Kanina pa hinihilot ni Ivan ang sarili nito dahil si Shaira ay iyak nang iyak sa pelikulang pinapanood nito. Namumula na ang dalawang mata nito at ganoon din ang ilong nito. Kanina niya pa gustong patayin ang telebisyon pero sa tuwing gagawin niya iyon ay nagagalit ito sa kaniya. Lalayasan daw siya nito at itatago nito ang anak niya. Minsan napakalambing nito pero madalas ay nagbabanta ito ng kung ano-ano. "Baby, stop crying!" Hindi niya alam kung ano ang pinapanood nito dahil wala naman siyang hilig sa mga pelikula kaya hindi niya alam kung sobrang nakakaiyak ba talaga ang pinapanood nito o hindi. He prefers to watch the news than drama. Imbes na tumigil ito ay mas lalo pa itong humagulgol. "Why are you crying in that f*****g movie you're watching? Are you going to cry until the

