Tahimik lamang na pinagmasdan ni Ethan ang papalayong kabuuan ni Martine hanggang sa lamunin na siya ng tanawin at naiwan siyang mag-isa sa dalampasigan upang makapag-isip.
“Hanep namang bakasyon to. Sinasapak ka ng panibagong problema.”
Kung problema lang sana sa trabaho, ay hindi ganong mababahala si Ethan. Pero dahil babae iyon, hindi maipaliwanag ang kaba niya sa dibdib. If a woman comes, and kung totoo man ang haka-haka na mamahalin niya ito, he’s doomed.
Commitment, ang ayaw na ayaw niyang pasukan.
Loving one woman his whole life? How is that even possible?
“Magpapakulong ako sa isang babae buong buhay ko? Hell no!”
Sigaw pa niya tila kausap ang baton a animo’y may sarili rin iyong pag-iisip. Ng mapansin niya kung gaano ka nagmumukhang tanga siya ginagawa ay inis na ibinalik niya ang bato sa bulsa. Sakto namang nag ring ang cellphone niya at walang pasubaling ay sinagot niya na ito kaagad, alam na alam kung kanino iyon galing.
“Ang bilis mo naman atang sumagot ng tawag ngayon?”
“Dahil mabilis ko din tong papatayin. Sabihin mo na anong kailangan mo, Ajero. Marami akong iniisip.”
Napahalakhak naman si James sa tuwa at agad na pinatay ang laptop niya tsaka tumayo at lumipat ng upuan malayo sa desk niya habang panay ang interes sa iniisip ng kaibigan.
“Ikaw lang ang nagbabakasyon ng maraming iniisip. Ilan sa mga yan ang dulot ng libog mo?”
Nagsimula niyang biroin ang kaibigan na tila hindi na lamang pinansin ang sinabi niya at seryosong nakatingin sa kalangitan.
“Buhay ka pa ba?”
“Kakasabi ko lang na marami akong iniisip, Ajero. Wag ka nang dumagdag.”
Naintindihan naman ng kaibigan na hindi na nga siya nagbibiro at seryosong usapan na nga ang marami siyang iniisip.
“All right, what seems to be the problem?”
“I’m cursed.”
“Hnidi ako mautak sa figures of speech. Klaruhin mo yang pananalita mo, Ethan.”
“Nasabi ko na ba sayong may escort ako na sumundo sakin sa airport?”
“Hindi, pero matik naman yun pag VIP ang book sa mga international resorts. Talagang sinusundo ka nila mula airport. Ano meron, ninakawan ka ng escort mo? E wala ka namang dalang gamit.”
“Pwede ba wag mo muna akong pangunahan?!”
Sigaw niya ng may bahid na inis at tila hindi naman inaasahan ni James ang ganong init ng ulo nito at madaling nawalan ng pasensya. Kahit gaano siya kakulit, ay bihira lamang naiinis si Ethan sa kaniya, dahil sing taas ng Mt. Everest ang pasensya neto, hindi maabot abot.
“Okay, so anong meron sa escort mo?”
“Binigyan niya ako ng bato. Well, not really by force, he offered me one, at tinanggap ko na lang.”
“Edi lunukin mo.”
“Ano?”
Takang tanong ni Ethan at sandaling tiningnan ang laki ng bato at kung kakasya ba iyon sa lalamunan niya.”
“Sabi ko, lunukin mo. Tas sigaw ka ng, Darna!”
“PUNYETA!”
“Hahahahahahahaha! Bakit ba kasi? Anong meron sa bato na yan at ganon karami ang iniisip mo?”
“Sabi niya, matchmaker’s stone daw ang tawag neto. Kapag tinanggap ko, bibigyan ako ng isang matchmaker ng babae.”
“Eh wala naman pa lang mawawala sayo eh. Malaki pa ang makukuha mong grasya!”
“Eh kung ganon lang sana kadali yun.”
“Ano nga kasi ang problema?”
“Looks like I’m gonna be tied to that woman. Kakakilala ko pa lamang nung isang lalaki dito, binigyan daw siya kaparehong bato nung una siyang beses napunta. Tinanggap niya, pero tinapon niya naman. Edi natagpo niya yung babae, ang kaso nawala. Tinakasan siya, mukha yata.”
“And? What’s the problem with that?”
“Eh pano kung ganon rin ang bagsak ko pag nagkataon?”
“Ethan, my friend. Eh parang kakasabi mo lang sakin kagabi kung ilang taon na ako at naniniwala pa ako sa mga sirena. Ano ka ngayon? Napapaniwala ng isang ordinaryong bato? Eh ang bilis mo naman atang kinain yung pinagsasabi mo?”
“Look, you hate commitment, right? You do not believe with the idea of loving one woman for the rest of your life. At siguradong sigurado ka dun, kasi nga sabi mo, it’s a man’s nature. We’re beasts, we can’t be tamed.”
“What does that have to do with this?”
“Edi itapon mo yang bato tulad ng ginawa niya. Meet the woman, spend time with her, if she disappears, so what? Edi tinulungan ka na ng tadhanang layuin siya sayo. Eh yon naman yung tipo mo diba, one night stand?”
Aniya nito sabay diin sa salitang ONE NIGHT STAND na siyang kinakunot naman ng noo niya.
“Eh bakit naman ganon na lang kainit ang ulo mo ngayon eh ako naman ang may problema?”
“Kung ikaw ba naman ang gisingin minu-minuto ng telepono mo sa mga tawag na akala mo naman importante ay hindi pala. You know how many times I had to wake up last night the whole night to f*****g answer unimportant calls?! 12 f*****g times, Mr. Valdez. Lahat yun galling sa babae mo, at tinatanong ako kung nasan ka.”
Galit niyang sinigaw sa telepono habang pinapakalma ang sarili. Sa lahat ng ayaw niya, ay yung nakukulangan siya ng tulog. Yun lang ang tanging pahinga niya, at kukunin pa yun ng mga babae dahil lang sa kaibigan niya.
“Eh bakit mo naman kasi pinapamigay ang number mo kahit kanino. And besides, hindi mo ba alam pano mag set ng phone mo to reject calls past 8 P.M.?”
“You know I have other businesses way past bedtime. At bakit parang kasalanan ko pa na tinatawagan ako ng mga babaeng yun? Ako ba ang nagkama sa kanila? Hindi pamimigay ko ng kani-kanino ng number ko ang punto. The point is, stop making out with women na hindi mo naman pala iuuwi sa simbahan? Kanina lang nagpila ang babae sa front desk ng opisina, lahat babae mo. How would that have looked kapag may bigtime tayong bisita pag nagkataon?”
“My personal life, has nothing to do with my work. As long as hindi naapektuhan nun ang efficiency ng trabaho ko, there’s nothing wrong with it.”
“That’s the problem with you, Ethan. Nawawala ang consideration mo sa ethics ng trabaho. Alalahanin mo rin sana na dala mo ang kompanya, you have employees. It doesn’t look good na nakakabit sayo ang title na womanizer sa social parties.”
“Kahit isang libong babae ang ikama ko, wala ka dun. This is my body, and my personal decisions.”
“Fine. Edi itapon mo yang bato. Go ahead, ani mo nga di ba? The situation is working perfectly with your mindset, bed with the woman, and she’ll disappear herself.”
“Eh pano naman kung maulol ako sa babae just like what happened with that man I just talked to? You haven’t seen how he looked like, James. Nakakaawa. Para na siyang mamamatay, nangangamoy ng alak. He looked lost and desperate. He’d been searching that woman for one whole year, he’s going crazy. Kanina habang nagkekwento siya, hawak hawak niya ang pendant sa kwentas niya, and it was an engagement ring. Ganon siya kaulol sa babaeng yun na kahit isang buwang pa lang niyang kilala eh pakakasalan niya! I don’t want to end up like him.”
“Edi pag nagkataong naulol ka din sa isang babae, that proves you wrong. Men are beasts, but a woman has tamed you.”
“Kaya nga nag-iisip ako ng paraan para hindi ko Makita yang babae hindi ba? Hindi ako pwedeng kontrolin kasi hindi naman ako aso.”
Sandal namang natahimik si James at hindi nagsalita habang dahan-dahang binuksan ang takip ng whiskey saka nagsalin sa isang baso at ininom yun ng may ngiti sa labi habang naaalala ang nasabi ng kaibigan sa iyo.
“Would you look at this, Ethan. Mukhang nauuulol ka na nga eh kahit hindi mo pa natatapon yang bato.”
“Ano na naman ang pinagsasabi mo riyan, Mr. Ajero?”
“Nag-iisip ka ng paraan para hindi mo Makita yung babae? Gano ka kasiguradong hindi mo pa nakikilala ang babae?”
Sandali namang natahimik si Ethan at hindi mapigilan ang t***k ng puso habang ginawi ang tingin sa bahagi ng dalampasigan kung saan niya nakita ang babaeng nakahiga kagabi.
“N-no, that can’t be.”
“Relax, Ethan. Babae lang yan, not dangerous. Kapag terorista, maiintindihan ko kung magiging ganiyan ang reaksiyon mo, but for a woman? Hindi bang parang sobra naman ang pagkatakot mo? Eh diba ilan naman sa mga yan ang nakama mo, tapos ngayon katatakutan mo na?”
Muling nagsalubong ang dalawang kilay niya ng mapansing nag-iba ang tono ng pananalita ng kaibigan sa kabilang linya. Halata ang inis neto, at kung magbiro ay hindi na kaswal ang tono, nang-iinis na ang paraan ng pananalita nito na para bang may pasiring na pinapahiwatig.
“Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi mo diyan?!”
“Of course you wouldn’t know. That woman, Lia, yung humabol sa atin nung araw ng flight mo, yung muntik ng pumatay ng buhay ko sa lupit ng pagmamaneho? She’s pregnant. Of course you wouldn’t need an investigation para malamang sayo yun. She was two months pregnant, imagine how would that have looked like kapag niluwal na ang bata. May tatakbong maliit na Ethan sa office at mabubunggo siya sa lamesa. Syempre iiyak, tapos papatahanin ng Tito James. And of course, that imagination wouldn’t look really good for you, at hindi ka matutuwa. Because you hate children, just as much as you hate commitment. So don’t worry, kasi mukhang pinapaburan ka nga ng swerte. Nakunan siya, hindi na nakayang lumaban ng bata”
“O-oh. H-how is she?”
“How is she?! Of course she’s not fine. Eh nakunan lang naman ng anak yon. Tatanungin mo ba kung makakatulog pa ako ng mahimbing mula ngayon? Eh sa harap ko pa mismo nakunan yung babae. Kitang kita ko ang putang-inang dugong yan na dumaloy sa binti niya. You know how much I hate that scene, Ethan. You know, how much I am traumatized with that. At talagang sa mukha ko pa pinakita ang ganong sitwasyon? Wow naman! Parang ako ang nagkama dun ah!”
“I’m sorry, James.”
Wala na siyang masabi.
Malaki ang kasalanan niya.
Aaminin niyang hindi siya gaanong nakonsensiya sa pagkalaglag ng bata, he’s never fond of children, at hindi niya ipinagmamalaki yon. He’s ashamed of it, pero walang saysay kong itatanggi niya kung ano ang nasa kaloob-looban niya.
Pero mas Malaki ang kumutaw sa konsensiya niya para sa kaibigan.
James lost his child sa pinakamamahal nitong nobya 3 years ago.
Alam niya kung gaano neto kagustong magkaroon ng bata, at hanggang ngayon ay labis pa rin ang pangungulila sa anak at nobya niya. Kung kaya’t wala siyang masabi.
“Look, Ethan. I have no say with your life, kasi hindi ko naman yang buhay. I’m just giving you an advice as a friend, to please be a little responsible with the consequences of your actions. Women, they’re not s*x toys, they’re not something to be played with, at hindi sila pangkama lang. You have to learn that the hard way. Mukhang tama lang na pagdaanan mo yan ngayon. I hope you’d be a bit more mature by the time you return.”
“What does that mean? Wag mong sabihing-“
“You’re right. I planned your vacation myself. I just had Tita Emily na magbigay sayo nun para hindi ka makaayaw. And yes, hindi ko randomly pinili ang lugar kung san ka magbabakasyon. At first, plinano ko talaga ang bakasyon na yan para lang makapagpahinga ka. You deserve a rest. Pero ng aksidente kong Makita ang website ng Lover’s Island at nabasa ang kakaibang mga reviews ng ibang guests dun, hindi na ako nagdalawang isip na mag book ng private villa para sayo. I thought maybe if you find a woman, hindi ka na babalik sa bisyo mop ag nakabalik ka dito. My only goal was for you to face what real love means. I know you’re Dad was a womanizer, but that doesn’t mean that the same goes for you. Mas maraming lalaki ang nagmamahal ng iisang babae lamang buong buhay nila. I want you to learn the real love. Pero hindi ko alam ang tungkol sa bato na yan. That’s where it gets tricky.”
Napaawang na lamang ang labi ni Ethan habang nakatingin sa bato at saka na kinuyom ang kamao ng pagkahigpit higpit dala ng matinding galit na namumuo sa kaloob-looban niya.
“Tricky? That’s what you call it?! WHY THE f**k WOULD YOU DO THIS?!”
“You’ll soon understand why I had to do it. You’ve already met the woman. And I know you, papatayin ka ng curiousity mo kapag hindi mo nalaman kung sino ang babaeng yun. Magpakatino ka na, maawa ka naman sa magiging anak mo kung sa kanila mabigay ang karma ng lahat ng ginagawa mong kalokohan ngayon, pre. You have to learn it the hard way.”
“Kapag nakabalik ako diyan, papatayin kita!”
“Oh, if you’d still want to return.”