Ang Kaharian ng Nogariah
Mula sa Noxaria ay may hinihintay na Ikatlong Gammastor, Ngunit maraming naghangad na ito ay hadlangan.
Hindi madali Kay Sauro na maging Gammastor, Ngayon pa lang alam niya na hindi madali ang itinakda para sa kanya,
Nilimot niya na ang pangalang Sauro,muli niya itong ginamit.At Ngayon ay magpapalit muli siya ng pangalan,kailangang tuparin niya ang itinakda na kailangan niyang gumamit ng itim na mahika.
At magkunwaring kakampi ng Wakardland,
Dahil yun ay kailangang mangyari upang maging isa siyang Gammastor.
Ngayon siya ay tinatawag sa pangalang Nurdo,Ang manggagaway ng Wakardland.
Hindi madali na siya ay magkunwari.
Inatasan siyang maging espiya sa Wakardland,sa loob ng tatlong taong pagiging espiya,marami siyang nalaman kung paano lulusubin ang Wakardland.
At Ngayong tapos na ang misyon niya ay kailangang maging Hari siya ng Nogariah.
Ngunit ang Reyna Doon ay hindi niya kasundo,Si Rhena ang Reyna Doon.
At utos sa kanya ni Shaira ay pansamantala siya muna ay isang Pari ng Kaharian.
"Maligayang pagbabalik Lucifero,
Ikaw ay inatasan ng Konsilyo na maging Pari dito,Kami nagagalak sa pagbabalik mo
Sauro.",Saad ni Janissa.
"Nandito ka pala Janissa. ",Saad ni Lucifero.
"Isa akong Kardinal na Tagapagmasid na diwata,Kung saan saan ako pinapadala ng Pinuno ng mga Immortal, nandito upang gabayan pansamantala ang Nogariah.",Tugon ni Janissa.