WOMAN

2165 Words
“Naapakan nga lang, kailangan talagang hanapin pa kung ano yun? Kinain na ng buhangin at nagtago na’t laha’t lahat, talagang binunot pa ng letseng kamay.” Inis na bulong niya sa sarili habang walang pamimilian kung hindi ang dalhin ito kasama ang t-shirt niya at naglakad pabalik sa kaniyang private villa. Nagpaalam na rin si Sali na mauwi at hindi naman sila makakalabas dahil sa sama ng panahon na ani ni Sali, ay mukhang alam niyang saan nanggagaling. Mahina na ang ulan, bagama’t may mga maliliit na butil pa rin ang pumapatak kaya hindi pa rin lumalabas ang mga bisita sa isla at nanatili sa loob ng kanilang tinutuluyan. Nawala na rin ang malakas na hangin at nakatayo na ang mga puno ng niyog ng hindi sumasayaw, pero hindi pa rin nawawala ang kapal ng ulap sa kalangitan. Mabilis na naligo si Ethan at nagpalit ng tuyong damit bago muling binuksan ang ref at kumuha ng bote ng alak. Hindi niya namalasang ubos niya na ang lahat ng bote at lata ng beer. At whiskey na lamang ang meron siya, kasama ang wine na hindi niya naman nagugustuhan ang lasa. Pinaharap niya ang orasang nakapatong sa mesa at mag aalas singko na. tahimik na naglakad siya palabas ng veranda at pinakatitigan ang kalmadong karagatan, at ang langit na hindi matanaw ang sikat ng araw. Hindi kapansin na lumulubog na ito ngayon ng dahan-dahan sa likod ng makakapal na ulap habang naliligo sa ulan ang buong isla. Kinapa niya ang bato sa loob ng bulsa tsaka pinakaintindi ang nasabi ni Sali sa kaniya tungkol dito. “Kung tatanggapin ko daw ito, ay binibigyan ko ng basbas ang matchmaker na hanapan ako ng babae bago ang araw na umalis ako sa isla. Kung ganon, dahil aalis nako mamaya, at hindi ko pa din naman nahahanap ang babae, I just have to stay here. That way, walang sinumang babae ang kumutaw sa isipan ko. Or better yet, I just leave the island right now.” Aniya sabay lakad pabalik sa loob ng bahay at binunot ang telepono. “Lover’s Island Quarter III Front Desk, this is Amea. How may I help you?” “Hi, this is guest on Private Villa no.7. I was wondering if you can arrange me an escort out of the island. I need to leave for an emergency. It won’t matter if I ride the public transport or a private yacht. Either of the both will be fine to me.” Sunod sunod na sabi niya sa receptionist sa kabilang linya na tahimik namang nakikinig sa kaniya habang alam na agad na ang kaniyang isasagot dito. “I understand Sir, but I am so sorry to tell you that the sea transport service of the island is on hold for the moment. We are still monitoring the behavior of the sea outside the coast, and the management has released a statement that it is not yet safe to travel into the sea. I’m afraid I cannot help you with the matters.” Sandali siyang natahimik, habang ang kaliwang kamay ay mahigpit pa rin ang hawak sa bato na animo’y kusang bumalik sa kaniya ng malamang hindi nito sinasadya ang pagtapon sa kaniya sa dagat. “I see. Thank you.” Yun na lamang ang tanging naisagot niya at ibinaba ang telepono saka kinuha ang isang baso ng whiskey at muling lumabas. Malapit nang gumabi, at mas naging kampante ito habang lumilipas ang oras. Kahit ayaw siyang ihatid, kayang kaya niya namang langoyin iyon kong gusto niya. Magiging mahirap nga lang pag-gabi, at talagang dalawang oras niyang lalangoyin. Mawawalan siya ng kamay pagka-ganoon. Akmang hinahanap sana niya ang pinaglagyan niya ng cellphone ng maalalang nasira niya nga iyon ng isama niyang sumisid sa dagat. “Right. I can hire a private yacht para sunduin ako dito.” ani niya sa sarili at hindi nawawalan ng pag-asa na makakaalis siya ng walang problema. Tapos niya nang gawan ng paraan ang ticket, kaya gagawin niya ang lahat ng alam niyang paraan para makaalis sa isla bago mag alas otso ng gabi. May dalawang oras pa siyang dapat sayangin bago pumatak ang alas siyete. At nakakailang bote na siya ng beer. Kakaubos niya lamang ng isang bote ng whiskey, at parahan siyang naglakad papasok at kumuha ng isa pang bote ng whiskey sa loob ng ref saka binuksan iyon at uminom mula sa bote. “The hell I care if it’s his birthday?!” Naudlot ang paglunok niya ng whiskey sa lalamunan ng marinig ang sigaw ng isang babae mula sa kabilang villa. Bagama’t hindi niya iyon isyu, hindi niya pa rin maiwasang lumabas sa veranda kung saan niya mas naririnig ang sigaw, habang hindi pinagtotoonan ng ganoon kalaking pansin at ginawa na lamang libangan ng utak niya ang pakikinig sa pinagsasabi nito. “Nakakalimutan mo yata. He’s no longer my father. Matanggal ko nang nabura ang apilyedo niya sa pangalan ko, ni bahid ng impormasyon na ikokonekta ng lalaking yan sa akin.” “I’ve already told you! Kapatid kita, I get that. But that monster?! He’s not my father! At wala akong pakealam kahit huling birthday niya pato o huling pagkakataon ko na to para bumawi, dahil kahit kalian wala akong balak bumawi sa kaniya, ni umuwi diyan at Makita ko ang pagmumukha niya!” Bastos! Sambit niya sa sarili ng marinig kung gaanong hindi binibigyan ng babae ng kahit konting paggalang ang ama nito sa telepono. At may kapwa pinoy pa akong nagawi rito. Ba’t di ko man lang napansin na may tumutuloy pala sa kabila? “Tama ka, it’s been 9 years. But that doesn’t mean na basta basta ko na lang kakalimutan ang lahat ng ginawa niya sa atin noon. As a matter fact, hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan kung paano niyo kayang patawarin ang lalaking pumatay sa ina natin. Tang’ina naman! Respeto naman kay Mama! Namatay na’t lahat yung tao, hanggang ngayon, papaboran niyo pa rin yang kriminal na yan! Ni hindi ko na nga pinakulong, talagang sinusustentuhan ko pa?!” “Now I see where that rage is coming from.” Bulong niya sa sarili saka patuloy sa pag-inom ng alak habang pinupukaw ng nakaka-intrigang sigaw sa kabilang villa ang kaniyang pagkachismoso na kailanman ay hindi niya batid na naroroon. Ilang Segundo pa ay hindi na niya muling narinig ang boses ng babae at agad niya namang nakalimutan lahat ng narinig. Nagsisimula na namang manumbalik ang pagkabagot niya sa loob ng kaniyang tinutuluyan habang iniintay pa ang pagsapit ng alas siyete. Binuksan niya na namang muli ang kaniyang laptop na nasa mesa at bilis na naghanap ng private yacht online na pwedeng maghatid sa kaniya pabalik sa siyudad. “Bwiset naman oh, wala bang English dito?” Inis na bigkas niya habang patuloy na naghahanap sa website na puno naman ng chinese letters at hindi niya mabasa. Bitbit ang bote ng whiskey na iniwan niya ang laptop at bumalik sa telepono para tawagan ang linya ng front desk na nagbigay naman sa kaniya ng magandang balita. Sa wakas, ay mahahatid na siya ng alas siyete. Isang kalmadong ngiti ang lumabas sa kaniyang labi habang animo’y pinagmamasdan ang kalawakan at iniisip na nakikita ang paglubog ng araw habang unti-unti ng kumiklinang ang edge lights ng infinity pool. “Nagbayad ako ng Malaki, kaya hindi pwedeng hindi ako makakaligo dyan.” Aniya habang inaanyaya siya ng tubig at hindi na nga siya nakatanggi. Bilis na hinubad niya ang pang-itaas na saplot at astang ilulubog na ang katawan sa pool ng maalala ang bote ng whiskey at kinuha ito sa counter saka dahan-dahang lumusong sa pool. Malamig ang tubig at halos magtayuan ang balahibo nito sa katawan. Mabuti lamang at may manual control ito sa water temperature at madali lamang I set ng warm. Isang minuto lamang ay nasa ilalim ng tubig na ang kaniyang katawan mula dibdib. Pinagmamasdan ang karagatan habang malapit nang dumilim, at ang kaniyang paningin naman ay dahan-dahan ng sinasayaw sa rami ng alak na nainom nito. bahagya pa itong nagsisi na uminom habang may flight siya ilang oras na lamang at namimigat na ang talukap ng kaniyang mata. Minumura niya pa rin ang sarili habang dahan-dahang nagsasara ang paningin niya at wala na siyang lakas para buksan pa ito ulit. Konting-klonti ay matutulog na siya ng nasa loob ng pool ng isang nakakabinging tunog ang bumasag ng katahimikan at tila hinigop ang lahat ng alak sa loob ng katawan niya at nabalik siya sa ulirat. Tunog ng isang basong tumilapon sa sahig ang bilis na hinanap ng kaniyang mata, pero wala siyang ibang maisip na pinagmumulan nito, kundi ang kabilang villa. Sa takot na baka ay mas masamang nangyayari sa kabila ay agad siyang tumayo at lumapit sa veranda ng kabilang villa. Mula sa pagitan ng mga kahoy na animo’y ginawang rehas para magsilbing pagitan ng dalawang veranda ay kita ang piraso ng mga butil butil ng basag na baso, at ang kulay pulang likido na nagkalat sa sahig. Hindi nya matukoy kung sariwa ba itong dugo, kung kaya’t ganon na lamang ang kaba niya habang hinahanap ang anino ng isang tao sa loob at malaman kung duguan nga ba ito. Walang katao tao ang parte ng silid na kita niya mula sa kaniyang kinatatayuan. Mahirap Makita ang anumang nagyayari sa loob ng kwarto liban na lamang sa veranda kasunod ng kaniya. Doon niya lamang napansin na isang babae doon ang nakatayo, dalawang kamay niya ang nakapatong sa lapag habang nasa ilalim ng tubig ang buong katawan nito liban sa mukha na nakatitig sa kaniya na may kakaibang ngiti. Tila nag-iinit ang mukha niya ng mapag-alamang matagal nang nakatingin sa kaniya ang babae habang nakasilip siya sa villa nito. Baka akalain pa ng babae, eh manyak siya at binobosohan ito kada gabi. Dahan dahan naman niyang inilayo ang sarili at bumalik sa pool saka lumagok mula sa bote ng whiskey habang sinusundan pa rin siya ng babae ng tingin na may nakakalokong ngiti. Dahan-dahan itong umahon at dahan-dahang umaangat ang basang katawan habang kita ang makurba nitong tiyan sa suot nitong itim na two-piece. Hindi gaanong kataasan ang buhok ngunit hindi rin ganoon ka liit. Lampas balikat at hindi na aabot sa bewang ang taas nito, pero mas napapansin ang highlights ng kaniyang buhok na pa alon-alon rin habang dahan-dahan ang pag-akyat niya paalis ng swimming pool. Kalmadong tiningnan lamang siya ni Ethan sa kabilang veranda, pero hindi nagtagal ang kalmadong isip na yon ng biglang maglakad ang babae papalapit sa kaniya. Kumbinsidong hindi makakalapit sa kaniya ang babae dahil sa rehas ng kahoy na nagsisilbing pagitan sa kanilang dalawa, bagama’t ganon na lamang ang gulat niya ng mabilis lamang na hinawi iyon ng babae at agad na nagmistulang bumubukas na pintuan iyon at walang imik na pumasok ang babae sa kaniyang veranda habang nakatitig siya rito. Ang init na dumadaloy sa kaniyang katawan ay nagsimulang kumalat na parang isang butil ng dugo sa isang basong tubig na hindi niya matukoy kung nanggagaling sa alak. Bilis niyang pinalamig ang tubig at nilabanan ang katawan niyang umaapoy sa init habang tumawa ng bahagya ang babae ng mapansin ang kaniyang pagkabalisa. “Relax. You ain’t going to jail for watching your neighbor.” Aniya ng babae at walang permisong inulubog ang katawan niya sa pool kung saan naroon si Ethan. Doon niya lamang napansin ng malamig ang tubig, at muli naman siyang natawa ng bahagya. “I don’t know if you like the cold, or you need it to cool down the heat from your body. Dude, you’re sweating.” Asar niya pa kay Ethan na hindi man lang napansing pinagpapawisan siya. Kahit ang lamig ng tubig ay hindi niya nararamdaman dahil sa init ng katawan niya na hindi mapatay. Iniisip niya pa lamang na ang katawan nilang dalawa ay parehong nakalubog sa tubig ay para sasabog na siya. Parehong katawan nila ang basa sa tubig, at nagtitigan ng magkaibang datingan sa katahimikang namumutawi. Walang bahid ng pagkailang na tumitig ang babae ng diretso sa kaniyang mukha. Marahan, dahan-dahan, at malalim kung tingnan siya ng babae at ang dating nito sa kaniya’y hinuhubaran siya gamit ang mga titig. Punyeta! Gawain mo naman to sa mga babae Ethan! Hindi niya alam ganon pala ang epekto kapag isang babae ang gumagawa niyon sa kaniya. “I heard a noise. I was just checking out if something’s happening.” Pagbasak niya sa katahimikan at upang mawala ang kakaibang titig na binibigay nito sa kaniya. “I know. And that red splash on the floor, it’s not blood. Cause I kind of see the expression you had when you saw it. Horrific!” Aniya pa tsaka hinawi ang buhok na nasa kaniyang dibdib saka inilagay itong lahat sa kaniyang likuran. Hind naman maiwasan ni Ethan na tignan ang detalyeng iyon ng kaniyang paggalaw at pinakatitigang mabuti kung paano naalis ang buhok sa kaniyang dibdib, saka dahan-dahang napunta sa leeg nito, at ang mga mapupula nitong bibig na bahagyang nakangiti sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD