Episode 67

1206 Words

Kanina pa hindi pinapansin ni Shaira si Ivan dahil naiinis siya rito. Kahit anong gawin nitong pagmamakaawa at paglalambing ay nagkukunwari siyang hindi ito nakikita—Pero dahil sa kinukulit siya nito ay sinasagot niya ito paminsan-minsan. "Baby, let us eat? Hindi ka pa ba nagugutom?" "Kakain ako kung kailan ko gusto," mataray niyang sabi rito. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa siya kumakain dahil pakiramdam niya ay wala siyang gana dahil sa mga nangyari. Isa pa, mainit ang dugo niya ngayon sa lalaking nasa harapan niya dahil hindi niya matanggap na itinanggi nito ang mga anak nila tapos ngayon umaakto ito na para bang wala itong ginawang masama sa kanila. Gusto niya itong sampalin hanggang sa mamaga ang mukha nito pero hindi niya naman magawa kaya idinadaan na lamang niya sa malami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD