"Kuya, how did you get her pregnant?" tanong ni Yna sa lalaking mahal niya. Nag-iinuman ang mga ito ngayon dito sa terrace ng bahay ni Ivan. Animo'y may malaking okasyon dito ngayon kahit wala naman dahil sa sobrang dami ng pagkain kasabay ng pagbaha ng maraming alak. Ang mga kaibigan nina Ivan at Ethan ay nagpipingkian ng mga baso at sabay na tumatagay samantalang siya ang nakaupo sa likuran ni Ivan. Ang noo niya ay nakadikit sa likod nito habang ang mga kamay niya ay nakapalibot sa baywang nito. "Kuya, paano niyo ginawa 'yan?" Kanina pa aburrido si Ivan dahil paulit-ulit na lang ang tanong ng kapatid nito. Kahit pa nga kanina pa siya naiilang ay hindi pa rin ito tumitigil sa katatanong. "Will you zip your mouth, Yna? I got her pregnant the way you get pregnant by your husband? What

