Kagaya ng sinabi ni Shaira ay hindi nga tumabi sa kaniya si Ivan. Hindi niya alam kung saan natulog ang lalaki dahil kagabi ay ipinagtabuyan niya talaga ito. Tinakot niya kasi ito na kapag hindi ito lumabas ay siya ang lalabas para mag-abang ng sasakyan pauwi sa Quezon City kaya naman bigla itong nataranta. At dahil hindi siya kumain kagabi ay nakaramdam siya ng gutom kaya naman napagdesisyunan niya na bumangon na at lumabas na ng kuwarto. Nadatnan niya si Ivan na nakahiga sa upuang kahoy habang mahimbing na natutulog. Wala itong kumot kahit pa nga napakalamig sa mga oras na ito. Bigla tuloy nawala ang inis niya at napalitan ng awa kaya naman bumalik siya sa silid kung saan siya natulog at dinampot niya ang kumot na ginamit niya para ibalot sa katawan nito. Kahit naaawa siya rito

