Buong sandali akong tulala sa dalawa hanggang sa marinig ko ang maingay at magkakasunod na yabag palapit. “Anong nangyari?!” Pinanood ko ang dire-diretso nitong pagtungo sa magkapatid hanggang sa manuhod sa tapat ng mga ito, ang walang paglagyang gimbal sa ekspresyon nito’y unti-unting napalitan ng panlulumo. Everything was like a bitter pill to swallow. Ayaw niyong mag-sink in sa utak ko kahit malinaw na sa harapan ko ang sagot. Para akong lumulutang at nakahiwalay sa sarili kong katawan habang pinanonood ang lahat ng iyon. Terrence’s twin wasn’t a boy and definitely not dead. She was a psychopath being confined here in a secret room for years—but still managed to kill those girls. How did any of that make sense? “Susunduin ko ang doktor niya. Ikaw muna ang bahala sa kaniya habang w

