A DAY EARLIER… THIRD PERSON’S P.O.V. Diretso ang lakad ni Elisse sa coffeemaker at salubong ang kilay na sinalubong ang umaga. Napatingin pa siya sa kalendaryong nakapatong sa mesa at pinakatitigan ang petsa ngayon. April 12, 2021 “I just have to get this day over as soon as possible.” Aniya sa sarili at pilit kumalma habang dahan-dahang napupuno ang tasa niya ng kape tsaka naglakad papuntang veranda. Siyam na taon na siyang naandon. At kahit na private villa iyon, at sa kabuuan ay isang vacation resort, ay naging tirahan niya na iyon sa loob ng siyam na taon mula ng umalis siya sa Pilipinas at tinakasan ang problema ng kanilang pamilya. Tinatanaw, at tatanawin niyang pinakamalungkot na trahedya ng kaniyang buhay ang pamilya nila, at ang ama niya ang sumira niyon. Batid niyang may

