik bago inanunsyo ito, “I’m Terrence!” Who the hell is this girl? Parang gusto nang kumawala ng puso ko mula sa dibdib dahil sa marahas niyong pagtahip. May kung ano sa taong ito na nagsasabi sa aking nasa maling lugar ako—at kailangan kong makaalis. Tila nahahapo sa paghinga, mabilis

