Hanggang sa umalis na si Sali ay wala pa rin sa tamang pag-iisip si Ethan at pasalampak na napahiga sa kama. Ang isang kamay ay yinukom at ipinatong ang kamaong iyon sa kaniyang ibabaw ng kaniyang mga nakapikit na mata. Nag-iisip ito kung ano ang dapat gawin habang malakas ang buhos ng ulan.
Animoy tulad ng sabi ni Sali, ay nagagalit ang may-ari ng isla sa lakas ng nakakabinging kidlat. Kahit ang salaming pintoan ay gumagalaw at sumasabay sa dagundong ng kidlat.
Nagsara ang lahat ng mga foodstalls dahil malakas na rin ang hampas ng alon sa dalampasigan at lahat ng mga bisitang nagpapahingang nakapwesto doon ay nagsipag-alisan at lahat ay nagtago sa kani-kanilang tinutuluyan.
Muling napatayo si Ethan at binuksan ang ref upang kumuha ng isang bote ng beer at umupo sa isang bean bag habang nakaharap sa gumagalaw na balat ng dagat sa botil ng ulan na nahuhulog dito. Nagmistulang ilang milyong langgam ang naglalakad sa ibabaw ng dagat at hindi maaninag ang kailaliman nito.
Kalma namang binuksan ni Ethan ang bote ng beer at uminom doon samantalang kalmado na siyang nag-iisip. Mukhang kahit papaano, ay nakakapag-isip siya ng tama ng wala sa kaniya ang bato. Palagi kasi syang komportable at nababahala bawat minutong naalala niya iyon.
Maaring konektado dito ang palaisipang mas nalalapit siya sa isang kasalang hindi niya gusto kapag hawak niya iyon.
Mabilis na lumipas ang buong araw at wala siyang ibang ginawa kundi ang maupo sa bean bag at tignan ang karagatan habang paibang sinisisid naman niya ang kailaliman ng kaniyang utok sa kakahanap ng maaring solusyon.
Napatayo siya ng maabos ang labing apat na bote ng beer at diretsong naglakad sa ref. hindi pa siya lasing kahit ganon ka dami ang naimon niya, pero ramdam niya ang kaunting pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata, at ang pakiramdam ng utak niyang animoy lumulutang.
Pero kahit ganon ang diretso at kalmado pa rin siyang nakakapaglakad at binuhay ang laptop na nakapuwesto sa mesa. Saglit muna niyang inantay at agad na nagpunta sa website ng kaparehong Airline na pinag book niya ng flight noon papunta pa siya rito.
“Right, hindi naman ibig sabihin non na dahil lang nakakita na ako ng babae ay siya na yun. Hindi pa rin naman ako nabibighani o nauulol, at least of what I think I am right now. Nababahala, yun ang tamang nararamdaman ko ngayon, kaya kahit umalis ako ngayon ay hindi makakasama sa akin.”
Aniya sa sarili at napangiti pa ng bahagya dahil alam niya sa sarili niyang may punto nga siya.
Hindi na nawala ang ngiti sa kaniyang labi habang nagbo-book ng flight at pagkatapos at uminom mula sa bote ng beer ng may tuwa ng makakuha na siya ng ticket na paalis mamayang alas nuwebe ng gabi.
May natitira pa siyang limang oras bago ang flight. Kailangan niyang makaalis sa isla ng alas siyete dahil babyahe pa siya ng kalahati sa isang oras palabas ng isla at papuntang main city sakay ang bangka. Tapos maglalaan pa siya ng kalahating oras rin para sa taxi mula daungan papuntang airport.
Ibig sabihin, ay may apat na oras pa siyang natitira para namnamin muna ang naudlot na bakasyon.
Sayang.
Halata ang panghihinayang sa kaniyang mukha. Maganda pa naman sana ang isla, ani niya. At talagang naramdaman niyang isa itong magandang lugar para magrelax, makukuha na sana talaga niya ang totoong bakasyon.
“Di bale, sa susunod na may bakante akong schedule ay babalik na lamang ako rito. At least ngayon, alam ko ng hindi ko lang pwedeng tanggapin ang letseng bato o kung ano pang ibibigay nila para walang malas. Tsk.”
Bulong niya sa sarili habang napatingin sa labas.
Kahit lubog ang ibabaw ng karagatan, makikita ang kasabik sabik na linaw nito sa ilalaim. Kahit makulimlim ang kalangitan, ay nanatiling kulay asul pa rin na parang hindi nito sinasalamin ang kulay ng kalawakan.
Naglakad palabas ng private villa si Ethan at hinayaang mabasa ang kaniyang damit ng ulan habang tinatakpan niya ang bunganga ng bottle ng beer na bitbit niya pa rin ng maglakad siya papuntang dalampasigan.
“Maliligo lang naman ako. Sayang naman ang gasto ko sa pagpunta rito kung kahit banlaw lang sa dagat ay di ko pa magawa.”
Aniya sa sarili na kampanteng walang kahit na sino ang nasa dalampasigan at naliligo dahil sa lakas ng ulan ngayon. Napangiti pa siya sa tuwa ng makitang wala ngang katao tao roon at agad na naghubad ng damit pang itaas saka inubos ang laman ng bote at naglakad na papunta sa dagat at sinisid iyon ng walang iniisip.
Nanatili siyang nakadaub sa karagatan at hinahayaan ang sariling palutang-lutang habang hinahayaan niya lang na tangayin siya ng alon. Pikit ang dalawang mata at kalma ang kaniyang paghinga habang hinahayaan ang sariling magrelax.
Ilang taon rin siyang walang bakasyon dahil talagang busy siya sa pagtatrabaho. Kakadesisyon niya lang na magsimula ng sariling construction firm 4 years ago. Kaya hindi man lang siya nakapag-isip na magbakasyon kahit ilang beses. Aniya, nagsunod sunod ang katok ng swerte sa negosyo niya at sunod sunod ang projects ng mga malalaking negosyo kaya hindi na siya nagdalawang-isip na ipagpatuloy na ilunod ang sarili sa trabaho. Total kahit papaano, ay nakikita naman niyang nagbunga ang lahat ng paghihirap niya. Di na lugi sa kaniya ang hindi makapagbakasyon ng apat na taon.
Buo niyang ibinaon ang katawan sa ilalim ng tubig at ginamit ang kamay niya upang mas maibaon ang katawan niya sa ilalim at pilit inaabot ng paa niya ang buhangin sa ibaba.
Swimming ang hobby niya kapag may bakante siyang oras minsan sa linggo pagkatapos niya bisitahin ang ina at tinututlungang mag bake ng mga pastries na pinamimigay nito sa mga batang nasal abas ng simabahan sa tuwing sumisimba ito ng hapon ng linggo. Kaya naman ay ganoon katagal niya kayang hindi huminga ng nakababad sa ilalim ng tubig.
Kunting-kunti na lamang at aapak na ang talampakan niya ng mapansin niya ang bahagyang paggalaw ng kung anong bagay sa may hindi kalayuan niya. Bilis na ibinaling niya ang paningin dito at may hindi maipaliwanag na mahabang paa ang lumalangoy palayo sa gawi niya.
Napasinghap siya ng nasa tubig at hindi maiwasang makainom ng tubig-alat. Hindi naman inaasahan ng lalamonan niya ang lasang alat at agad na nag-uubo sa ilalim habang naghahanap na ang baga niya ng hangin kaya dali-dali siyang lumangoy paitaas.
Habol niyang pinunan ng hangin ang kaniyang baga habang pilit hinahanap ang bagay na nakita niya sa ilalim at hindi siya nabigong Makita ang mahahabang bagay na lumulubog at umaahon sa tubig, maninipis iyon, at kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang nakita ay alam niya ang mahaba at maitim na bagay na sumasabay na gumagalaw dito palayo sa kaniyang kinaroroonan.
Buhok! Mahaba! At maitim!
Kung ganon, b-buntot?
Walang ibang maisip si Ethan kung hindi ay iyon lamang. Ngunit imbes na matakot, ay mas ginusto niyang sundan yon habang walang tigil na sumisisid palayo sa kaniya at lumalangoy patungong… patungo sa kuweba.
Kahit hindi pa siya natatapos sa pag-uubo ng maalat na kumakati sa kaniyang lalamunan ay huminga muna siya ng isang malalim at saka muling lumangoy at hindi patitinag na sinundan ang nilalang na lumalangoy ng pagkabilis bilis.
Hingal na hingal ay mas binilisan pa niya ang paglalangoy upang hindi mawala sa kaniyang paningin ang nilalang iyon na mukhang napansin na ring may nakasunod sa kaniya at mas bumilis na ang paglalangoy.
Punyeta. Walang sinong tao ang ganito kabilis maglangoy ng hindi napapagod at hindi humihinga. Punyeta! Baka sirena ngA.
Napailing na lamang na sabi niya sa kaniyang palaisipan habang patuloy pa rin sa paglalangoy.
May kalayoan ang kuweba sa isla, pero kaya naman niyang langoyin iyon, matagal nga lang bago niya mararating.
Mag a-anim na minuto na siyang lumalangoy, at bawat minuto ay tumitingin siya sa di kalayuan para Makita ang nilalang na kailanman ay hindi huminga. Hinihingal na siya, at ang mga braso niya ay namamanhid na sa kakalangoy ng walang tigil, pero tila hindi nakakaramdam ng pagod ang sinusundan niya at walang humpay na lumalangoy.
Malapit na itong makarating sa kuweba kaya ay mas binilisan pa ni Ethan ang paglalangoy at napahinto muna saglit ng makitang umahon ito at dali-dali ay…. Umakyat… Umakyat?!
Gulat na tiningnan ni Ethan ang binti nitong makinis kahit sa kalayoan. Nawala na ang kaninang matataas at maninipis nitong walang humpay sa paghahampas ng mabilis. Palinga linga ang dalaga kung tanawin ang karagatan animo’y hinahanap ang taong sumusunod sa kaniya kaya kahit hindi Makita ang mukha ng babae ay wala siyang pagpipilian kundi ang sumisid muli sa tubig para hindi siya mahuli. Tuluyan namang pumasok ang babae sa kuweba at saka lamang siyang umahon at muling lumangoy papunta doon.
Dahil nga at umuulan, ay wala kahit na sino man sa mga bisita sa isla ang naglakas loob na lumabas sa tinutuluyan nila at hinyaang humupa muna ang ulan bago sila ulit na lumabas.
Hindi pa nagtagal ay abot na ni Ethan ang kuweba at mahigpit ang hawak niya sa nakakabit na manipis na bakal sa batong nag-aangat ng kuweba. Nakahilera ang mga bakal hanggang sa taas at iyon ang ginamit ng babae nang umakyat.
Walang pag-aalinlangang umakyat si Ethan doon at habol pa ang hininga na tumayo sa maliit na isla. Napakaliit niyon. Isang kuweba, at isang munting puno ng niyog na hindi kataasan. Apat na metro lamang ang sukat ng diameter ng pabilog na munting isla, pagsusuri ni Ethan sa paligid at bilis na pinasok ang kuweba ng hindi pinaghahandaan ang anong pwede niyang Makita doon.
Inaasahan niya ang babaeng nagtutuyo ng buhok doon, o kaya naghahanda ng haponan, o kaya nagpapalit ng damit, pero nagkamali siya.
Gulat at hindi maipinta ang kaniyang mukha ng hindi niya Makita ang kahit anino ng babae sa loob ng kuweba. Nakailang ikot pa siyang muli sa isla at tiningnan ng paikot ang karatig dagat pero wala siyang nakitang lumalangoy paalis.
Hindi maipinta ang nararamdamang bumalik siya sa loob ng kuweba pero wala talaga ang babae. Naglaho na lamang ito, pero ang mas nakakakilabot, ay ang kaparehong puting kumot na nakita niyang hinihigaan ng babae nung gabing yun, ang kaparehong kumot na nasa lapag ng kuweba kasama ang nag-iisang makalumang gasera. Lumang-luma ang disenyo niyon, mag-aakala kang nasa lungga ka ng mga rebelde noong unang panahon na hindi pa uso ang baril at tanging revolver lang ang meron ang mga sundalo.
~The matchmaker must have paid a visit.
Ang sambit sa kaniya ng manager na muling inalala niya.
Hinalungkat niya na ang buong loob ng kuweba pero wala, wala siyang makitang pwede nitong pagpuntahan. Naglaho na lang ang babaeng iyon.
Saglit naman siyang napatingin sa gasera at saka dinampot iyon.
Kahanga-hangang may ganong disenyo rin ng gasera ang mga tsino. Kaparehong kapareho iyon ng disenyo ng ginagamit sa Makalumang Panahon ng Pilinas.
Baka ay napulot niya to ng minsang languyin niya ang dagat sa pagitan ng China at Pilipinas.
Sabi pa niya sa sarili saka napatawa ng bahagya.
“Parang kagabi lang ng sinuway mo si James sa paniniwala niyang totoo ang sirena, at ngayon mas malala ka pa pala.”
Aniya at binuksan ang gasera upang tumambad ang isang bilog at maitim na perlas.
Maitim, at sakto lamang ang laki.
Para naman siyang masisiraan sa pag-iisip ng kinuha niya iyon at pinakiusapan.
“I’m a mere visitor from miles away. If ever I’ve angered you for losing that stone, I’m asking for forgiveness. It was never my pure intention to get rid of it. I mean, not that you’re generous enough to give it back, right?”
Aniya pa ng may pilit na ngiti habang hindi maintindihan kung bakit napaniwala siyang totoo nga ang matchmaker na iyon.
“Why am I even talking to you? I don’t even know if you can understand English. Punyeta, ang bobo mo talaga Ethan. Malalason ang karagatan sa kabobohan mo.”
Aniya sa sarili saka ibinalik ang perlas sa gasera at ibinalik iyon sa lapag. Humakbang siya palabas ng kuweba at gulat ng makitang, nahinto na ang ulan. At kung mas nasisiraan lamang siya ng bait, ay papaniwalaan niyang senyales iyon na kumalma na ang sirena sa paghingi niya ng tawad.
Dahan-dahan nang lumilitaw ang sinag ng araw kaya bilis na siyang tumalon sa dagat bago pa may makakakita sa kaniyang nasa kuweba at ma deploy pa siya pabalik ng Pilipinas pag nagkataon ng may record ng trespassing.
Ang importante ay sigurado na akong, hindi bisita sa isla ang babaeng nakita ko kagabi.
Siya mismo ang sirena.
Sa haba ng buhok na kaparehong kapareho, at sa kumot na nakita niya sa loob ng kuweba, ay kumbinsido siyang ang matchmaker nga iyon. At ibig sabihin ay hindi pa niya nakikita ang babaeng balak ibigay sa kaniya ng matchmaker. Ibig sabihin ay hindi pa siya tuluyang nasumpa at pwede pa siyang makaalis sa lugar ng walang sinumang kailangang alalahanin kundi ang palaisipang totoo nga talaga ang mga sirena.
Nakangiti naman at kalmadong naglalakad si Ethan sa dalampasigan habang patungo sa pinaglalagyan ng kaniyang t-shirt. Saglit niyang pinulot iyon at aktong hahakbang pabalik sa villa ng maapakan niya ang isang matulis na bagay at saktong nadiin niya ang pagkakatapak doon kaya agad siyang napatalon at hawak hawak ang masakit na paa habang hinahanap ang bagay na kaniyang naapakan niyang nadiin ng mabuti sa ilalim ng buhangin ng maapakan niya.
Pasimple niya namang kinuha iyon at gulat ng makitang kaparehong kapareho niyong batong naitapon niya sa dagat.
Humingi na nga ako ng tawad di ba? Kailangan ba talagang ibalik pa to?
~If ever I’ve angered you for losing that stone, I’m asking for forgiveness. It was never my pure intention to get rid of it. I mean, not that you’re generous enough to give it back, right?”
“NOKNOKAN KA TALAGA NG KABOBOHAN, ETHAN!”