"Bakit nandito ka na naman? 'Di ba sabi ko doon ka lang sa labas matulog hanggang sa manganak ako?" "Malamig sa sala," pormal niyang tugon kunwari para alam nito na sawa na siya sa labas matulog. "Hindi ako nakakatulog ng mahimbing doon dahil sobrang lamig. Hindi na nga ako nawawalan ng sipon, eh." Ilang araw na siyang natutulog sa labas kaya ngayon sa ayaw man nito o sa gusto ay dito na siya matutulog sa loob. "Eh, 'di magkumot ka." "Don't worry, I won't sleep beside you," inis niyang sabi rito. Siya na mismo ang naglagay ng unan sa pagitan nilang dalawa para hindi niya ito maistorbo sa pagtulog. Humiga rin siya patalikod dito para hindi nito makita ang mukha niya na lagi nitong inirereklamo. Ipinikit niya agad ang mga mata niya para isipin nito na tulog na kaagad siya. Nakakasawa

