Aniya sabay turo sa bote na pasimpleng nakatayo sa likod nito. Kinuha niya lamang ito ng walang alinlangan at iniabot sa dalaga na napako na ngayon ang tingin sa whiskey. Gamit ang kamay, ay akmang kukunin niya ang alak, pero imbes na sa bote ang kamay niya, ay ipinwesto niya iyon sa kamay ni Ethan, at walang isang Segundo ay hinila ito. Masyadong matigas ang pagkakasandal ni Ethan sa gilid ng pool kaya naman ang dalaga ang nahila sa kaniyang pwesto at napatayo sa eksaktong tapat niya. Mabilis niya iyong nagawa kaya ng makapag reak siya ay nasa mismong harapan niya na ang dalaga habang ang kaliwang kamay nito ay nakapatong sa kaniyang balikat, at ang kanang kamay niya ay hawak ang alak kung saan siya simpleng uminom roon habang pinagmamasdan lamang siya ni Ethan na ilang sintemetro la

