Hindi alam ni Ivan kung ano ang dapat niyang gawin para mapatawad siya nito agad. Animo'y isa siyang hangin kung ituring nito ngayon. Ayaw din siya nitong makatabi sa pagtulog o makita ng matagal. Nababahuan daw ito at naaalibadbaran sa hitsura niya. Ang baho raw ng hininga niya at kung ano-ano pa na hindi naman talaga totoo. Nasa loob ito ng kuwarto ngayon habang siya naman ay nasa sala at nag-iisip kung ano ang p'wede niyang gawin para mawala ang galit ni Shaira. Ni-lock nito ang pinto sa kuwarto kaya hindi siya makapasok. Gusto man niya itong pasukin sa loob ay hindi niya magawa dahil baka mas lalo pang lumaki ang galit nito sa kaniya. Kung hindi lang ito buntis ay kanina pa sana niya ito pinasok sa kuwarto niya para bigyan ng kakaibang parusa na hinding-hindi nito makakalimutan

